CHAPTER 65 Bridget's POV It's almost 3:45 AM. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa Sunday's Glow Restaurant kung saan kami nagkita-kita nila Drew. Umuwi na kasi sila, at ako na lang ang naiwan dito. Niyaya na nga nila ako kanina na umuwi na, pero tumanggi ako. Gusto kong mapag-isa na lang muna ngayon. Gusto kong sanayin ang sarili ko ngayon nang mag-isa lang. Para hindi na ako mahirapan sa mga susunod na araw na darating... "Ma'am. Kayo na lang po ang customer dito. Sure po bang gusto niyo pa po ng isang order ng kape?" Tanong sa akin ng babaeng waiter. "24 hours open naman 'to, diba? Oo. Isa pang order..." Utos ko sa kanya, at saka tiningnan ko na lang muli ang mga cup na natira dito sa mesa ko. Hindi ko pa kasi siya pinapaligpit. Gusto kong nakatambad lang ang lahat nang ito sa

