I find myself anticipating for the worst, overthinking. Paano kung may nangyaring masama kay Kaia? Bakit ganoon na lang ang tono ng boses ni Papa? It’s as if he is panicking. Pero kung may nangyari mang masama kay Kaia, bakit naman mas inunang pauwiin ako ni Papa kaysa tawagan sa ospital si Mama? Ang daming tanong bumabagabag sa isipan ko pero ni isa doon ay wala akong mahanap na sagot. Tanner reaches for my hand as he drives us home. Malapit na kami sa bahay kaya mas domoble pa ang kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib. Halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. I put my other hand on Tanner’s and give it a tight squeeze. His touch somehow eases the tension and fear in my heart. I smile at him and heave a deep sigh. “It’s going to be fine, babe. I’m always here for

