Chapter 107 Aki's POV Mag-uumaga na nang matapos ang tila hindi na magwawakas na sandali sa piling ni Audrei. Hindi ako pinahupa ng kasabikang naipon sa katawan mo. Ang una ay nasudan pa nang nasundan hanggang sa katawan ko na rin mismo ang sumuko. Sa mga sumunod ay paminsan-minsan akong tinutulungan ng asawa ko para makamit ang gusto kong iparanasa sa sarili. Pero siyempre, ako talaga ang mas naghirap sa amin at siya naman ang mas nag-enjoy. Happy, tired and content, I covered his body with mine. Tumingala ako sa mukha niyang mahimbing na nakaidlip. Parang siya itong pagod na pagod, eh, wala naman siyang masyadong ginawa. Wala sa loob kong iniangat ang kamay at inihaplos ito sa matangos niyang ilong. He has a perfect nose bridge, thin and tall. "Hmmm..." ungol niya without opening his

