Napabuntong-hininga na lang ako at wala nang nagawa. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Kung noong mga unang araw na dumating ako rito sa New York ay palagi ang akong nasa loob ng apartment ko at nagmumukmok, ngayong nandito na siya ay palagi niya akong hinihila kung saan-saan para mamasyal. Halos umuuwi na lang kami para matulog dahil araw-araw ay may nakahanda na siyang pupuntahang lugar. He’s really making sure that I don’t have time to be sad and cry. “Aly, please spare me this day. I’m really tired. Gusto ko lang humiga ngayong buong araw sa kama ko.” I begged him with my eyes closed when he entered my room to wake me up. “Okay, manood na lang tayo ng movie today. Sige, matulog ka na muna ulit.” Dinig kong aniya bago siya lumabas ng kwarto ko. Ganoon lang ang n

