"Wala naman tayong dulo, hindi naman kasi tayo matatapos.." Paulit ulit yan sa isip ko, alam ko sobrang aga pa mag isip, pero narealize ko lang na sobra palang seryoso ni Simon sa mga sinasabi niya. Talagang gusto niya makuha ang tiwala ko. He makes everything right. Nakikita ko na sobrang pursigido siya, kita naman kasi sa mga mata niya na totoo siya sa akin. I can see his soul in his eyes.. I pray to God that He'll guide me sa pagkilala ko kay Simon. I know He will.. "Kamusta naman ang lakad niyo ni Simon anak?" tanong ni mommy habang nagpeprepare ng dinner Ha? Paano naman kaya nalaman ni mommy na lumabas kami ni Simon? "Paano mo po nalaman na lumabas kami mommy?" "Anak, ipapasundo kasi kita sana kay Mang Nick kaso sabi niya si Simon daw ang sumundo sayo at aalis pa raw kayo, saka

