CHAPTER 23.5 Drew's POV "Kakilala mo siya, Kuya?" Pabulong na tanong sa akin ni Pam sa 'kin pero 'di ko pa rin tinatanggal ang tingin ko kay Luke. Tama, Pam. Kakilala ko siya. "Oh. Magkakilala naman pala ang mga anak natin. Kaso si Drew at Luke lang. Mukhang 'di na kami masyadong mahihirapan ah?" Sabi ni Papa. Nakatingin lang kami kay Luke at dun sa mga magulang niya. Tama ba talaga ang mga nakikita namin ngayon? Si Luke ang na-blind date kay Pam? "Umupo kayo ng mapag-usapan natin 'to." Sabi ni Mama. Umupo naman sila, at itong si Luke 'di alam kung uupo ba siya o parang gusto na niya yatang lumabas, "Son, have a seat." Sabi sa kanya ng tatay niya. Napakamot na lang siya ng ulo at saka umupo sa tabi ni Pamela. Tinignan ko si Pamela... Bakit siya nakangiti? Gusto ba niya ang lalaking

