“What are you doing here? Bakit may dala kang unan at kumot?” kunot-noong tanong ko kay Zach nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok siya. “Making sure that you won’t try to escape from me again while I’m asleep.” He shrugged his shoulders as he closed the door behind him and went straight to the single sofa near the window. Ibinaba niya roon ang dala niyang unan at kumot. Akala ko ay roon siya pupwesto pero binuhat niya iyon at iniharang sa pintuan. Kinuha niya rin ang ka-partner no’ng footrest bago niya pinagkasya ang sarili roon. Napabuga na lang ako ng hangin habang nakaupo sa kama at pinapanood siya. Nang makuha na niya ang pwesto na gusto niya ay nag-angat siya sa akin ng tingin at tinaasan niya ako ng kilay. “What? Are you disappointed because you won’t be able to execu

