CHAPTER 22 Bridget's POV *Tok tok!* Habang nagsasagot kami dito sa libro ay biglang may kumatok sa pinto. Kaagad naman kaming napatingin kung sino iyon. "Hello po, Ma'am! Pwede ko po bang mai-excuse si Drew Dalton?" Sabi nung babae dun sa labas. 'Di ko siya kilala, pero bakit niya kilala si Drew? Medyo 'di ko pa makita kung sino 'yung babaeng naghahanap sa kanya. "Drew, tawag ka ni Dezza." Tawag sa kanya ni Ma'am. Tumayo naman agad si Drew at lumapit naman agad kung nasa'n si Dezza. Tama. Heto nga 'yung babaeng tumatakbo as president ng Power Rangers party list. Iboboto ko talaga ng party nila kahit ganun ang title ng samahan nila. Mas matino naman pati ang mga nandun 'no, kaysa sa party list na kinabibilangan ni Luke. Kunsabagay, bagay rin naman pala siya dun. Mean, Bridget. Bumalik

