NAKARATING kaming dalawa ni Luke sa Alpha Elite Gun Club, isang exclusive firing range sa Ilocos. Hindi ko inaasahang dito niya ako dadalhin at ito ang klase ng adventure ang nasa isip niya. “Do you know how to use a gun?” tanong ni Luke habang papasok kami sa loob ng firing range. Bumaling ako sa kanya at bahagyang tumango. “Yeah. Some of my bodyguards used to teach me before for self defense. Sa ganitong place din sa province namin. Pero hindi naman tumagal kasi tumigil ako…” pagkukwento ko habang sumasabay sa kanya sa paglalakad. Isa sa mga rason ko rin ay dahil takot pa rin ako sa huni ng baril. I just had to force myself back then so I could somehow overcome it. Pero hindi naman effective kaya tinigil ko na. “Really? So, hindi na pala kita kailangang turuan? A competition then?”

