“What happened to you, Khyrss, anak?” punong-puno ng pag-aalalang tanong ni mommy nang makita akong akay ni Zach papasok sa loob ng bahay. I told him he doesn’t have to walk me inside the house, but he insisted. Hinayaan ko na lang. Pero hindi ko maiwasang magtaka sa ikinikilos niya. I don’t know, but the way he cares for me feels like he’s the old Zach. The one who used to love me. Hindi kaya ay bumalik na ang alaala niya? I pushed that thought out of my mind after acknowledging it for a moment. Baka masyado ko lang binibigyan ng meaning ang pagmamagandang-loob niya. Nasanay kasi ako na wala siyang pakialam at pinagtutulakan niya lang ako noon, e. But I don’t have anything against him, though. Just like what I said, I’m okay and I have already moved on. Hindi pa siya humihingi ng taw

