The final judgement comes like a blink of an eye. Parang kahapon lang nang hinatid ako ni Papa sa exam place ko tapos hindi pa ako sigurado sa mga sinagot ko sa boards. Halos mawalan na nga ako ng pag-asa dahil kabadong-kabado ako no’ng araw na iyon, dagdagan pa ng pressure ng school sa aming mga may Latin Honors. Pero ngayong araw, mapapatunayan kung karapat dapat ba kami sa lahat ng awards na ginawad sa amin noong graduation. ‘Yong kabang naramdaman ko habang kumukuha ng exam ay walang-wala sa kabang nararamdaman ko ngayon. My heart starts to crawl its way to my throat, I find it hard to breathe. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili pero sa tuwing hahawakan ko ang aking cellphone ay nahuhulog ito sa matinding panginginig ng buong katawan ko. Maraming katanungan ang naglalaro sa ak

