CHAPTER 1
Bridget’s POV
“Gigi! 'Wag ka ngang humiga higa lang diyan. Ayusin mo 'yang mga gamit mo para bukas. Grabe kang bata ka, napakabatugan mo! Pasukan na bukas wala ka pa ring naaayos ni isa sa mga gamit mo.” Umalingawngaw ang boses ni Mommy mula sa baba hanggang dito.
“Eeeeh! Mamaya na!”
“Lagi ka na lang mamaya ng mamaya diyan! Anong magagawa ng mamaya mo? Ay nako! Kung sinusunod mo ako ng maaga, eh 'di sana hindi ka namomroblema para bukas! Tsk. Kababaeng tao ang tamad tamad naman!”
Hindi ko nalang siya pinansin. Sa halip ay binalik ko na lang muli sa pagkakasalpak ng earphones sa tainga ko. Mas gugustuhin ko pa yatang pakinggan ang boses ng GDragon ko, kaysa sa panenermon sa akin ni Mommy.
“Yeong wonhan geon jeoldae eobseo
Gyeolguge neon byeon haetji
Iyudo eobseo jinshimi eobseo
Sarang gateun
Sori ttawin jibeo chyeo
Oneul bameun ppittag hage
Nae beoryeodwo
Eochapi nan honjayeotji
Amudo eobseo da uimi eobseo
Satang ballin wiro
Ttawin jibeo chyeo
Oneul bameun ppittag hage
Beoreog beoreog sorichyeo
Naneun hyeongi jeung
Nae shim shimpuri hwa puri
Sangdaeneun dareun yeonindeul
Gwaenhi shibi georeo
Dongne yangachi cheoreom
Gakkeum nan ppittag hage
Darireul ilbureo jeoreo
I sesangiran yeonghwa sog
Juingongeun neowana
Gal goseul ilhgo hemaeneun
Oeroun jeo seom hana
Teong teong bin gil georireul
Gadeug chaeun gireogideul
Nae mamgwa dalli nalsshineun
Cham deoreob gedo joha
Neo hana midgo manyang
Haengbog haesseotdeon naega
Useubge namgyeo jyeosseo
Saekki songarag geolgo
Maengse haesseotdeon nega
Gyeolgugen
Yeong wonhan geon jeoldae eobseo
Gyeolguge neon byeon haetji
Iyudo eobseo jinshimi eobseo
Sarang gateun
Sori ttawin jibeo chyeo
Oneul bameun ppittag hage
Nae beoryeodwo
Eochapi nan honjayeotji
Amudo eobseo da uimi eobseo
Satang ballin wiro
Ttawin jibeo chyeo
Oneul bameun ppittag hage
Jiteun airain geutgo
Seupeurei han tong da sseugo
Gajug baji, gajug jaket
Geolchigo insang sseugo
Apeumeul sumgin chae
Apeuro deo bittureo jillae
Nega mianhae jige
Haneureda chimeul kag
Tubaghaejin nae maltuwa
Geochireojin nunbichi museowo neo
Shireun na itji duryeo wojyeo
Doragago peunde gal de eobtgo
Sarang hago peunde
Sangdae eobtgo mwol eojjeorago
Dori kil su eobt deorago
Neo hana midgo manyang
Haengbog haesseotdeon naega
Useubge namgyeo jyeosseo
Saekki songarag geolgo
Maengse haesseotdeon nega
Gyeolgugen
Yeong wonhan geon jeoldae eobseo
Gyeolguge neon byeon haetji
Iyudo eobseo jinshimi eobseo
Sarang gateun
Sori ttawin jibeo chyeo
Oneul bameun ppittag hage
Nae beoryeodwo
Eochapi nan honjayeotji
Amudo eobseo da uimi eobseo
Satang ballin wiro
Ttawin jibeo chyeo
Oneul bameun ppittag hage
Oneul bameun nareul wihae
Amu mal mara jullaeyo
Honja in ge na ireohge himdeul
Jul mollat neunde
(Geudaega bogo shipeo)
Oneul bam man nareul
Wihae chinguga doe eojullaeyo
I joheun nal areumdaun
Nal nega geuriun nal
Oneul bameun ppittag hage!!!”
Ang saya talagang magsound trip dito sa kuwarto. Lalo pa’t kabisa ko na talaga ang kantang kahit iba ang language ay feel na feel kong okay at tama ang pronunciation ko dito! Mouhaha. Ayan, fan girling na naman ako. Naku po, heto pa naman ang pinakadeepest secret ko.
Paano ba naman kasi sa school, binabash ng mga lalaki kong mga kaklase ang K-pop. So, nakikibash na rin ako, hehe. Kahit karamihan pa naman sa mga babae kong kaklase ay mga K-poppers din, kahit na gustong gusto ko talagang makisali sa mga usapan nila,lalo pa’t mga VIP fandom ang karamihan sa kanila... Huehue. Naiinggit na naman talaga ako.
Ang sarap lang talaga sa feeling ang pagkanta ng mga K-pop songs ng hindi ka aware sa paligid mo kung may makakarinig ba dito o wala. Natatakot kasi akong kumanta kahit pabulong ng mga K-pop songs kasi pag ako nahuli, yari ako. Ibabash din nila ako!
Ah, nga pala... Bridget Ariza de Guzman pala. Babae kung pumorma, lalaki kung kumilos. Kung may feminine side akong tinatago at ipinapakita dito lang sa bahay mayroon naman akong boyish side pagdating sa school. At aking motto ay, “Boyish man sa inyong paningin, ako'y nagnanapkin pa rin.” I, thank you!
15 years old na ako. Junior sa paaralang, Kwon College. Paaralan ng halu-halong estado ng mga estudiyante. Paaralan ng middle class, at mayroon din namang mayayamang nag-aaral dito. And I belong myself to the middle class one.
Meron akong isang kapatid, babae rin siya. At hindi ako nandito para ikuwento ang istorya niya, kundi nandito ako para ikuwento ang istorya ko. Arasso? Ah basta, sa mga susunod na mangyayari na 'yun.
Hindi naman ako ganun kasikat sa school namin. Hindi tulad ng ibang mga estudiyante diyan na talagang nagpapapansin sa ibang mga estudiyante sa iba’t ibang sections para makaagaw pansin. Basta ako, normal na estudiyante lang and I’m proud of it!
Sa kade-day dreaming ko dito…
*Tok tok tok!* Buti na lang at malakas ang kumatok na 'yun, kundi hindi ko talaga maririnig at yari talaga ako pag hindi ko agad nabuksan ang pinto.
Tumayo ako para buksan ito… Bumungad sa akin ang mukha ng BUTIHIN KONG INA.
“Hoy! Bakit ka nagkukulong pa dito sa kuwarto? Siguro may kausap ka 'no?” Bungad niya sa akin. Ibang klase talaga ang nanay ko. Bigla akong ibubungad ng gan’to.
“Nge. Sino naman ba ang magiging kausap ko dito? Sarili ko? Mommy naman. Alam ko ang limit ko sa pagiging loner ko dito sa bahay!”
“H-hindi naman! Malay mo… Boyfriend mo? Kausap mo sa phone mo habang… Nakakulong ka dito?” Hindi pa niya yata sure na sabi.
Aba’y nagpapatawa ba si Mommy? “Niloloko mo ba ako mmy? Anong boyfriend ko diyan? Alam mo namang wala pa sa plano ko ang mga ganyan ganyan eh. Ikaw naman yata 'tong naguudyok na humanap ako ng boyfriend.”
“Hehe, hindi naman sa ganun anak. Siyempre… Naninigurado lang naman eh.” Alanganin niya pa ring sabi.
“Saka paano ko 'yun makakausap? Kita mo namang earphones ng iPod ko ang nakasalampak sa tainga ko? Aba! Kung mayroon sigurong iPod na may pantawag at may mic sa headset, matagal ko nang binili 'yun.”
Napakamot na lang ng ulo si Mommy, “Aish. Oo na, oo na. Oh ano? Wala ka talagang gagawin sa buhay mo? Talagang hihilata ka lang diyan buong maghapon?”
“Eh ano ba dapat mommy? Gumala sa labas? Psh.”
“May sinabi ba ako? Hoy ikaw ha. 'Yang personalidad mong pagkaangas, sumosobra na. Nahawa ka nang tuluyan sa mga kaibigan mong lalaki...”
“Eh ano naman? Ay nako mommy. Ano? May kailangan ka pa ba?”
“Hmm… 'Yung gamit mo para bukas.”
Kinamot ko ng husto ang ulo ko, sagad pa sa anit, “Mommy naman eh! Excited ka talaga 'no? Tomorrow is just an ordinary day. Para namang sobrang espesyal ng araw bukas. Nakakainis nga eh. Back to school na naman. Laganap na sa mga commercials na may sign na Back to school at sa mga news! Sige pamukha ka pa sa akin na may pasok na.
“Oo na! Hahaha. Kakainis 'to. Sige na, lalabas na ako.”
At saka naman lumabas siya. May saltik din itong nanay ko eh. Hindi naman ako nagmana ng pagkaganyan niya. 'Yang baliw side niya. Sa Tatay ko lang siguro, oo. Kasi talagang istrikto si Daddy.
At talagang hindi pa niya sinara ang pinto. Mommy naman talaga oh! Nananadya eh.