[Athena's POV] "Goodevening, kakauwi ko lang sa bahay. Athena, alam ko na kung bakit ka ganyan katigas pagdating sa pagtitiwala sa lalaki. Naikwento na sakin ng parents mo. Wag ka magagalit sakanila na kinwento nila sa akin ha? Pinilit ko sila kaya napilitan na din silang magkwento. Hayaan mo, papatunayan ko na lang sarili ko sayo. Yung tiwala mo, I'll work for that. Andito lang ako para sayo, pwede mo ako sabihan ng problema mo. Lahat lahat, pwede mo sabihin wag ka matakot. Makikinig ako sayo lagi. Ingat ka sa pagtulog, iingatan kita lalo. Goodnight." Sinabi na ni mommy kay Simon. Ngayon siguro malinaw na sakanya bakit ako ganito. Mas okay na din na sinabi sa kanya para maging aware siya.. Pumasok sila mommy at daddy sa kwarto ko.. "Umuwi na si Simon. Bakit ka ba nagkaganun kanina? Na

