CHAPTER 25 Bridget's POV Hapon na ng Linggo, att parang gusto ko yatang magsimba ngayon. Tamang tama! Wala na naman kaming iba pang assignments saka wala na rin akong magawa dito sa bahay. Wala pa rin naman sila Mommy, ako lang talaga ang tao dito sa bahay. Naggala yata sila, pero kasi dapat talaga kasama ako dun eh tinatamad ako, kaya ako na lang ang nagpaiwan dito sa bahay. Edi magsisimba na lang ako. Napakatagal na panahon na 'yung huling pasok ko sa simbahan. Naghilamos na muna ako at pumili na ng damit na puwede kong suotin. Naka-pants lang ako, plain shirt sa pantaas at light violet vans naman sa paa. Inayos ko na ang sarili ko, kaunting suklay na lang at okay na. Nagbulsa lang ako ng 50php sa bulsa ko para sa pambili ng Sampaguita at kinuha ko na rin ang scarf ko. Siyempre, dinal

