CHAPTER 29 Bridget's POV "Kamusta naman ba ang training ninyo?" Tanong ko sa kanila habang andito kami sa canteen, at hindi pa rin talaga sila nagpapalit ng uniform nila. Kumakain sila habang ako ay kausap ko sila. "Nuwakakapagerd, pewo mashaya!" Sabi ni Luce habang may laman ang bibig kaya ganyan magsalita. "Don't talk when your mouth is full naman, dude!" Suway ni Cayden sa kanya. Nag-peace sign na lang si Luce at ngumiti. "Ikaw, Drew?" Pagbaling ko ka Drew. "Okay naman din. Ayos na captain ball si Luke eh. Kaysa 'yung captain ball pa namin si Eron these past few years, talagang walang nakiki-cooperate sa kanya imbis na lang na bu-bully-hin niya. Pero nung ito nang si Luke ang tumayo as captain ball namin eh, okay naman talaga. Sumusunod ang lahat sa kanya at bilib din sa kanya si

