Mabuti na lang at natapos na rin sa wakas ang sayaw kaya walang imik na bumitaw ako at tinalikuran siya nang hindi sinasagot ang tanong niya. Nagmadali na akong bumalik kay Saimon at hindi na siya nilingon pa. “Hey, what happened?” tanong ni Saimon nang makalapit ako sa kaniya. Nakita niya ‘ata ‘yong biglaan kong pag-iwan sa kay Zach sa dancefloor. Umiling ako. “Nothing. I just can’t stand any longer. Pagod na ang paa ko,” I lied as I took my seat next to him. “Oh… aayain sana kitang sumayaw.” Nakagat ko ang labi ko. I would love to dance with him, but I already lied about my feet. “Later… Pahinga ko lang saglit.” I reached for my wine glass and took a sip. Nanlaki ang mata ko at nataranta nang biglang lumuhod sa may gilid ko si Saimon. “Sai, what are you doing?” mahinang tanong

