CHAPTER 31 Dezza's POV "Bridget! Nasa'n si Drew? Tapos na ba ang training nila?" Tanong ko kay Bridget. "Hindi ko lang po alam eh. Wala pa po kasi siya dito sa room namin." Sagot niya sa akin pero hindi niya ako tinitingnan. "Andiyan na ba si Luke?" Tanong ko ulit. "Wala pa rin po." Tabang niyang sagot. May problema kaya 'to? "Okay ka lang ba, Bridget?" "H-ha?" Napakurap siya nang ilang beses, "O-oo naman p-po, ate Dezza." "Sure ka?" Tanong ko ulit. "Oo naman po. Sige na, puntahan mo na po sila." Alam ko namang pilit lang 'yang ngiti niya. "Ayy nako. Ilang beses na kitang sinabihan na 'wag ka nang manginopo sa akin, diba?" Tumawa siya nang mahina, "Sorry ate Dezza. Hindi na talaga." Nakangiti na siya nang sinabi niya sa akin 'yan. May magulong side rin 'tong si Bridget eh. "Sig

