Chapter 94 Aki’s POV Binanggit ko may Murfin ang tungkol sa ilang beses na naming pagkikita ni Blaire pero hindi ang tungkol sa paninikil nito sa akin. Ayaw kong mag-alala siya nang husto sa akin lalo pa’t alam niyang buntis ako. Minadali kong ikuwento ang mga dapat niyang malaman nang hindi magtaka ang asawa ko sa matagal kong pananatili rito sa labas. “Magkikita ulit tayo, best... Isa sa mga araw na ito ay lalabas akong muli para makausap ka. Sa ngayon kailangan kong bumalik sa tinutuluyan ko...” “I am currently living here in the building, Kira... Sige, bumalik ka na lang muna... I’ll contact you if there’s a way...” “I will... Dito na lang tayo magkita ulit... Hihintayin kita rito. Or ikaw na lang mismo ang pupunta rito... Gagawa na lang ako ng paraan para makalabas... Hindi naman

