Dating Mr. Conceited [4]

1623 Words
CHAPTER 4 Drew’s POV Ako nga pala si Drew Chris Dalton. 16 years old na ako, kaklase ni Gitte simula elementary. Naging kaibigan ko sila nila Luce at Cayden dahil sa magkakapareho kami ng unang letrang nagsisimula sa apelyido. Dalton, De Guzman, Delahoya at Devenencia ba naman eh. Alam niyo naman siguro na nung mga elementary days at nitong mga high school days ay talagang in order ang upuan from A-Z na apelyido sa isang klase. Tapos, alternate pa ang babae’t lalaki. Kaya kaming apat talaga ang sobrang magkakatabi. Sa lahat ng mga babaeng nakilala namin, si Gitte lang ang nagustuhan namin maging kaibigan. Maraming pinangarap kaming maging kaibigan, pero dahil mapili kami ay siyempre tinitignan namin talaga ang personalidad at ugali ng isang tao. Hindi lang kami basta basta nakikipagkaibigan kahit kanino. Na por que guwapo kami? Sikat kami? Ay kakaibiganin na nila kami? Hindi naman yata makatarungan 'pag ganun. Kaya ayun nga dun talaga nagsimula ang circle of friends namin. Maraming naiinggit kay Gitte, kasi nga kaibigan namin siya. Pero… Masisisi niyo ba kami, na kung anong gusto naming ideal sa isang kaibigang babae ay nasa kanya? Kami pa nga yata ang suwerte dahil naging kaibigan namin siya. Mukhang mapili rin kasi talaga ito sa mga kinakaibigan niya, lalo na’t maangas siya? Palaban? At talagang hindi siya malandi hindi tulad ng ibang mga babae diyan na puro landi lang ang alam. Masaya kaya magkaro’n ng babaeng kaibigan na maangas. Tapos makakasabayan mo sa lahat ng trip. Pero hindi naman kami basta basta nagloloko lang dito sa school. Kaya nga kami nasa section A diba? Impluwensya na rin sa amin ni Gitte 'yan! Pero sa aming tatlo nila Luce, Cayden, at ako, hindi naman sa ikalalaki ng ulo pero ako talaga ang madalas kasama at nakakausap ni Gitte. Kadalasan kasi ang dalawang tukmol na 'yan ay magkasama sa kanilang trip nila. Lalo na 'yung pagbibigay ng matitinding dare nila sa isa’t isa? Hindi na lang kami sumasali ni Gitte dun. Ang liligalig din kasi ng dalawang 'to pero nakakasama rin naman 'yan kung may trip silang dalawa. ** Nagulat naman ako nung biglang umupo ang Luke na 'to sa tabi ni Gitte. Marami naman kasing bakanteng upuan pero bakit dito pa sa tabi ni Gitte? Halata namang inis na 'to sa kanya pero dito pa rin siya tumabi? Anong pauso ng mga pananadya niya? Mukhang mainit talaga ng dugo nila sa isa’t isa kaya pinigilan ko na lang 'tong si Gitte at pinakalma. Loko din kasi 'tong Luke na ito, pati babae inaaway eh. Nag-CR muna saglit si Gitte. Mukha nga talagang naiinis siya sa Luke na 'to. Nakikita ko kasi sa gilid ng mata ko na kanina pa siya nito kinukulit… “Pre, masungit ba talaga ang babaeng 'yun?” Tanong niya sa akin. Hmm, Pre talaga agad ang tawag niya sa akin ah? “Oo. Mailap sa mga lalaki 'yun eh.” Nakatingin lang ako sa teacher namin habang sinasagot ko siya. “Halata nga… Luke pala.” Abot niya sa akin ng kanang kamay niya. “Drew,” Inabot ko naman ang kanang kamay ko, “Drew Chris Dalton.” Pagbuo ko sa pangalan ko. Nag-shake hands kami. Mabait naman pala 'to eh. Talagang trip niya lang yata si Gitte. At mukhang mainit nga ang dugo nila sa isa’t isa. “Close kayo nung… Sino nga ba 'yun?” “Bridget.” “Ah! Oo. Bridget! Bridget? Aba. Kakaiba pala ang pangalan niya. Babaeng bisaya ang pangalan niya na parang maangas.” Ngiti niyang sabi. Oh bakit? Interesado siya kay Gitte? “Oo nga raw.” “Batay rin sa pagkakaalam ko, ang meaning ng Bridget sa name dictionary ay strong. Nako palaban pala siya.” Tinitignan ko siya. Bakit? Eh ano kung palaban siya? Eh ano kung 'yun ang pangalan ni Gitte? Talaga bang interesado siya dito? Andito na rin pala si Gitte kaya napaayos na lang agad kami ng upo. “Drew, hindi pa ba break?” Tanong sa akin ni Gitte. “Ano ba sa tingin mo Gitte?” Excited din kasi 'to, kakapasok pa nga lang nung first teacher namin eh nagtatanong na kaagad kung break time na ba. “Sige mambara ka pa! Tinataong ng maayos eh. Haaay. Sana uso ang cutting kahit high school pa lang.” Sabi niya habang nagpapout. Aaminin ko ang cute niya 'pag ganun. “Bored ka? Kausapin mo 'yung sila Luce.” Turo ko sa kanila. Napatingin bigla sa amin si Luke. Uh, bakit naman kaya? “Oh? Kailangan mo?” Tanong sa kanya ni Gitte. Napataas naman ng kilay itong si Luke, “Tawag yata kasi ako ni Drew?” Hindi siguradong turo sa akin ni Luke. Nabingi nga siya, “Luce nga eh, LUCE! AS IN LOOSE! Kalalaking tao ang bingi naman.” Pagsusungit ni Gitte dito. “Wooosh. Pasensiya naman ah. Malay ko bang may malapit pala akong kapangalan dito?” “'De wala! Sabihin mo lang BINGI KA! BINGI! DUN KA NA NGA TUMINGIN! NAIIRITA AKO SA HITSURA MO!” Sobrang high blood yata talaga si Gitte sa Luke na 'to ah. Napailing na lang si Luke at tumingin sa kabilang gilid niya. Nagsmirk yata 'to at… Nakita yata 'yun ni Gitte? “Drew! Naiinis na ako sa lalaking 'yan!” Bulong sa akin ni Gitte na halata namang gusto niya ng kumalma. “Halata nga. Gusto mo, dun ka muna kila Cayden? Nang 'di ka nababad trip dito?” “Kanino naman ako makikipagpalit?” “Ikaw bahala. Kung gusto mo kay Luce o kaya kay Cayden…” “Sige sige. Kay Luce na lang.” Naglakad payuko si Gitte papunta sa puwestuhan nila Cayden. Nasa unahan pa naman sila at andito pa si Ma’am. 'Wag na lang sana siyang mahuli. Bridget’s POV “Oh bakit andito ka Gitte?” Bungad na tanong sa akin ni Luce. “Luuuuce. Palit nga muna tayo ng upuan oh?” “Oh bakit? Teka, nagdidiscuss pa si Ma’am oh.” “Dali na kasi! O ikaw na lang Cayd.” Pangugulit ko naman kay Cayden. “Ay nako. Mamaya na lang Gitte. Bumalik ka na lang muna dun at nagle-lesson pa si Ma’am oh. Yari tayo kapag nakita tayo sige ka.” Panakot naman sa akin ni Cayden. “Alam ko na! May plano ako. Kunwari magtatapon ka ng basura Luce, tapos magtatapon din ako, pagbalik natin ako ang uupo sa upuan mo at ikaw ang uupo dun na sa upuan ko! Keri na?” Sabi ko sa kanila. Tumango na lang si Luce at bumalik na ako sa upuan ko. Pumilas naman ako ng papel sa likuran ng notebook ko. Binaboy ko pa ito para mas masaya! “Haha. Anong bagong pauso 'yan?” Epal ng Luke na 'to. Tinignan ko lang siya ng masama at saka inirapan. Eh siya kaya tanungin ko? Kung anong bagong pagpapapansin na naman 'yan? Tss! “Napakasungit naman nito. Hoy Bridge, bakit ba ang sungit mo sa akin?” Nakulangan yata siya ng letter T sa pangalan ko. “Paki mo?” “Oh! Tapos bigla mo akong aawayin? Pambihira naman oh.” 'Di ko na lang siya pinansin at patuloy kong binaboy ang pagsusulat dito sa notebook. At… Ohla! Ang kyot ng pagkakagawa ko. Sige na, okay na 'to! Itatapon ko na ito. Sabay kaming nagtapon ng basura ni Luce. Yeey! Makakalayo na rin sa peste, hwoooh! Tatabi tabi pa siya diyan sa akin ah. Oh edi sige! Ako na lang ang lalayo sa kanya. Pa-feeling close pa siyang nalalaman. At… Bridge? Pwe! Nakakasuka ang tawag niya sa akin! Saan pati niya nakuha ang pangalan ko? Bridget kaya 'yun, BRIDGET! Paanong naging Bridge? Ang guwapo ko namang tulay! “Nakabusangot si Gitte~” May sa tono na si Cayden. “Kakainis kasi sa pwesto na 'yun Cayd. Sana maayos na 'yung upuan… Sana malayo na ako dun.” “Oh bakit naman? Inaano ka ba nun?” “Sobra siya kung makapang-init ng dugo. Wala naman akong ginagawa sa kanya pinagtitripan niya ako. Haay! Nakakainis talaga. Wala naman siyang karapatang pagtripan ako ng ganun eh! Sapakin ko pa ang pagmumukha niya.” “Oh, kalmaaa. Men, hayaan mo na lang muna 'yan. Baka naghahanap lang 'yan ng mapagtitripan at since ikaw ang napili niya pagbigyan na lang.” “Pagbigyan? Walanjo! ANO SIYA CHIX?” Medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin sa akin ang iba kong mga kaklase. Buti nga hindi napatingin si Ma’am Tapia---Este Cy. “Hina-hinaan mo naman ang boses mo. Eh kanina kasi, ang lakas ng loob mong tumawa ng pagkandalakas lakas diyan eh. Ni hindi nga namin nagets ni Luce kung ano ba 'yung joke ni Ma’am Cy dun eh.” Sabay kamot ni Cayden ng ulo. “Ay nako! Hahahaha. Sabi kasi niya kapag naulit pa raw na ma-late 'tong Luke na ito eh tuluyan na siyang babagsak sa apelyido niya. Hahaha! Ano bang apelyido niya? Edi Dean diba? Hahahahaha!” Tawa ako ng tawa habang kinukuwento ko ito. Medyo naniningkit na nga ang mata ko habang nagkukuwento pero parang wala pa ring reaksyon si Cayden. Bakit? Hindi pa rin ba niya nagegets? Napaka-slow na ng lalaking 'to! Hanggang sa… “Mukhang may gustong ishare sa atin si Miss de Guzman ah.” Agaw pansin na sabi ni Ma’am Cy na siya namang ikinagulat ko dahil ang boses na 'yun ay nanggaling sa gilid ko. Pagkaharap ko… Hala! Lagot na. Nako. Hala naman kasi! Bakit ba kasi ang ingay ko, nakanang! Naluko naaaaa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD