Chapter 102 Aki's POV "Tandaan mo 'tong sasabihin ko sa iyo, Diane, mga magulang ko lang ang puwede kong i-share sa iyo pero ang asawa ko, hinding-hindi!" mahinahon ngunit mariing-mariin kong sinabi sa kaniya. "Kahit mamuti ang mga mata mo sa kahihintay, wala akong pakialam. Manginig ka naman sa ideyang pumapasok diyan sa utak mo. Tayo, sa iisang lalaki? Nakikita mo ba ang sarili mo sa ganoong sitwasyon? Iyong ikaw ang nakikihati?" Kanina pa suklam na suklam ang mga mata ko sa kaniya. At hindi ko mapigilang maging mapang-uyam at maging mapagpatol sa kaniya. Masamang-masama ang tingin ipinupukol niya sa akin ngunit nababasa ko rin ang sakit sa mga mata niya. Ang sama siguro ng loob niya dahil napaasa siya. Iyon ang naging dahilan para ibaba ko ang galit na nararamdaman ko. Kahit papaano

