Hindi ko alam pero sa kanilang 5, feeling ko siya lang ang mabait. Feeling ko hulog siya ng langit. Pero ano ba itong naiisip ko? As if naman na makikita ko pa ulit yung Simon na iyon Lumabas na ako ng mall at nakangiti..
"Ganda po ng ngiti natin Mam Athena ah." sabi ni Mang Nick pagpasok ko sa kotse.
"Ah, wala 'to Mang Nick, may nakilala kasi akong mabait na lalaki sa loob ng mall." sagot ko.
"Crush ninyo po sa school nyo Mam?"
" Ah, hindi po Mang Nick, hindi ko nga po siya kilala. Sabi niya lang po Simon ang pangalan niya."
"Aba, at nagpakilala pa po sainyo ah, pag ganoon po ay type po kayo noon Mam."
"Nako, hindi naman po siguro. Siguro eh nakipagkilala lang sa akin Mang Nick."
"May meaning po kung bakit kayo nagkakilala niyan Mam, siguro po ay siya na ang kasunod ni Sir Alex.. Medyo matagal na po nung huli kayong nagkaboyfriend. Siguro po ay oras na para makakilala na kayo ng bago. Siguro po yang Simon na yan yon."
"Sa tingin nyo po may dahilan bakit kami nagkita ni Simon?"
"Opo, siguro ay titignan na lang po natin kung ano yung dahilan sa mga susunod na araw Mam."
Habang nag uusap kami ni Mang Nick, tiningnan ko ang phone ko baka nagtext na si birthday girl, baka hinihintay na ako.
"Ate, kinakabahan ako, andito na daw si Paolo, malapit na daw siya.. Nasa bahay pa ako ate, puntahan mo ako."
"Ate, nasa bahay na namin sila Paolo, dumaan ka muna dito para makilala mo."
"Ate naman magreply ka, andito na si Paolo saka mga kaibigan niya hinihintay ka."
Ano ba naman yan, akala ko deretso na ako sa venue hindi pa pala.
"Mang Nick, idaan niyo nga po muna sa bahay nila Jade, may kikitain lang po ako doon."
"Sige po Mam pero baka si Simon na po yan ah." sabay tawa ni Mang Nick
"Mang Nick di naman po siguro, malabo naman po yon."
"Malay naman po natin Mam."
Bumaba na ako ng kotse, napaisip ako sa mga sinasabi ni Mang Nick kahit alam ko naman na imposibleng mangyari.
Papasok na ko ng bahay nila Jade, ng makita kong may bagong kotse na nakapark sa may gate nila. Siguro kotse ni Paolo. Yayamanin pala 'tong si Paolo, check agad sa akin, mukhang mabubuhay naman niya si Jade.
"Jade, ate Athena to."
"Wait ate, palabas na ako."
"Sige, dami kong kwento sayo, dalian mo."
Lumabas na si Jade at dali- dali naman ako nagkwento..
"Alam mo ba nung bumibili ako ng regalo mo sa store, may nakita akong 4 na lalaki, ang babastos ng kwentuhan, puro ba naman sexy na babae ang topic, sina Kim Domingo at Sam Pinto ba naman, laganap na talaga ang fuckboy ngayon eh. Pero alam mo may kasama sila, nahuli ng pasok sa store, pero mukhang anghel, ang bait ng mukha, chinito pa, nagpakilala pa nga sa akin eh, Simon daw ang pangalan."
"Ha? Simon ano?"
"Malay ko, tanungin ko pa ba yun? Ano ako patay na patay lang?"
"Eh kasi ate ano eh."
Binuksan na ni Jade ang pinto at nanlaki ang mata ko kung sino ang nakaupo sa sofa nila Jade
Sino pa?? Edi yung 5 sinasabi ko na bastos ang bibig!!
"KAYO?!!!!" sabi ko
"Ikaw??" sabi ni Simon habang nakangiti
"Oo ako nga." ngumiti na din ako nakakahiya eh
"Sasabihin ko na sana na baka sila yung nakita mo kaso kailangan ko na buksan yung pintuan." sabi ni Jade sa akin
"Ah, okay lang. Sobrang nagulat lang ako kasi tama pala si Mang Nick"
"Ano ba sabi ni Mang Nick sayo ate?" sagot ni Jade.
"Baka daw yung nakita kong Simon sa mall, yung makikita ko sa bahay mo."
"Hulog naman ng langit si Mang Nick sayo ate." sabay ngiti ni Jade.
"Hulog talaga ng langit." bulong ko.
"So ano? Si Simon na ba ang pinipili mong date for my debut?" nakakabiglang tanong ni Jade.
"Siguro ay ganoon na nga Jade."
"Hoy, paano naman kami Paolo? Ano nga nga na lang kami?" sabay sabay nilang sabi.
Nagkatinginan si Paolo at si Jade.
"Hindi naman, may iba pa akong kilala na single na pwede niyong makilala during the night." sagot ni Jade.
"Maganda ba yan?"
"Sexy ba yan?"
"Malaki ba pwet nyan?"
Narindi na ako kaya nagsalita na ako.
"Kailangan ba talaga maganda, sexy, malaki ang pwet ng babae para makita niyo ang worth nila? Hindi ba pwede mabait, pala ngiti, kalog, at mahal ang pamilya niya? Hindi ba mas nakaka turn on yun para sa inyo?"
Napangiti si Simon sa sinabi ko.. Hindi ko alam bakit lumabas sa bibig ko gusto ko na kasi matigil ang mga ganitong klase ng lalaki.
Natahimik sila. Nanalo na ba ako? Nagising ko na ba sila sa katotohanan?
"Hmm, tama ka nga, pero wala kami magagawa, nature na namin ang mapatingin sa sexy at magaganda tulad ni Kim Domingo, Sam Pinto, Yassi Pressman at lahat ng babaeng cover ng FHM magazine."
Tumayo si Simon at lumapit sa akin..
"Tigil niyo na nga yan, humanap na lang kayo ng date nyo sa debut ni Jade, dahil meron na ako eh." sabi ni Simon
Medyo kinilig naman ako doon, ito na kaya ang prince charming ko?
Pagkatapos namin magbihis ni Jade..
Lumabas na kami sa bahay nila, pumasok na kami sa kani-kanilang kotse papunta sa venue. Pagkapasok ko sa kotse agad kong sinabi kay Mang Nick na ang makakasama ko ngayong gabi ay ang nakita kong si Simon kanina, tuwang tuwa siya ng malaman niya ito.
"Sabi ko sayo Mam, may dahilan bakit siya nagpakilala sa inyo sa mall kanina."
"Di ko lang inakala na magkakatotoo sinasabi nyo kanina Mang Nick, sobrang saya ko."
"Masaya ako para sa inyo Mam, mukhang may kapalit na si Sir Alex sa puso mo."
"Nako, hindi pa natin alam Mang Nick, baka lokohin lang din ako nito, o kaya iwanan din ako."
"Wag kasi tayong negative Mam, hayaan nyo lang ipakita niya ang pagmamahal niya sayo."
"Mahal agad Mang Nick eh magkakakilanlan pa nga lang po kami nito ni Simon eh."
"Doon din po yan pupunta, maniwala po kayo sa akin."
Napangiti na lang ako ng bahagya.
Andito na pala kami sa venue, napasarap ang pag-uusap namin ni Mang Nick hindi ko na napansin.
Bumaba na kami sa kanya- kanyang kotse, ang ganda doon sa venue, puro cupcakes na blue at black. Tapos sobrang dilim, dahil masquerade ball ang theme, hindi mo kilala ang mga tao sa paligid mo, exciting diba?
Pinuntahan ko si Jade kung saan nakita ko na nakaupo siya sa mahiwaga niyang sofa, syempre si Paolo ang kasama niya dahil siya ang boyfriend ni Jade.
"Jade, enjoy the night okay? Gabi mo 'to. Bring it on fire." nakangiti kong sabi sakanya
"Opo ate, enjoy the night din with Simon, kilalanin mo yan, mukha naman siyang mabait eh."
"Mabait talaga ang kaibigan ko, kapag tulog nga lang." biro ni Paolo samin ni Jade
Napatawa ako ng bahagya at umupo na ulit kung nasaan yung 4 na lalaki.
The program went well, una syempre ang opening prayer tapos message ng magulang sa guests, 18 roses, 18 candles, 18 blue bills at lastly, ang 18 long messages, ewan ko ba naman kung bakit ako ang ginawang pang 18 ni Jade sa 18 long mesages. Parang nakakahiya tuloy.
Papalakad na ako, ang escort ko si Simon, sinamahan ako sa stage tapos umupo din siya pagkahatid niya sa akin sa stage, how sweet naman po this guy ano? Paano ka hindi kikiligin sa ganoon na gesture ng lalaki?
Huminga muna ako ng malalim.
Nakita ko si Jade, sumisigaw nang "Kaya mo yan, habaan mo yung maiiyak ako ha!"
Loko lokong bata talaga 'to, kahit kailan.
"Good evening ladies and gents, sobrang saya ko na makasama ako sa program na ito, akala ko noon isang bata lang si Jade na dadaan sa buhay ko pero hindi ko alam na gagawa pala siya ng marka sa akin. Jade, sobrang ganda mo tonight, you turned to a one fine lady already, hindi ka na baby, pero sana wag ka muna gumawa ng baby, mahirap na baka mamaya maging ninang agad ako, ayoko nga, wala pa akong trabaho para sa papasko para sa batang gagawin mo ng boyfriend mong si Paolo. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal ka ni ate, kahit ano man ang mangyari. Katulad mo, I also got your back no matter what. Ingat ka lang parati saka magpray ka lagi. Wag makakalimot sa Diyos na lumikha sa atin. If everything is not right, turn left, andoon ako para gabayan ka. Lastly, mahalin mo ang pamilya mo dahil yan ang mga tao na hindi ka iiwan at sasaktan kahit ano pa man ang mangyari. Maswerte ka sa kanila. Alam ko, dahil kitang kita ko yun kapag kasama natin sila. Yun lang, I love you!" sabay punas ng luha ko
Bumaba na ako sa stage at inescortan nanaman ako ni Simon..
Kitang kita ko kung gaano kasaya si Jade sa message ko para sa kanya. Sobrang saya ko na naappreciate niya iyon, alam ko naman na mabait na bata si Jade susundin naman niya lahat ng sinabi ko sa message ko kanina.
Bago ako umuwi, pinuntahan ko si Jade sa kwarto kung saan nagbibihis siya para sa after party.
Iniabot ko ang isang paper bag ng Pandora at saka sinabing..
"Suotin mo pag rarampa ka. Bagay na bagay sayo yan. Ganda mo te! Love you. Uwi na ako. Oo nga pala, salamat sa pagpapakilala sa akin kay Simon, sa nangyari ngayong gabi, masasabi ko naman na mabait siya gentleman at cute. Itext ko na lang sayo kung ano na ang status namin ha? Salamat ulit."
Lumapit sa akin si Jade na may teary eyes pa.
"Ano ka ba naman Jade, bakit naiyak ka eh birthday mo?" sabi ko
"Paano naman kasi, napaka sweet mo okay naman na yung message mo kanina, tapos may ganito pa? Sobra ka na. Naiiyak na ako."
"Sige akin na iyan, ibalik mo sa akin. Ako na magsusuot." biro ko.
"Ano ka ba regalo mo na sa akin 'to eh, akin na 'to. Joke lang!"
"Ikaw kasi aayaw-ayaw ka pa riyan sa regalo ko gusto mo rin pala."
"Sorry na, basta thank you sa regalo mo sakin ate. The best ka."
Bigla niya akong niyakap. Nag I love you din siya sa akin at kiss sa cheeks.
Lumabas na ako habang naluha, ayoko ipakita kay Jade na mahina ako. Ate ako, I should be strong.
Narinig kong binuksan ni Jade ang pintuan ng kwarto niya kaya naman agad akong nagpunas ng luha ko.
"Ate, hindi ka ba magstay for the after party?" Tanong sakin ni Jade.
"Hindi na Jade, gabi na rin kasi saka hinahanap na ako sa bahay. Uuwi pa yung driver ko sakanila, hindi naman kasi stay-in si Mang Nick."
"Ah ganoon ba ate, eh kailan tayo mag se-celebrate?"
"Paanong mag celebrate? Na-celebrate naman na natin ngayong gabi birthday mo ah."
"Alam mo na ate, celebrate. Inom. Ganoon."
"Nag 18 ka lang, pero hindi ibig sabihin noon e makikipag inuman ka na sa akin."
"Ah eh ate, kahit food trip na lang tayo sa inyo. Next week?"
"Sige, itext mo lang ako. Papahanda ako kay Aling Myrna ng makakain."
"Sige ate, ingat ka sa pag uwi. Salamat ulit."
"Sige, kahit ano para sayo. Wag lang inuman."
Niyakap niya ko ulit.
Sinundo na ako ni Simon kung nasaan kami ni Jade kasi hinahanap na raw ako sa bahay sabi ni Mang Nick kaya agad agad kaming bumaba ni Simon. Tinulungan ako ni Simon hanggang sa makapunta ako sa kotse, pero bago niya ako bitawan, kinuha niya muna ang number ko para raw kahit saan o kahit kailan, magkakaroon kami ng update sa isa't isa.
Pagkatapos noon, umuwi na kami ni Mang Nick. Gabi na kasi, pero buti na lang ilang bahay lang ang pagitan ng bahay namin kila Mang Nick, mabuti na rin iyon para hindi na siya mahirapan pa sa pagpasok sa trabaho.
C