EPISODE EIGHTEEN

1082 Words
"Ang Paghaharap part 1" Sa pagpapatuloy nang ating kwento.. Nagpaalam na si Sister Stella at si Mary naman ay naguguluhan at Hindi sang-ayon sa Plano nang mga taga kumbento. Ang karugtung... Ginising ni Zanjo si Cristine kasama nya si Riza at Gabriel. "Anyare? Ga-abriel? Nasaan si Mary ang kambal mo?" Tanong ni Cristine habang pupungas-pungas pa. Pumasok naman sa kwarto si Ricky at nagwika. "Cristine kelangan ka namin!" "Anong ginagawa nang traydor dito?" Galit na sambit ni Cristine na agad nyang hinawakan ang kanyang buhok at sa isang iglap ay naging kulay pongkan ang kanyang buhok. Sabay niyang kinuha ang kanyang sandata na si Liksi. "Da! Huminahon ka muna. Hindi naparito si Ricky upang makipag laban." Sabi ni Zanjo. "Tama si Zanjo, may gustong magpa Kilala Sayo." Wika ni Ricky at Mula sakanyang likuran ay lumabas ang isang babae na may kulay pula ang buhok at mukhang mamahalin ang kasuotan. "Sino ka?" Tanong nya. "Ako si Lilith ang iyong Ina." Sagot nang babae. Mabilis na kinuha ni Cristine ang espada na ibinigay ni Jade sakanya. At isanamo ang kapangyarihan nito. "Ang espada ng arkanghel tinatawag ko ang iyong kabutihan at paalabin ang espada~" Hindi na natapos ang sasabihin ni Cristine nang pinigilan sya ni Jade. "Hindi ako papayag na gagamitin mo ang espadang pinangangalagaan ko dahil sa Galit mo!" Sambit ni Jade at bumalik sa pagiging hikaw ang espada. "Wala lang ba kayong gagawin?" Tanong ni Cristine. "Da, diba sabi ko kalma lang? Hindi sila nandito para gumawa nang g**o. Hihingin nila ang tulong mo !" Paliwanag ni Zanjo. "Kung ganun babae, magpaliwanag ka!" Sambit ni Cristine. "Kami nang mauuna." Wika ni Gabriel. "Kasalukuyang nasa kumbento si Mary Ngayon, nakikipag debate sya sa mga mother superior Ngayon. Tinutulan ni Mary Ngayon ang Plano nilang Ikaw ay gamitin upang matuyo ang ilog nang kapayapaan. Kapag ito ay natuyo, ang mga natitirang anghel na nakakulong doon. Tutuparin nila ang kanilang utos na linisin ang Kalahating populasyon ng mga tao sa Mundo." Paliwanag ni Gabriel. "Naalala ko ang kwentong iyang kay sister Stella at maricar. Yan ang dahilan kung bakit sila umalis sa kumbento nang sister in light." Sabi ni Cristine. "At yan din kung bakit inutusan kami nang tatay na bantayan ka ate. " Sabi ni Rizah. "Kaya nag patulong ang mga magulang ni Rizah saakin na bantayan ka. At ihanda ka!" Wika ni Zanjo. "Ikaw anong kinalaman mo dito?" Tanong ni Cristine Kay Lilith. "Simple lang, Hindi kami papayag na muling mag balik si Satanas Mula sa impyerno. Hindi lang din si Satanas ang makakalabas maging ang mga iba pang demonyo. Kaya paki-usap mas pinili naming mapunta ka sa mga nephilim." Paliwanag ni Lilith. "Wag kayong mag aalala Hindi ko sila susundin." Sabi ni Cristine at muling nagbalik ang kanyang buhok sa natural na kulay. " Hindi ganyan ka bilis Cristine. Ang sandatang ibinigay namin ay mga sagrado ngunit. Maari itong magamit sa kasamaan." Wika ni Ilvic. "Una, ang espada.. may kakayahan itong maging susi nang impyerno at ang apoy ay may kakayahan g magpatuyo nang mga dagat at ilog." Sabi ni Jade. "Ang panulat ko Naman ay, may kakayahang, mag bukas nang portal papunta at papasok nang impyerno maging ang mga anghel na nakakulong sa ilog maaring gawing lagusan Nila.. " sabi ni Valerie. "Panghuli ang pamaypay ko, maaring gamitin nila ito sa kasamaan. Kaya nitong tanggalan nang hininga." Sabi ni Ilvic. "Kung ganun anong gagawin ko?" Tanong ni Cristine. "Madali lang~" sambit ni Lilith. Nang biglang umuga ang lupa at dumating ang mga Madre sa kumbento hawak Nila si Mary. "Alam kung nandyan any itinakda, lumabas ka!" Sigaw ni sister Mariella. Unang lumabas sina Jade, Valerie at Ilvic. "Kami nang bahala, iligtas nyo si Cristine." Utos ni Jade. "Delikado ka dito Lilith. Mabuti pa tumakas kayo!" Utos ni Ilvic. At agad namang naglaho sina Lilith at Ricky. Habang Sina Rizah at Zanjo ay agad namang kinuha si Cristine at tumakas. " I know shock kapa ate, kahit ako din naloka ako. Pero Tayo na baka ma tsugi Tayo dito!" Sabi ni Rizah. Sabay kumpas nang kanyang mga kamay. Samantala sa labas nang Bahay kung saan hinarap nang mga tagapangalaga nang mga sagradong sandata Sina Sister Mariella na hawak Nila sa mga oras na ito si Mary. "Ilabas nyo ang anak ni Lilith." Sigaw ni Sister Mariella. "Mariella nababaliw kana. Mabuti pa umuwi kana. Wala dito ang hinahanap mo. At magdala kapa talaga nang mga kasama?" Sabi ni Valerie. "Valerie? Ikaw ang nababaliw. Tama bang kumampi ka sa kadiliman?" Sabi ni Sister Mariella. "Ay loka loka nga ang babaeng iyan.!" Wika ni Ilvic . "Sinong loka loka!" Sambit ni Sister Mariella at isang malakas na kidlat ang kanyang tinawag at pinatamaan nya sa tatlo. Mabilis namang umilag at tatlo. "Ngayon sinong baliw saating apat?? Diba kayo yun?" Natatawag sambit ni Sister Mariella. "Mga kasama. Wag kayong maniwala sa babaeng yan. Nababaliw na Ang inyong mother superior." Sabi ni Mary. Ngunit tila bingi ang ibang mga Madre. Hawak pa din nila ang kanilang mga sandata. At Ang dalawang Madre na humawak sakanya ay mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sakanya. "Gabriel, iligtas mo si ate Cristine kahit anong mangyari!" Sigaw ni Mary at isang puting paro-paro ang lumabas sakanyang likuran at mabilis itong lumipad. Samantala habang abala Sina Jade sa pag ilag sa mga atake ni sister Mariella. Biglang may naalala si Cristine. "Sandali, Sabi ni Sister maricar may ibubunyag daw syang tunay na katauhan tungkol sa mother superior Nila." Sabi ni Cristine. "Ngayon mo pa talaga naisip yan da! Nagmamarites ka lang." Sabi ni Zanjo. Nang biglang may isang boses ang nagsalita. " Noong unang panahon, nabuksan ang impyerno at nakalabas ang mga demonyo ngunit, Ang inaakalang naka kulong na ang lahat Lalo na si Satanas. May naiwang demonyo ang nakaligtas. Ang demonyong may kakayahang mag balat-kayo.." Sabi nang boses. "Si Samael! Tama. Kaya Pala kakaiba ang pakiramdam ko sa sister Mariella na yan!" Sabi ni Rizah. "Kilala mo?" Tanong ni Cristine. "Naikwento ni Ricky. Tapos nang mahawakan ko sya noon. Puro apoy ang nakikita ko!" Sabi ni Rizah. "Kung Ganon? Walang laban ang mga Auntie natin. Wala silang mga sandata. Bumalik na Tayo!" Sabi ni Cristine. "Nababaliw kana ba?" Saway ni Zanjo. "Kung ayaw nyo, edi don't! Ako lang mag isa- baboo!" Sabi ni Cristine at agad nag laho. Sakto namang dumating si Gabriel. "Nasaan si Cristine??" Tanong nya. "Bumalik?" Sagot ni Zanjo. "Bakit nyo hinayaan syang bumalik delikado Ang buhay nya! Kilala na namin si Sister Mariella. "Sambit ni Zanjo. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD