His other hand moved down to my waist and pulled me even closer to him. I was frozen for the next few seconds as my mind went blank. Nang matauhan ay agad ko siyang itinulak palayo at sinampal. Pinunasan ko ang mga labi ko na para bang ang dumi-dumi no’n at pinanlisikan siya ng mata. “What the hell was that, Zac–” Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko nang bigla niya ulit akong hinalikan. Mas mariin ngayon ang pagkakalapat ng labi niya sa akin. I could taste a faint trace of alcohol on his lips. Hindi ko siya maitulak dahil nakaipit ang mga braso ko sa isang braso niyang nakayakap sa akin habang ang kabila naman ay hawak ang likod ng aking ulo. Ilang minuto akong nagpumiglas hanggang sa makawala ako at ginawaran ulit siya ng isang sampal kahit nanghihina ako sa sobrang lakas ng t***k n

