Dahil mapilit si Zach ay wala na akong nagawa kung hindi ang sundin siya at kumain. I invited him to eat as well, but he refused and just stayed there in the living room to wait for me. Buti na lang nang pumunta ako sa kusina ay mayroon ng lutong pagkain na nakahanda sa lamesa kaya hindi ko na kinailangan pang magluto at hindi na kailangang maghintay ni Zach nang matagal. Nang matapos ay lumabas na ako ng kusina at inaya na siyang umalis. Dahil parehas lang naman kami ng pupuntahan, sasakyan niya na lang ang ginamit namin. He suggested that, and I didn’t refuse, of course. I don’t really like driving, e. Kung may sasabayan ako, ay sasabay na lang talaga ako kaysa magmaneho. Simula college pa lang ay ganoon na talaga ako. Palagi akong kasabay ni Aly pumasok at umuwi dahil tamad talaga ako

