Bumuntong-hininga ako bago sumagot. “It’s fine.” Mahinahong sabi ko. Hindi kasi talaga siya sa akin tumatawag ‘pag maaga pa. Ayaw niya kasing maabala ang tulog ko. Tatawag lang siya kapag nag-reply na ako. And he always call me love ‘pag alam niyang may nagawa siyang mali. “But what are you doing in Makati?” Nilingon ko ‘yong dalawang bata na abala sa panonood habang naghihintay sa pagdating ni Saimon. “My lawyer suddenly called me. Ngayon daw kami imi-meet noong owner no’ng property na gusto kong bilhin. Bukas pa sana ‘yon, but she has to leave the country tomorrow. So, I had to go. Katatapos lang namin i-survey ‘yong area, and I left my phone in my car kaya ngayon ko lang nasagot ang tawag mo… I still can’t go home right now because we still have to discuss the payments and arrange som

