NOON: Chapter 18

1760 Words
Ang bilis talaga ng takbo ng panahon, college na kami. Parang kailan lang, wala pa kaming ibang iniisip kundi kung paano manalo sa larong tumbang preso at kung paano hindi mahuli kapag nagtatagu-taguan kami. Ngayon, hindi na namin magagawa ang mga iyon dahil kailangan na naming pagtuunan ng pansin ang pag-aaral. Sabi nila, demanding daw ang college, lalo na sa oras. Mahalaga daw ang bawat segundo sa college kaya dapat lang na gamitin nang tama. Excited ako na natatakot din. If college requires too much of our time, how can we balance it with life and love? Tama kaya ang sinasabi nila na walang nagtatagal na relasyon sa college? Sana man hindi totoo iyon pero kung totoo man, gagawin namin ni Tanner ang lahat ng makakaya namin para patunayan sa mga tao na wala ngang katuturan ang paniwalang iyon.  Masaya ako sa paraan ng pagtatapos ng high school life ko. Anton and I are still best friends. He even apologizes for being such a jerk. Natatakot lang daw talaga siya at baka galit ako sa kanya dahil sa pagtanggi niya kay Kara. I ask him about his reason why he doesn’t feel any romantic love with Kara, he says that he was not yet ready to commit and he will only hurt Kara even more if they’ll pursue their feelings as early as our age now. Naniniwala raw siya na kung sila ni Kara, gagawa ng paraan ang tadhana para sa kanila. As for Tanner and I, our relationship grows stronger and stronger every single second. Dumadating talaga ang mga araw na nag-aaway kami dahil sa mga walang saysay na bagay pero pinipili pa rin namin ang isa’t-isa, pinipili ang makinig, umintindi, humingi ng tawad at magpatawad. Unti-unti ko nang naiintindihan ang pag-ibig pero alam ko namang habang-buhay itong pinag-aaralan. My phone rings as a walk my way out of the campus, my new home. Pumunta ako sa Office ng Student Services para kunin ang schedule ko. Buti na lang at five subjects lang ang meron ako sa first sem. Kinuha ko ang tumutunog kong cellphone at napangiti nang makita ang caller I.D. “Hey, babe!” masigla ang boses kong bati kay Tanner. Malapit na kaming mag-isang taon pero kinikilig pa rin ang puso ko sa tuwing tinatawag ko siyang babe. [“Hey! I’m outside, babe. Just take your time inside.”] “Actually, I am heading out. Tapos na ako sa schedule ko today.” Naglakad ako palabas ng campus at agad nilibot ang paningin ko. Naghahanap ng isang kulay maroon na BMW. [“Gotcha.”] Napakunot-noo ako sa kanyang sinabi at pinatay ang kanyang cellphone. Magtatanong pa sana ako pero busy tone na lang ang narinig ko. Binabaan ako ng tawag! “Babe!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses dahil sigurado akong si Tanner ‘yon. Napangisi agad ako nang dumapo ang aking paningin sa isang sasakyan na nakabukas ang pinto ng driver’s seat. Tanner is all smiles while waving his right hand at me. Natatawang tinaas ko ang aking kanang kamay at tinugon ang kanyang kaway. Lakad-takbo akong pumunta sa sasakyan niya. “Hey, gorgeous!” Tanner says as he embraces me into a tight hug. He kisses the tip of my head. I can’t hide the grin in my face hearing his endearment. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at napalingon sa mga estudyanteng napapatigil sa paglalakad at napapatingin kay Tanner. I can’t help but raise my eyebrow at them. Can’t they see that he’s taken? Tss! Napasimangot akong napatingin kay Tanner. He is just grinning at me. I can’t help but roll my eyes at him. “Tara na nga!” nayayamot na sambit ko at tinahak ang passenger’s seat. I admit Tanner is good-looking. Pero hindi yata talaga ako masasanay sa atensyong nakukuha niya kahit saan man kami magpunta. I am wearing my seatbelt when Tanner enters and settles at the driver’s seat. Agad niyang pinaandar ang kanyang kotse. Now that we’re already college students, Tanner’s allowed to drive. “Where are we going next? Early pa, you want to go home na?” Tanner asks while his attention is on his car, driving it on reverse. Embes na sumagot pinagmasdan ko lang siya habang ginagawa niya iyon. He looks so hot at the moment especially when the veins on his arm at the steering wheel winks at me. His other hand is placed at the back of my seat. Damn! Mas lalo pa akong na in love sa kanya! “Anywhere with you, babe.” I answer and reach for his cheeks. Nagulat pa siyang napatingin sa akin at napabuga ng hangin. “I am driving, lady!” saway niya pero agad ding napangisi. “Drive thru tayo then let’s go to an outdoor theater.” “Date?” I giggle and bit my lower lip. “Ayaw mo?” Tanner raises his eyebrows. “Let’s go!” I playfully scream and lift my hand up in the air out of excitement. “Yes, boss!” Tanner says and uses his free hand to ruffle my hair. One thing that he loves doing.   When we arrive at the outdoor theater, it is almost full but the movie hasn’t started yet. Buti na lang at nakaabot kami, sayang naman ang ticket namin kung gitna na ng palabas ang maabutan namin. Tanner pulls off his car in the middle part of the parking area. Inayos ko ang mga pagkaing in-order namin at nilapag sa pagitan namin. Nanunuot sa aking ilong ang masarap na aroma ng chicken joy at fries. “Anong title ng papanuorin natin, babe?” tanong ko habang inaayos pa rin ang mga dalang pagkain. Ang dami naman yata ng inorder niya. Dalawa lang naman kami. Oops! Oo ng apala, malakas pala akong kumain, sabi ni Tanner. Tsk! “Something scary.” Tanner glances at me and lets                                                                                                                                                                                                                                          out a lopsided smile. “Nice!” I raise my hand anticipating for a high five. Tanner knots his forehead as he reaches for my palm. “You’re not afraid of horror movies?” May tono ng disappointment ang kanyng boses. I laugh at his question.  “Of course, no! I love watching horror movies!” I answer in exaggeration, my eyes widen. I smirk at the scowl playing on his face. “Sayang naman! Hindi ako maka-chansing!” Napakamot siya sa kanyang ulo at pabirong napabuga ng hininga. “Loko ka! Sumbong kaya kita kay Papa?” Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero napatawa na rin nang bigla siyang tumawa.  We stay inside the car and wait for the movie to start. We eat fries and burgers while Tanner keeps on telling me funny stories. Damn! I will never get tired listening to his baduy yet laughable stories. Nagsimula nang umere ang palabas. Isang English horror story pero imbes na matakot, tawa lang kami nang tawa ni Tanner dahil sa katangahan ng mga bida. Minsan nagrereklamo pa si Tanner kung bakit daw ganoon ang ginagawa nila. Napailing na lang ako sa kaingayan niya. I don’t know but when we’re alone together, Tanner is his truest self, makulit, maingay at palabiro. Pero kung sa maramng tao naman, tahimik lang siya at halos hindi nagsasalita kung hindi uunahan. “See! Funny kaya ang horror movies!” I commented as I offer the fries to him. “I beg to disagree! Mga manhid lang siguro tayong dalawa sa takot.” Tanner eats the fries I offer and winks at me. I scowl. Dati kapag kinikindatan niya ako, palaging bumibilis ang puso ko. Ngayon, normal na lang, like, panatag na sa kanya. “Babe…” mayamaya ay kuha niya sa attention ko. Nasa c****x na ang story kaya hindi ako lumingon sa kanya at tinuon ang buong atensyon sa palabas. “Hmmm?” “What if I return back to the States and study college there?” Biglang nawala sa focus ang paningin ko. Unti-unti ring naglaho ang boses na nagmumula sa pinapanuod namin. Ang kalmante kong puso ay nagsimulang pumintig nang malakas na tila may paparating na bagyo. Unti-unti akong lumingon sa kanya. Sana mali ang narinig ko. Sana, ineengkanto lang ako. Pero nang magtama ang mga mata namin ni Tanner, alam kong tama ang narinig ko. “W-Why…” halos pabulong na tanong ko. I bite my lips to hide the quiver building on it. “Hey…” Ginagap ni Tanner ang aking kamay ko at hinarap ako. “Wala namang magbabago…” “Pero iiwan mo ako. I don’t think… I can’t…” I can’t formulate the right words to say. “Babe… hindi kita iiwan. That’s the last thing I will do to you. Heck! Mababaliw ako kung maghiwalay tayo!” “But you’re going back!” Pinahid ko ang kumawalang luha sa aking mata at tinitigan siya. “It’s for our future. It’s my family’s wish. My mom’s wish…” nahihirapang sambit ni Tanner. Oo nga pala. May mga pangarap din siya. Kung nilaban ko nga ang pangarap ko, paano pa siya ‘di ba? Pero kaya ba namin ang long-distance relationship? Mahal na mahal ko si Tanner at parte ng pagmamahal ang pagpaparaya. As long as we are still girlfriend and boyfriend then maybe I can manage being far from him. “Wala ka naman sigurong babalikang girlfriend or something do’n ‘di ba?” Pinanliitan ko siya ng mga mata. Tanner chuckles and draws me closer to him and embraces me. “May babalikan akong babae na mahal na mahal ko…” Kinurot ko ang likod niya at napatawa siya nang malakas. “Ang mommy ko!” Nakahinga ako nang maayos. He must have miss his mom so much. Kumalas ako sa pagkayayakap niya at tiningnan siya sa mga mata. “Tanner, I will really get hurt being far from you but I can’t clip your wings. I want you to reach your sky and dominate it. Kahit masakit, kahit mahirap, susupurtahan ko ang pangarap mo.” Ganoon naman kasi ‘di ba? Love is not possessive. Love is freeing. “I promise, after college, we will never be apart again. We just have to grow apart to grow together. I am not sure of what’s to come but I am certain that I want to spend the rest of my life with you. Only you, Kora.” Tanner reaches for my cheeks and kisses my forehead then, his lips creeps down to my nose until it rests in my lips. “I love you, babe.” “I love you too, Tanner, babe.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD