"mom bakit siya?"
Umangat ang mga mata ni mommy mula sa pagbabasa nito ng magazine patungo sa akin.
"at least you know the man.."she commented pero mabilis ang ginawa kong pag iling na para bang ito ang pinakamaling nagawa nito.
"mom he hates me!"asik ko.
Nagsalubong ang kilay ni mom sa inasta ko bago tumayo at lumapit sa akin.
"who would hate you? You're pretty and smart not to mention very rich.."tinapik nito ang balikat ko bago ako iginiya paupo.
Siya mom, siya lang ang nag iisang ayaw sa akin.
Naiiyak na napayuko ako ng ulo sa isiping 'yon.
Malinaw sa akin na hindi ako gusto ni Blaze pero masakit parin pala.
"we know him, and I know that you two used to hang out so.."she shrugged her shoulders habang binibitiwan ang salitang' yon.
How sure you are mom that this is what's best for me. I don't think so.
Hindi na ako nakipag argue pa kay mom dahil mukhang hindi naman siya interesadong makinig.
So I went back to my room at nahiga na.
Malinaw pa sa akin ang nangyari ilang taon na ang nakalipas.
In my high school days, I was a typical spoiled brat, mayaman at nakukuha ang lahat.
"Ems!"pagtawag sa akin ng kaibigan ko nang makababa ako sa sports car ko na ako na ang nagmamaneho.
I don't have a license but dad can pay the officials so I'm good.
"what?"lingon ko dito.
"may gagawin ka ba bukas?"ang pagngisi palang nito ay hindi ko na gusto.
"count me out Lily I'm not interested.."ani ko.
"come on Ems! Makikipag blind date lang naman tayo and a little bit of flirting and mingling.."hagikgik na sabi nito.
I rolled my eyes.
"ikaw nalang, I don't need to go para lang magkaboyfriend besides there's so many boys here.."this time ay ako naman ang ngumisi dito bago naunang maglakad.
Sumunod naman ito sa akin habang nakasimangot.
"Em please accept my love.."pagharang ng isang lalaki sa amin.
Tinapunan ko ng tingin ang binibigay nitong bulaklak bago napunta sa mukha nito ang tingin ko.
"no thanks I'd rather watch horror than look at you.."mataray na sambit ko bago ito nilagpasan.
"grabe ka naman girl!"si Lily.
Nilingon ko naman 'to.
"my standard isn't that low Lily.."I said while smirking at her.
Nang papasok na kami ng room ay saktong paglabas naman ng isang lalaking may buhat na mga libro kaya nabangga ako nito.
"gosh!"tili ko nang magbagsakan ang mga dala nitong libro at matamaan ang paa ko.
"sorry po!"nakayukong paumanhin nito.
Naningkit ang mga mata ko.
"sorry? Matuto ka kasing tumingin sa daan hindi 'yang nakayuko ka!nerds!"asik ko bago ko ito binangga papasok.
In this school I have the image of an It girl, mayaman, maganda at magaling sa mga ginagawa.
"okay class listen.."bored na tinignan ko ang teacher namin na nagsasalita sa harapan.
"my due date will be this coming month so I won't be able to teach you may papalit naman sa akin but please guys be nice ayokong mapahiya sa papalit sa akin lalo at ni recommend ko ang class na 'to sa kanya because you guys are smart enough to tackle things with him.."napataas kaagad ang kilay ko sa sinabi ng buntis naming teacher.
Buntis na pero parang ang arte pa din. Lalaki ang pinakiusapan niyang pumalit? Paano naman kaya niya napilit? By doing some disgusting stuff? Ew.
Lunch time nang mag aya ang mga cheerleaders kong friends na kumain sa cafeteria.
"Ems.."napabuntong hininga ako ng makita si Gary ang boyfriend ko this week.
In short my latest.
Kasama nito ang basketball team, tamad na tinignan ko 'to.
"oh? Bakit Gary?"kunwari ay interesado ako sa sasabihin nito.
"ihahatid kita mamaya let's dine out na din before going home.."gusto kong matawa sa sinabi nito dahil napaka cliché pero tumango nalang ako para umalis na' to sa harapan ko.
"himala at tumagal siya ng 1 week.."si Kim isa sa cheerleader.
"he's getting clingy na so I think I will break up with him later paghatid niya sa akin.."they all gasped nang marinig ang sinabi ko.
"so heartless.."si Lily.
"you are cold.."si Kim.
"robot ka ba? Wala ka man lang pakiramdam o pakialam kung masaktan siya?"si Ria.
I sighed bago ko sila binigyan ng bored na tingin besides bata pa kami I'm only 16 at 4th year high school pa lang ako to get serious in such relationships.
"boys are like toys.."tamad na sagot ko sa kanila.
"hindi ka ba takot sa karma girl?"si Ria habang umiinom ng shake nito.
"oo nga, baka mamaya naman wala ka nang maging seryosong relasyon o kaya wala nang magtangkang lumapit pa sa'yo you're a damn player girl.."umiiling na sabi ni Lily.
"I am rich, pretty and sexy who wouldn't like me? Makukuha ko kung ano at sino ang gusto ko, it's always been like that.."kibit na ani ko.
Wala na silang nagawa pa sa sinabi ko. They can't disagree, dahil alam naman nila na kahit may boyfriend ako ngayon ay may mga nanliligaw parin sa akin hoping na mapansin ko sila.
Dumating ang uwian at paglabas ko palang ng building namin ay nakita ko na kaagad ang overconfident na si Gary. Halos tumirik ang mata ko sa pag irap dahil dito.
"good luck.."natatawang bulong ni Ria sa akin bago umalis.
I sighed.