CHAPTER 15

3753 Words
Alas sais na ng hapon nang nakarating kami sa isang sikat na fine dining restaurant na na-book ni Tita Merelle para sa aming family dinner. Tahimik lang akong naglalakad kasabay ni mommy palapit sa table namin na nasa pinakagitna ng restaurant. Nang makalapit, isa-isa na kaming umupo sa round table. Ganito ang posisyon namin paikot sa lamesa, si mommy ang katabi ko at sa left side niya nakaupo sila Daddy, Tita, Zach, Tito, Aly at Ako na nasa right side naman ni Mommy. Hinila ko talaga palapit si Aly sa akin dahil marami akong gustong itanong sa kan'ya.  Kagaya ng... Bakit hindi niya sinabi na uuwi pala si Zach? Bakit hindi niya sinabi sa akin kanina na kasama pala nila si Zach? At bakit... Bakit niya naman sa akin sasabihin? Bakit ko naman kailangang malaman? My gosh! Halos mabaliw na ako rito kakaisip ng kung anu-ano pero all of that doesn't make sense. Kinalma ko na lang ang sarili ko. Dapat hindi ako magpahalata na may kakaiba sa akin dahil kilala ko 'yan si Aly. Sa oras na may mapansin siya, papansinin niya ‘yon hanggang sa makuha na niya ang atensyon ng iba. Gustong-gusto niyang pinagti-trip-an ako sa harap ng parents namin, e. Hindi ko naman siya masisisi kasi ganoon din naman ako sa kan’ya. "Hoy, Sariah..." Natinag ako sa magkakasunod na pagsiko sa akin ni Aly. Sinamaan ko siya ng tingin. "Aray, ano ba!?" mahina ngunit may diin kong tanong sa kaniya dahil ayaw kong maagaw ang atensyon ng ibang tao sa aming lamesa. Ngumisi siya sa akin nang nakakaloko. "Ba't ka ba natutulala diyan, ha?" See? Kung anu-ano ang napapansin. "Wala. Bakit ikaw hindi ka ba natutulala, ha?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Natutulala ako kapag may iniisip akong tao. Ikaw, sinong iniisip mo, ha? Si kuya ba?" malisyosong bulong niya sa akin. Hinampas ko naman ang braso niya dahil doon. Medyo kinabahan ako sa sinabi niya baka kasi may nakarinig. Lecheng Aly! Buti na lang at wala dahil mukhang busy rin sila sa pag-uusap habang kumakain. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Aly sa tabi ko kaya naman inabot ko ang tagiliran niya para kurutin. I glared at him. "Ul*l ka. Hindi lahat ng natutulala may iniisip na tao, ha!" I gritted my teeth at him. "Pero sure ako na kaya ka natutulala ay may iniisip ka." He smirked at me. "We've been spending almost every day of our lives together for years, I know what you're thinking right now," he said wiggling his eyebrows. It took so much in me to stop myself from doing something on him pero kung wala lang kami sa masyadong elegante at formal na lugar, malamang nakatikim na siya sa akin ng isang malakas na sapak. I tilted my body to face him. Using my pointing finger, I pointed out how my eyebrows were squeezed together in a crease and how my mouth was closed in tight straight lips while glaring at him. Natawa naman siya sa ginawa ko at pinisil ang aking pisngi palayo sa kaniya. “Ang cute mo magalit ha, para kang bata." He shook his head lightly while smiling. "Matagal na akong cute kahit hindi ako galit. Tsaka pwede ba, tigilan mo nga ako!" Tinapik ko 'yong kamay niya palayo sa pisngi ko. Napatakip ako sa bibig ko nang ma-realize ko na napalakas ang pagkakasabi ko noon. I roamed my eyes around our circle, and they were all looking at me including Zach! "Mukhang may sarili kayong mundong dalawa ni Algid, ha? Ano ba ang kanina niyo pa pinagbubulungan diyan?" Nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Mommy. Magsasalita na sana ako nang sumingit si Aly. "E, kasi Tita, si Sariah natutulala ma--" Agad akong kumuha ng yellowtail sashimi at isinubo ‘yon sa kan’ya gamit ang tinidor. "Ang sarap, ‘di ba?" Nginitian ko siya at pinandilatan ng mata. Agad siyang uminom ng tubig nang muntik na siyang masamid dahil sa ginawa ko. "Ah, wala po 'yun. Palagi naman po kaming ganito 'di po ba? Hindi pa po ba kayo nasasanay?" sabi niya pagkatapos lunukin 'yong pagkaing sinalpak ko sa bibig niya. "Hayaan mo na ‘yang dalawang 'yan, Kharissah. Ganiyan na talaga ‘yan dati pa." Singit naman ni Tita Merelle sabay hawak sa kamay ni mommy. Napatingin naman ulit ako sa direksyon ni Zach na naabutan kong pinasadahan kaming dalawa ni Aly ng tingin bago nag-iwas at itinuon ang atensyon sa pagkain. Tinitigan ko siya dahil mukhang malalim ang iniisip niya at naputol lang iyon nang tawagin ako bigla ng ina niya. "Yes po, Tita?" magalang na tanong ko. Sumimsim ako sa red wine na nakalaan para sa akin habang iniintay ang sasabihin niya. "I just want to ask who was the handsome guy who gave you bouquet earlier? Is he your suitor?" Nasamid naman ako bigla nang marinig ko ang tanong niya. Bakit ba ang hilig-hilig nilang magsabi ng mga nakakagulat na bagay habang umiinom ako? Gusto ba nilang mamatay ako nang maaga? "No, Tita. He's a friend," sagot ko nang makabawi. My forehead creased when I heard Zach smirk. Ano'ng problema ng isang 'to? "What?" I snappishly asked because the way he smirked a while ago seems like a disagreement with what I said. "Nothing," painosenteng sabi niya pero halata naman ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. I have never imagined him being this kind of man. Alam niyo 'yon? 'Yong ngisi pa lang nakakainis na? 'Yong parang ang yabang-yabang. Akala ko siya 'yong tipo ng lalaki na mala-Saimon, 'yong charming na medyo playful, pero hindi pala, tss. He was so close to being cocky! "Seems like you want to say something, e." I arched my brow. Imbes na magsalita ay tinitigan niya lang ako na para bang pinag-aaralan niya ang mukha ko. Mas lalo naman akong nainis sa ginagawa niya. Yes, hindi ako kinikilig kahit gaano pa kaganda ang mata niya. Naiinis ako! Inerapan ko na lang siya bago ibinaling ulit ang tingin ko kay tita na nasa aming dalawa pala ang atensyon. "Ano ba kayong dalawa, ngayon na nga lang kayo nagkita tapos mukhang hindi pa kayo nagkakasundo." Biglang natawa si Aly na nasa tabi ko. Napatingin naman kaming lahat sa kan’ya. "E, kasi Mommy 'yang si kuya, bigla na lang hindi ni-reply-an at kinausap si Sariah ayan tuloy napaka-bitter. Kaya ‘wag na kayong umasang magkakasundo 'yang dalawang 'yan." Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Aly. Pero parang ang sarap niyang putulan ng dila na ewan. Ang sarap nilang pag-untuging magkapatid! "Sino ang bitter, ha? Ako? Excuse me, sa ganda kong 'to syempre wala lang 'yon sa akin 'no! And it's more than a month na rin." All of them laughed because of what I said except Zach who's now staring seriously at me. Ako naman ang ngumisi sa kan'ya. Akala mo, ha! "Ah, kaya pala may Saimon ka agad." Napawi naman ang ngisi ko sa labi dahil sa sinabi ni Aly. Hindi ko alam kung ano ba 'yong intensyon niya at gusto niyang mangyari but one thing is for sure... I really want to kill him right now, right here! "Imbento ka, alam mo 'yon?" Hindi ko na maitago ang inis na nararamdaman ko kay Aly. Mukhang ramdam niya naman na napipikon na ako kaya tumigil na siya. "Sorry na, nagjo-joke lang naman ako, e. Wag ka nang magalit." I made face at him at hindi na siya pinansin. Nanahimik na ako the whole time. Nasagot lang ako ‘pag tinatanong at pagkatapos no’n, wala na. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain hanggang sa napagdesisyunan na naming umuwi. Mag-aalas nuebe na nang makauwi kami. Pagtigil ng sasakyan namin, agad akong bumaba at naglakad papasok sa bahay. Hindi na ako nakapag 'goodnight' sa magulang ko dahil agad akong dumiretso sa kwarto ko at naglinis ng katawan. I slumped into my bed soon as I come out of the bathroom. I heaved a deep sigh. Pakiramdam ko napagod ako kahit wala naman talagang dahilan para mapagod dahil kumain lang naman kami. Parang sobrang daming nangyari ngayong araw. Alam niyo 'yong gano’ng feeling? Hindi ko maipaliwanag, e. Parang hindi pa rin kasi nag si-sink in sa akin na nandito na sa Pilipinas si Zach. He just arrived in the most unexpected time during the most unexpected day of the year. Is he staying here for good? I bet not. I'm sure hindi niya kayang iwanan 'yong girlfriend niya sa Canada kung girlfriend niya nga 'yon. Sigurado rin akong andito lang siya para um-attend sa graduation ng kapatid niya at pagkatapos no'n ay babalik din siya sa pinanggalingan niya one of these days. Sana nga hindi na siya magtagal pa rito. Kumukulo kasi ang dugo ko tuwing naiisip ko 'yong ginawa niya sa akin at nahihiya rin ako at the same time dahil sa pangungulit ko sa kan'ya kahit alam kong hindi niya talaga 'yon binasa. Napapapadyak ako habang nakatakip ang palad ko sa mukha ko tuwing naaalala ko ‘yon. Nai-imagine ko 'yong itsura niya habang binabasa ang mga 'yon na may ngisi sa mga labi niya. My God, s**t! Nakakahiya! "Aray!" Napasigaw ako nang bigla akong mahulog sa kama dahil sa kalikutan ko. I immediately held my temple when I felt pain on that part of my head. May nakapa akong dugo mula roon. Tumama kasi iyon sa bedroom slipper ko na may design na gawa sa metal. Sa inis ko ay dinampot ko iyon at inihagis sa labas ng bintana. Nagulat naman ako after hearing someone groaned from outside my window. Wala naman siguro akong natamaan 'di ba? Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sahig para sumilip sa bintana. My eyes widened in shock upon seeing Zach who's now holding my slipper while looking up to me. He's just looking directly at me. After few minutes, tumingin ulit siya sa hawak niya bago ibinalik ang tingin sa akin. I just give him a shy smile. Ano ba kasing ginagawa niya sa loob ng teritoryo namin ng ganitong oras!? "Mind to go down here and explain?" he said sternly. Hindi ako nagpatinag sa pagiging seryoso niya at tinaasan ko pa siya ng kilay. "Ayaw ko nga. Bakit kailangan ko pang bumaba para mag-explain? Kung wala ka riyan, hindi ka matatamaan. Bahala ka riyan," mataray na sabi ko sa kaniya at akmang isasarado na ang bintana nang magsalita muli siya. "If you don't come down here, I'll go up there. You choose." Inerapan ko na lang siya at sinarado na ang bintana ko pati 'yong blinds. Napakaarte naman niya. Ba't kailangan ko pang bumaba roon, e hindi ko naman sinasadya na matamaan siya? Ano'ng gagawin niya sa akin? Gaganti? Pero dahil ayaw kong umakyat siya rito, wala akong choice kung hindi ang bumaba para na rin kunin ang slipper ko. Nakasalubong ko pa si mommy na kagagaling lang sa kusina pagkababa ko ng hagdan. "Where are you going?" takang tanong niya nang makita akong nagmamadali palabas. "May kukunin lang po sa labas." Kahit mukhang nagtataka, tumango na lang siya sa akin kaya naman dumiretso na ako sa pintuan. Pagkabukas ko ng pinto ay napaatras ako sa gulat nang makita ko siyang nakasandal lang sa gilid at inaabangan ako sa paglabas. "Ano ba kasing kailangan mo at pinababa mo ako?" inis na bulyaw ko sa kan'ya. "Gusto mo bang mag-sorry ako dahil natamaan kita? Well, sorry to tell you but I’m not sorry. Hindi ko naman kasalanan na andoon ka at pahara-hara. At ano bang ginagawa mo rito, ha? Andoon sa kabila 'yong bahay niyo, hindi rito," masungit na litanya ko. Natatawa naman siyang tumayo nang diretso. "So, are you saying that it was my fault for being there when you throw your slipper, huh?" he asked in a breathy voice. "Yes, you got it right. Now, give me back my slipper dahil gusto ko nang umakyat kasi inaantok na ako." I grabbed it from his hand but before I could even take a single step away from him, he abruptly cupped the side of my neck and pulled me closer to him. My heart suddenly beat faster because of his sudden movement. "W-what are y-you doing?" I stammered. "You're bleeding," he whispered. Hahawakan ko sana iyong sugat na nakuha ko kanina nang hawakan niya 'yong kamay ko gamit ‘yong isa pa niyang kamay. "Don't..." I tried to get away from his grip because I’m afraid that he might hear how my heart was pounding like a drum inside my chest, but his hands were firm. "It was just a scratch, okay? Nothing serious... so please, let me go. We are not close for you to act like that." After saying that, his hand loosened its grip on me. I took that chance to step away because I don't want to stay another minute being too close to him. "But still, you should treat it to avoid infections. Let's go inside, I’ll help you." He said, ignoring the last sentence I just said. Agad ko siyang hinawakan sa kaniyang braso para pigilan. Napatingin naman siya sa kamay ko kaya agad ko 'yong inalis na animo'y nakakapaso ang kaniyang balat. "You don't have to, I can treat it myself. Thanks for your concern, though," I said, avoiding his stare. Sabay naman kaming napalingon sa may gate nang may biglang tumigil na sasakyan sa tapat ng aming bahay. Maglalakad na sana ako papunta sa gate nang biglang si Zach naman ang humawak sa braso ko. "What?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "Kilala mo ba ang may-ari ng sasakyang iyan?" Natigilan ako nang marinig ko siyang magtagalog sa unang pagkakataon sa personal. I've always wanted to hear him speak tagalog in person before and now that he did, all I can say is... I want him to speak tagalog more often because what I heard was so freaking sexy! Ano ba, Khyrss? Galit ka sa kaniya 'di ba? "Stop staring, I’m asking you." Natinag lang ako sa aking pag-iisip nang dahil sa sinabi niyang iyon. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa kahihiyan bago siya sinagot. "Yes, that was Saimon's car." Inalis ko na ang pagkakahawak niya sa braso ko at dali-dali akong lumabas ng gate.  Nagulat naman ako nang biglang lumabas si Frea mula sa passenger seat. "I'm gonna sleep here tonight because of our trip tomorrow. Baka ma-late ako ng gising at maiwan ako, e," paliwanag niya habang kinukuha ni Saimon 'yong mga gamit niya sa backseat. "E, bakit ngayon ka lang pumunta rito?" tanong ko dahil mag aalas dose na ng gabi! Mabuti na lang pala at gising pa ako. "Syempre nag-impake pa ako, ‘no!" Napatingin naman ako sa inilabas ni Saimon na dalawang malaking luggage. "Wow, kaya siguro natagalan ka sa pag-iimpake," I said while looking at her things. "Ang dami mo namang dala, e tatlong araw lang naman tayo sa Batangas?" "Duh! kulang pa nga 'yan, kaso lang wala na akong paglalagyan kaya ‘yan lang ang nadala ko," she said casually. "Aba, balak mo atang doon na tumira?" Ang daming kaartehan ng babaeng ito samantalang ako, isa lang ang dala. "All of these were my necessities!" I just made face at her at inaya na sila sa loob. Nakaabang pala si Zach sa may gate at nang makalapit ako sa kaniya ay nagpaalam na siya at tango lang ang isinagot ko. Nang maibaba ni Saimon sa living room 'yong mga gamit ni Frea ay nagpaalam na siya sa amin. "Una na ako, ha? May trabaho pa kasi ako bukas..." Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. "Is that a blood?" tanong niya habang nakaturo sa temple ko. Nagtataka ako, ganoon ba iyon kalaki para mapansin nila? "What happened? Saan mo iyan nakuha?" he asked in a concerned voice. "Wala 'to, sa kwarto ko lang." I gave him an assuring smile. "Sure ka?" Tumango ako. Frea faked a cough. "Ako na ang bahala sa kanya, Sai. Umuwi ka na kasi hatinggabi na, salamat sa paghatid ha?" Mukha namang nakumbinsi siya sa sinabi ni Frea kaya naman nagpaalam na siya. Hinatid ko siya hanggang sa labas at nang makaalis ang sasakyan niya ay pumasok na rin ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Kinabukasan ay maaga kaming nagising para maghanda sa pagpunta namin sa Batangas. Pagkatapos naming mag-agahan ay sabay na kaming naligo ni Frea. Ginamit niya ang banyo ko at 'yong sa guest room naman ang ginamit ko. Dahil beach naman ang pupuntahan namin, I decided to wear a crochet halter top and tattered high waisted denim short. I dried my hair then I pulled it up in a messy bun with a few strands hanging freely on my face. After fixing my hair, I just applied sunscreen and lip tint. Rinig ko na ang pagtawag sa amin ni mommy mula sa baba kaya naman dali-dali ko nang isinukbit ang round straw bag ko at binitbit ang luggage palabas ng kwarto. Sumunod naman sa akin si Frea at inusungan ako sa malaki kong maleta pababa ng hagdan. "Wow, you two look lovely in your outfits. Summer na summer na talaga," bungad ni Daddy nang makita kami. Lumapit siya sa amin at kinuha ang maleta ko. "Thanks, Dad." I smiled at him. Sumunod na kami sa kan’ya palabas dahil paalis na kami. Agad kong natanaw si Aly na nag-aabang sa may pintuan ng van na sasakyan namin. ‘Yon ang gagamitin namin papuntang Batangas para iisa na lang daw ang dadalhin naming sasakyan. Nang makalapit kami sa kaniya ay agad siyang humalik sa gilid ng noo ni Frea. "Good morning," nakangiting bati niya rito. Humalukipkip naman ako at pinagmamasdan lang ang bawat galaw nila. "Congrats, Aly. Natutuwa ako na sabay ng pag-graduate mo sa college ay ang pag-graduate mo rin sa pagiging torpe." I proudly said to him. "Magkaka-girlfriend ka na, finally!" I clapped my hands out of happiness and excitement. "E, ikaw kaya, kailan?" He teased. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko. "At bakit may pag-atake, ha?" "Just kidding." "Bahala na nga kayo riyan!" Pumasok na ako sa loob ng van at pumwesto sa second row sa tabi ng bintana. Rinig ko pa ang pagtawa ni Aly dahil sa pag walk-out ko. Maya-maya ay sumunod na rin naman sila dahil inanunsyo ni daddy na aalis na kami. Pumwesto silang dalawa sa pinakalikod habang si tita Merelle at tito Philipp ay nasa unahan ko at Si momm at daddy ang nasa driver at passenger seat. Ang wala na lang ay si Zach at unti-unti kong napagtanto na... bakante ang tabi ko! Taranta akong tumayo nang matanaw ko siya sa bintana na palabas na ng bahay nila. Balak ko sanang doon na lang sa likod tutal solo naman 'yong dalawa do’n at may space pa pero mukhang nakatunog si Aly sa ayaw kong mangyari kaya naman itinaas niya ang paa niya at humiga para i-occupy ang buong upuan sa likod habang nakaunan sa kandungan ni Frea at nakangisi sa akin. "At saan ka pupunta?" nang-aasar na sabi niya. Pesteng Aly! Gusto ko ngang iwasan 'yong kapatid niya, e! "Asshole." I mouthed bago bumalik sa pwesto ko kanina. Tama nga ako ng hinala at sa tabi ko pumwesto si Zach pagkapasok niya sa van. "Hey, good morning." His voice was raspy, the kind that if whispered in your ear would give you goosebumps. He smiled brightly at me. Ano'ng nginingiti-ngiti mo? Punitin ko 'yang mukha mo, e! "Same to you," masungit na tugon ko. Narinig ko naman ang pagtawa no'ng dalawa sa naging sagot ko kaya napangisi ako sa aking utak. Ano'ng akala niya, magiging friends kami pagkatapos niya akong i-ghost? Lol! Kahit gaano pa siya kagwapo 'pag ngumingiti o kasexy tuwing nagtatagalog, hindi 'yon tatalab sa akin! I heard him snigger. I just ignored it because I don't really want to talk to him. After staring outside for a few minutes, I decided to sleep since puyat ako kagabi at maaga akong nagising ngayon. I leaned my head on the window and when I’m about to close my eyes, I heard him speak. "How's your wound?" Nakatingin lang siya ng diretso sa harapan nang lumingon ako sa kaniya pero nakasisigurado ako na ako 'yong tinatanong niya. "Okay na," mahinang sagot ko. Lumingon naman siya sa akin at nagtama ang tingin namin. "Where did you get that?" interesadong tanong niya. I just said a while ago that I don't want to talk to him but there's something in his eyes that made me want to answer him. "On my slippers... when I fell from my bed," I said slowly. His eyes remained on me and so am I. "So, that was the reason why you threw it on me, huh?" tumatango-tangong sabi niya when the realization came into him. "I didn't throw it on you intentionally. I don't even know that you were there in the first place... Sayang, kung alam ko lang na andoon ka, edi sana nilakasan ko na 'yong pagkakahagis." I gave him a smug smile. He stared at me intently before his mouth sprung open. “You’re mad at me…” “Buti alam mo.” I said bitterly before looking away. The intensity of his stare was making me uncomfortable. "If that was about ignoring you all of a sudde—"  "Of course, I was mad about that. Bakit, may iba pa bang dahilan para magalit ako? huh?" mahina ngunit may diing putol ko sa kaniya.  "I'm sorry, okay? I know it was so ru-" I held up my hand to silence him.  I suddenly get annoyed upon opening that topic. It seems like a bomb that was waiting to explode. I know what he did was still inside me. It hasn't left me since then. I just avoided it but now that we're on that topic, I can't help but get mad. And I don't know why exactly it affected me so much. To be honest, right now while staring at him, I started questioning myself if what I'm feeling for him was only an attraction. I have an idea on my mind already but I'm too afraid to consider it. It took so much in me to shove that thought away from my head. Considering that won't do any good for me. "Save your explanation to yourself, I don't need it. And please do me a favor, stop talking to me and if my actions still weren't clear to you, then I’ll just say it directly. I. Don't. Freaking. Want. To. Talk. To. You. Ever. Again."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD