CHAPTER 5
Bridget’s POV
“Nakakainis talaga siya! Malas siguro sa buhay 'yun 'no? Bakit hinahawaan niya ako ng pagkamalas niya? Nakakairita na! Ano 'to, kapag nasa kanya ang malas sa buhay… Kailangan pa niyang mandamay ng iba? CRAB MENTALITY PALA ANG MAYROON SIYA EH! Bakit kailangan niya akong hilahin pababa? Ano 'yun, kasi feel niyang may kasabay siya sa pagbaba niya? HIGH WAY TO HELL? NAKAKAASAR TALAGA!” Tuloy tuloy na pagsasalita ko dahil nangingibabawan na ako ng inis at pagkabadtrip sa Luke na 'yun. Akala siguro niya, basta basta ko na lang mapapalagpas ang nangyaring pagpapalabas sa aming dalawa? HAH! OLOLOL pala siya eh!
Inalo naman ni Cayden ang likod ko, “Oh, kalma na Gitte. Haha. Ikaw kasi eh, magkukuwento ka na lang… Sinasabayan mo pa ng tawa. Haha.”
Tinignan ko siya ng masama at inalis ang kamay niya sa likod ko, “Hoy Cayd! Isa ka pa eh! Nagkukuwento kasi ako ng maayos parang hindi ka naman naniniwala. Edi ayan! Sinabayan ko na ng pagtawa dahil hindi ko na rin kayang pigilan pa para rin maniwala ka.”
“Naniniwala naman ako. Haha.”
“Eh bakit ka natatawa ngayon sa akin? Imbis na tumawa ka na lang din ng malakas at sinamahan ako dun sa labas na nakatayo. Akala ko ba… PARTNERS IN CRIME KO KAYONG TATLO? Wala man lang ni isang sumunod na nagpalabas sa inyo para samahan ako dun sa labas. Hmp!” Tampu-tampuhan ko sa kanila.
“Nako, itong si Drew humahanap ba naman ng paraan kanina para mapalabas. Kinakabahan kaya sa 'yo ito. Alam niyang masisira ang records mo sa school edi kung masisira na lang din daw, eh sasamahan ka na lang daw niya. Para gaya nga ng sinabi mo, may kasama ka.” Sabi naman ni Luce.
Tumingin ako kay Drew na napaiwas ng tingin. Ang bait talaga niya ng sobra. Kaya ito ang pinaka-close ko sa tatlong 'to eh. Kasi, naiintindihang babae ako.
“Tumahimik na nga kayo.” Drew.
“Oh bakit pre? Totoo naman diba? Ikaw ha, ayaw mo nang nilalaglag ka. Hahaha!” Tumatawang si Luce.
Nag-high five naman sila Luce at Cayden. Nakitawa na lang din ako, ang cute kasi ni Drew eh. Nagba-blush na ewan. Minsan magulo rin 'yang si Drew eh. May gusto siguro 'to sa akin.
“Mukha naman siyang mabait, Gitte ah.” Pagiiba ni Drew. Si LUKE ba ang tinutukoy niya na mukha raw mabait? WHAT THE? 'YUNG LUKE NA 'YUN? MABAIT? Eh nung unang pasok pa nga lang niya, binara na niya agad si Ma’am Cy ah! Ah, hindi pa pala! Understood na pala ang pagiging late niya, mabait na bata ba 'yan? Ay nako! Hindi yata marunong magkumpara si Drew kung ano ang ANGHEL sa DEMONYO.
“MABAIT? ANG NILALANG NA 'YUN? DREW NAMAAAN!” Malapit na yatang sumakit ang batok ko dito.
“Oo. Nakausap ko siya kanina. Parang gusto ko ngang… isali sa barkada 'yun eh.”
“Oo nga. Diba kanina? Ang cool niya nga eh. Basketball player din pala siya sa dati niyang school.” Sabi naman ni Luce.
And so what? Wala naman akong pakielam kung basketball player pa 'yan o kahit MVP pa siya. Mabuti sana kung sepak takraw, hahangaan ko pa siya eh. MARIO MAURER lang. 'Wag kayong maingay at sa utak lang ako nag-iisip at nagfa-fangirl at nagpapantasya. Sabi ko nga sa inyo wala akong laya makapag-express ng pagiging avid fan ko sa K-pop. Kahit sila Luce ay hindi alam na ako’y isang dakilang K-popper! Si Drew yata alam niya talaga.
“Ayos nga eh. Edi kung sakaling magpa-try out na makakasama pala natin 'yun.” Usal ni Drew.
“Magaling! Siguro nga... Sayang! 'Di ko pa kasi 'yun nakakausap eh.” Sambit naman ni Cayden.
“Edi mamaya kausapin natin!” Ekstra naman ni Luce.
“Sino lalapit dun? Tayo?” Cayden.
“Malamang, tayo 'yung gustong kumausap dun sa kanya eh.” Luce.
“Sige, sige. Mamaya.” Cayden.
Sige lang! I-OP niyo lang ako dito ah. Pagtayuin niyo lang ako ng matagal dito habang nagkukuwentuhan kayo tungkol diyan sa Luke na mayabang na 'yun. Magiging barkada namin siya? WOAAAH! ASA NAMAN! Ayoko nga.
“Bakit gusto niyo maging kaibigan 'yun? Ayoko!” Pagtutol ko sa pinaplano nila.
“Bakit naman Gitte? Dahil lang ba napalabas kayo? Kasalanan mo rin naman eh. Ang ingay mo tumawa.” 'Di naman kasi sa ganun, Cayd eh!
“Oh dahil nabara ka niya kanina? Hahaha. Edi may nakatapat ka. Akala mo siguro kami lang ang magaganun mo ah. Bleh!” Pagbelat naman sa akin ni Luce.
Eh bakit parang 'yun pa nga ang kinakampihan nila? Ako kaya 'tong barkada nila!
“Drew oh…” Kinalabit ko si Drew habang naka-pout ako. Si Drew lang naman ang laging kumakampi sa akin sa kapanahunang inaasar ako ng dalawang tukmol na 'to eh!
“Oy. Tama na 'yan. Inaasar niyo na si Gitte.” Pagtatanggol sa akin ni Drew.
“Ikaw pare ha. Lagi mo na lang pinagtatanggol 'yan. Napaghahalataan ka na!” Luce.
Okay…? Pinagtatanggol? Ako? Eh kung sa inaasar nila ako! Sino ba kasing hindi maiinis kapag ganun? Amp! Lagi na lang kasi nila akong inaasar. At dumagdag pa ang Luke na 'yun! Psh! Napaghahalataan? Na ano pala?
“Alin ang napaghahalataan?” Tanong ko sa kanila.
“A-ah… Ewan ko rin… b-ba sa mga 'yan. Tsk. NAIINGGIT LANG siguro kasi ang mga 'yan dahil mga bakla 'yan. Haha.” In-emphasized pa ni Drew ang word na naiinggit lang sa mukha ng dalawang 'to. Ayan, sige lang Drew! Ganyanin mo pa ang mga tukmol! Huhu.
Nagtawanan sila Luce at Cayden. Mga sira ulo talaga 'to… Ano na naman ba? Ako na naman ba ang pinagtatawanan nila?
“Drew oooohhh!” Pagsusumbong ko na naman kay Drew.
“Tama na nga 'yan Luce at Cayd. Humanda kayo sa akin mamaya. Tara na, balik na tayo sa room.” Saway ni Drew sa dalawa.
Nag-high five naman ang dalawang tukmol na ito at tumatawa pa rin naman. Nakakainis ang mga hitsura nila, mga pangasar ba naman. Waaaah! Puro pangiinis ba ang ibubungad nila sa akin ngayong unang pasok pa lang? 'Wag naman sana magtuloy tuloy ng gan’to ang buong school year ko.
**
“Gooood~ MORNING! Ma’am Lilyyyy~” Bati namin kay Ma’am matapos niyang i-introduce muli ang sarili niya sa amin para sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya. Bagong titser kasi siya sa school na 'to.
“You may take your seats.”
“Thank… You! Ma’am Lilyyyyy~” Umupo na naman kami. Tinignan ko 'tong Luke na ito.
'Di man lang kasi siya tumayo para batiin si Ma’am. Nakaupo lang siya at nakikipagtawanan sa mga kaklase namin sa likod. Pero hindi naman nagpapahalata 'tong sila Darren. Tumayo naman sila para batiin 'tong si Ma’am, pero kasi ang mukhang boss dito ay ang Luke na 'yan! Halatang wala siyang pakielam kung nasa harapan na ang titser namin.
Bad influence pa talaga. Siguro nga ang lahat ng makakausap nito mapapahamak talaga dahil sa kanya!
“Uh… Excuse me? Mister…?” Turo ni Ma’am kay Luke. 'Yown! Eto na nga ba ang sinasabi ko! Buti nga. Huli ka ngayon balbon.
Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Medyo napaayos tuloy siya ng upo sabay itinuro ang sarili, “Ako? Ah. I’m Luke Reid Dean.” Cool niyang pagpapakilala nang hindi na tumatayo.
“Are you a transferee?”
“Yes.”
“The number one strict rule in this school is that, boys hair must be almost completely shaved, hair cannot be dyed by unnatural colors and no highlights. 'Yan naman ang pinaka-golden rule ng lahat ng mga schools ah. Aren’t you informed? Nagaral ka naman dati… So, I’m giving you a chance para ibalik sa dating kulay ang buhok mo. At ang available na colors lang ay black at brown.” Si Ma’am Lily pala ang tumatayong bagong guidance councilor sa school namin kaya ganyan na lang siya kahigpit.
Ngumunguya lang ng bubble gum si Luke habang nagsasalita si Ma’am, mahahalata mo talagang nambabastos na siya, “And no chewing gums inside the rooms and while the teacher is having a discussion… Are we clear?” Dagdag pa ni Ma'am Lily.
Ngumunguya pa rin siya, “No.” Cool na sagot ni Luke.
Halos mapatayo si Ma’am Lily sa kinauupuan niya dahil sa sinagot sa kanya ng lalaking 'to. Owmaygad. Parang ang attitude nito ay pangkalye. Napakabastos naman niya at walang modo. Tsk.
“P-pardon?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ma'am.
“I said, NO.” Matigas na sabi pa rin ni Luke.
Hindi nga kami nagkakamali, NO ang isinagot niya. Pambihirang lalaki 'to! Sino kaya ang makakatapat nito? In-emphasized pa niya ang word na NO ha.
“And why?” Pabalik na sagot ni Ma’am.
“'Cause I don’t want to. Simple as that.”
'Yung mga babaeng estudiyante ay kasalukuyang manghang-mangha sa kanya. Para bang may mga stars ang mga mata nila at nagniningning habang nakatingin ito kay Luke. Nagaguwapuhan pa ba sila sa ganyang ugali at asta? Astang kalye ang pinapakita ng lalaking 'yan. Tsk! Ang mga lalaki naman mga nakangiti lang. Feeling ko tuloy nanto-tolerate si Luke na gayahin siya ng mga lalaki. Disiplinado kasi ang bawat isa dito sa amin kaya ganito na lang ang pagkagulat namin sa pagsagot niya kay Ma’am Lily.
“Nao-offend na ako sa inaasta mo Mister Luke ah. Sundin mo na lang ang sinasabi mo kung ayaw mong bumagsak ka sa Principal’s Office.”
“Si Dad or Mom na ang bahalang makipagusap sa inyo about diyan. Sa former school ko, ina-allow nila ang mga estudiyante na may kulay ang iba’t ibang buhok. Dad can make a way…”
Halos mapangiti naman ng sobra sobra ang mga estudiyante dito. Ang nagets ko lang kasi sa sinasabi ng Luke na 'to ay ang Tatay na niya o ang Nanay na niya ang bahalang kumausap sa Principal regarding sa pagpapakulay ng buhok. Edi 'pag nagkataon nga naman, ganun ang gagawin ng mga DISIPLINADONG ESTUDIYANTE DITO? Nasa’n ang katarungan at hustisiya ng rules dito kung sakaling mangyari nga 'yon?
Hindi ko alam pero mukhang makapangyarihan ang pamilya ng lalaking 'to. Mahirap din sigurong kalabanin 'to… Kaya napalaking spoiled eh.
“Mister Luke, I just wanna ask you a question…”
“Mmm?”
“Do you know the meaning of values?”
“Yeah.”
“Do you know how to comply it?”
“Yeah, I know. But sorry, I'm too lazy to comply it.” Sabay walk out ni Luke. May nakasabit na ear phones pa pala sa balikat niya. Ibang klase talaga ang lalaking 'yun.
Biglang nagpalakpakan ang mga kaklase ko. *clap clap clap!*
“Stop clapping!” Sigaw sa amin ni Ma’am sabay walk out din. Pero bago pa siya makalabas, nakita naming nagkusot siya ng mata niya. Hala. Napaiyak niya yata si Ma’am Lily, ngayon ko pa nga lang naging teacher 'yun sa buong taon na nagaral ako dito eh.