Brianna
"What happen to you?" kaagad na tanong ni Mark habang pinipigilan ang kanyang pagtawa.
"Ha?" Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya. Pero ano ba ang nakakatawa? Nakakatawa ba kapag-late? Hindi na siya nagsalita pa sa halip ay naging matunog pa ang pagtawa niya. Nakakainis 'yong tawa niya dahil alam kong ako ang pinagtatawanan niya.
Napabaling naman ang paningin ko sa likod niya kung saan nakaupo si Ken. Nakatingin siya sa akin pero seryoso naman ang kanyang mukha. Nag-iwas din kaagad siya ng tingin sa akin. Ang iba nilang mga kaibigan na si Dave at Anthony ay natatawa rin na nakatingin sa akin, habang si James ay seryoso lang na nakatingn sa kung saan. Siryoso kasi talagang tao si James. Bukod tangi siyang naiiba na lagi na lang seryoso at laging salubong ang kilay. Si Ken naman ay seryoso ding tao pero nakikita ko naman siyang ngumingiti kung minsan, pero si James ay hindi.
Napatingin naman ako sa iba pa naming mga kaklase. Napataas ang kilay ko dahil sa akin din sila nakatingin ngayon. Hello! Balit sa akin sila nakatingin? Ako ba ang professor? Nagtatawanan din sila at nagbubulungan pa ang iba. Ano ba kasi iyon? Bwisit 'tong mga 'to! Ang aga-aga pinaiinit ang ulo ko!
Luminga ako sa buong silid habang nanatili pa ring nakatayo. Wala akong planong maupo sa dati kong upuan. Naghanap ako ng bakante. Ayaw ko muna silang makatabi ngayon. Naiinis ako. Ngunit nalibot ko na ang buong silid ay wala akong nakitang bakanting upuan. Kung bakit naman kasi wala bang umaabsent? Bakit ba palaging ganito ang arrangement ng upuan dito? Itong sa tabi ni Ken ang wala palaging nakaupo. Nakatadhana talaga yata ako dito. Parang sinasadya, ah.
"Ms. Lopez, take your seat." Nagulat naman ako nang biglang nagsalita ang professor namin. Nataranta na ako kaya't naupo na ako sa tabi ni Ken. Wala namang ibang choice. Tahimik na lang akong naupo.
"Pumasok kayo sa klase ahead of time para hindi kayo naghahabol. Look at yourself, Ms. Lopez. Papasok ka pa lang pero mukha ka ng pauwi."
Nagtawanan ang buong klase at lahat sila ay nakatingin na naman sa akin. Ano ba ito, nakakahiya? Muntik ng mawala sa isip ko na pawis na pawis nga pala ako. Ano na nga ba ang hitsura ko ngayon? Siguradong hulas na hulas na ako. Sa layo ng tinakbo ko malamang mukha na talaga akong pauwi ngayon.
Kinuha ko ang aking bag at naghanap ng panyo ngunit wala akong nakita. s**t! Nakalimutan ko pa yatang magdala. Inilabas ko ang lahat ng laman ng bag ko pero wala talaga akong nakita. Paano na ang pawis ko. Gusto kong magtakip ng mukha o magpalamon na lang dito sa upuan ko. Ipinunas ko ang mga kamay ko sa aking noo. Nagbuo-buo na ang bawis ko roon. Kung bakit ngayon ko pa nakalimutan magdala ng panyo o kahit tisue?
Natigilan naman ako nang may nag-abot ng isang panyo sa harapan ko. Napatunghay ako sa may-ari nito at Oh my God! Si Ken. Totoo ba ito? Inaabutan niya ako ng panyo. Napatitig ako sa kanya. Seryoso lang ang kanyang mukha at hindi siya nakatingin sa akin. Sa unahan siya nakatingin dahil nag-uumpisa na ngayong mag-lecture ang professor namin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang panyo niya. Pero dahil kinikilig ako ay tinanggap ko na rin ito.
"S-Salamat." Hindi siya sumagot. Wala akong nakitang kahit na anong reaksiyon sa kanyang mukha. Nakatutok lang ang kanyang paningin sa unahan. Inumpisahan ko nang punasan ang aking pawis sa aking noo gamit ang panyo niya. Pero bago iyon ay inamoy ko muna iyon at ang bango-bango. s**t! Sana hindi ako nanaginip.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa kilig. Sinupil ko rin naman ang mga ngiti ko at itinago. Baka may makakita sa akin at sabihan pa akong baliw. Pero wala naman akong paki dahil masaya ako at totoong baliw na ako. Baliw kay Ken. Nakaharap naman na ang lahat sa unahan at wala naman na sigurong nakatingin pa sa akin. Magkaka-stifneck sila kapag nilingon pa nila ako dahil nasa pinaka likod ako.
Pinunasan ko na rin ang leeg ko at ang bandang likod ko na naabot ko. Nabasa ko ang panyo niya. Lalabhan ko na lang muna siguro ito bago ko isauli sa kanya. Pinunasan ko na din ng bahagya ang mukha ko. May kaunting face powder ang sumama sa panyo, kung ganoon ay talagang hulas na ang mukha ko. Kaya siguro sila tumatawa kanina. Nakakainis naman kasi ang mga brat na iyon. May araw din sila.
Itinutok ko na ang paningin ko sa unahan at nakinig sa professor namin. Nang matapos ang klase ay nauna nang tumayo ang grupo nila Ken.
"Ken," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Blanko na naman ang mga mata niya at wala kong mabasa na kahit na ano. Ang hirap niyang basahin. Pero heto na naman ang kilig na hindi ko mapigilan.
"Ahm...Salamat sa panyo. Sa akin na lang muna ito. Lalabhan ko muna bago ko isauli sa 'yo. Nabasa kasi ng pawis ko."
"No, it's okay. You can keep it or trow it. I don't need it."
Tumalikod na siya matapos niyang sabihin iyon. Masungit ang tinig niya. Ako naman ay napipi at hindi na nakasagot pa. Tinanaw ko na lang sila hanggang makalabas ng silid ang grupo nila. Kumaway pa sa akin si Mark at kumindat bago tuluyang lumabas pero bago iyon ay may ibinulong ito.
'Magsuklay ka muna ng buhok bago ka lumabas.' Gosh! Pagkalabas nila ay nagmadali akong buksan ang bag ko at kinuha ang suklay. Kainis! Gulo-gulo rin pala ang buhok ko. Nakakahiya pala talaga ang hitsura ko. Para siguro akong bruha.
"Napakasungit naman ng Ken na 'yon. Kung ayaw niya, edi maganda. Sa akin na lang itong panyo niya, remembrance ko," pagmamaktol ko pa habang nagsusuklay.
Nang matapos ako ay isinilid ko na ang panyo sa bag ko kasama ang iba ko pang mga gamit tapos ay tumayo na din ako at lumabas ng class room.
Hinanap ko si Sav. Hindi ko na inabala pa ang dumaan sa restroom dahil baka makita ko na naman doon ang mga pasaway na brats. Ayos naman na siguro ang hitsura ko ngayon.
Sabay kaming kakain ni Sav sa Canteen. Sana ay hindi puno doon ngayon. Naglakad na ako ng mabilis at tinungo ang canteen. Nakita ko rin naman kaagad si Sav. Hinihintay niya ako sa labas ng Canteen.
"Hey! Bea. Ang tagal mo. Dali na, baka maubusan tayo ng p'westo."
"Oo, heto na." Nagmadali na kaming pumasok sa loob. Hila-hila ni Sav ang braso ko. Nangtungo na kami sa counter. May ilan pang nakapila kaya pumila rin muna kami. Lumibot ang paningin ko sa buong canteen at natanaw ko sa puwesto nila ang grupo nila Ken na nag-uumpisa nang kumain.
Marami pa namang bakanteng upuan at mesa. Sa di kalayuan ay natanaw ko ring kumakain ang grupo ng mga brats na gustong mang-bully sa akin. Nakatingin sila sa gawi nila Ken.
Kung ganoon isa talaga sa mga heartthrob ang pag-aaring sinasabi ng mga brats na iyon. Si Mark nga siguro. Imposible namang si Ken at ang iba pa dahil hindi naman nila ako kinakausap. Tanging si Mark lang talaga ang friendly sa kanila.
"Hey! Bea. Tulala ka na naman. Ano na ang order mo? Bilisan mo at wala na tayong p'westo."
"Ha? Oo." Nag-order na din ako ng pagkain ko at nagbayad. Hindi naman nagtagal ay ibinigay din sa amin ang aming pagkain. Bitbit ang aming tray ay nagtungo na kami sa mga mesa at upuan. Nagulat ako nang bigla dumami ang tao. Kanina ay marami pang bakante at ngayon ay...
"Bea, dito tayo dali." Kaagad tinungo ni Sav ang bakanteng mesa ngunit nasa tabi iyon ng mesa nila Ken. Hindi ko tuloy alam kung susunod ba ako sa kanya o hindi. Hindi muna ako kumilos. Luminga ako at nagbabakasaling may iba pang bakante pero wala na talaga.
Bakit naman biglang dumami ang tao? Kinawayan na ako ni Sav kaya wala na akong choice kundi ang tunguhin ang kinaroroonan niya. Hindi ko na lang tiningnan pa ang grupo nila Ken. Sana ay hindi nila ako mapansin lalo na si Mark.
"Hey! Bea. Sana sumabay ka na sa amin kanina," wika ni Mark nang mapansin na nga niya ako. Ang talas ng pakiramdam. Napansin ko naman ang pagtunghay ni Ken at ng iba pa nilang kaibigan. Ngumiti na lamang ako at hindi na sumagot. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot. Hindi naman ako puweding sumabay sa kanilang kumain.
Alam kong pinagbigyan lang nila ako noong firstday ng class dahil hindi ko naman alam na puwesto nila iyon at bawal ang iba. Naupo na ako sa tabi ni Sav at inumpisan ang pagkain ko.
Ikukuwento ko sana kay Sav ang tungkol sa mga brats pero baka marinig kami nila Mark kaya sa susunod na lang siguro. Tinanaw ko naman ang mga brats at ang talim na nga nang tingin nila sa akin ngayon.
Parang gusto na nila akong saksakin sa mga titig nila. Lalo na 'yung leader nila. Mali naman kasi sila ng iniisip, nuh. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko at hindi na sila inintindi pa.