Chapter 57: Argument & Sacrifice “I NEED to call your grandfather, Khai,” I told to my son. Kinuha niya mula sa kamay ko ang phone ko. Alam kong si Sir Janus na lamang ang kaya kong hingian nang tulong at wala ng ibang pagkakatiwalaan pa kundi siya lang. Na maski ang sarili kong ama ay hindi ko na pagkakatiwalaan pa. Sa dami nilang nakatayo sa harapan namin at desidido talaga silang lahat na hindi nila kami hahayaan na makapasok kahit nasa emergency room na kami. Hindi ako takot sa mga baril na hawak nila. Hindi ako takot na matutukan ng mga iyon. Pero huwag ngayon na kasama ko pa ang mag-ina ko. Kung kayang pag-usapan ito ay iyon ang gagawin ko basta hayaan lang nilang papasukin ang asawa ko at nang magamot na ito agad. Hindi naman si Jessel ang nakapanakit kay Chrysler dahil ako lan

