[Athena's POV] Pag gising ko, hindi ko maigalaw ng ayos ang katawan ko, parang ang bigat bigat na parang ang sakit sakit na parang ang daming sugat. Ano nga ba huling nangyari bago ako nakatulog? Ang pagkakaalala ko kasi nakatulog ako habang nagdadrive si Simon nung first monthsary tapos pagtapos noon, wala na ako maalala. Tingin muna ako sa paligid ko, puro puti, anong meron? Langit na ba to? Bakit ang tahimik? Walang katao tao. Habang iniisip ko kung ano ba ang nangyari sa amin ni Simon pagkatapos nung first monthsary namin ay biglang may pumasok na nurse sa pintuan. So nasa ospital pala ako. Teka.. Ospital? Paano?? Nasan si Simon? Bakit wala siya dito? "Miss, gising na po pala kayo, tawagin ko lang po si doc para tingnan kayo. Tawagin ko na rin po pamilya niyo." "Miss, nakita mo b

