"Mga papansin siguro 'yang mga 'yan! Balita ko nga Speliaza lang sila eh!" Napahinto kami sa paglalakad ni kambal, hindi dahil doon sa papansin kami, kundi doon sa nagpa-ikot-ikot sa snow "Hey, what's the problem?" tukoy sa amin ni Yuna pero hindi namin siya pinansin. "Sino nga ang salarin kung bakit nangyari sa atin yon?" baling ko kay Akira. "I don't know." may halong diin ang mga salita niya. Bakit niya ba ginawa ang bagay na iyon sa amin? Alam kong hindi bagyo 'yon! Sabi sa inyo medyo stupid lang ako eh. "Anong pinag-uusapan niyo? Ano bang nangyari?" tanong ni Trina. "Nandoon kasi kami noon sa park, sa winter season. Habang kumakain kami, biglang humangin ng malakas na may kasama pang mga lupang hindi namin alam kung saan nanggaling! Umuulan pa nga nun eh! Tinangay kami nun sa m

