"Oh, ayos kana?" tanong ni Trina sa kabababa pa lang na si Merit. Naka-uniform na ito at nakasukbit na ang bag niya sa kaniyang balikat. Yeah, naalala ko na ang name niya. Kung hindi ba naman paulit-ulitin sayo ng kakambal mong kasing daldal ng parrot. Sino pa ang makakalimot diba? "Ready na tayo sa pagpasok! Lets go!" tuwang sabi ni Scartell. Balik sa energetic na personality si kambal. Nagising daw kasi ang diwa niya dahil kay Merit. Iniwagayway ni Trina ang kaniyang kamay. Na-project sa itaas ng kaniyang relo ang oras. "Time check, it's 6:30 in the morning." hindi na ako nagulat nang magsalita ito. "Woah! Saan mo nabili yan?" usisa ni Scartell. "Sa Mall." "Paano kami? Wala kaming pera?" naiinis na tanong nito. Hindi biro ang presyo ng mga bilihin sa eskwelahan na ito. Kung ordin

