Chapter 31: Fight your weakness
SA PAGPIKIT ko naman ay naramdaman ko pa ang hangin na tumatama sa mukha ko at kasabay nang mga braso na sumalo sa akin. Mas bumilis pa yata ang t***k ng puso ko dahil sa nararamdaman na presensiya na naman niya.
“See? Okay ka naman na,” sabi niya at binuksan ko na ang mga mata ko. Iyong dibdib niya agad ang nakita ko bago ang mukha niyang nakayuko sa akin. Amoy na amoy ko na naman ang pamilyar na perfume niya. Grabe talaga iyong epekto sa akin ng lalaking ito. Walang pinagbago, ganoon pa rin talaga.
“Ibaba mo na ako,” sabi ko. Tumango lang siya saka niya ako maingat na ibinaba. Tumayo ang balahibo ko sa batok nang inayos niya ang suot kong shirt na bahagyang nalihis pataas. “A-Ako na,” nahihiyang sabi ko.
“Ikaw ang mauna, Jessel. Hacienda mo naman ito,” singit ni Ryle. Na mukhang napansin na naman niya ang ginawa ni Rykiel.
Ngumiti ako at napatingin sa hacienda namin. Dati ay buhay na buhay pa ito pero ngayon ay parang ang lungkot na niya. Iyong mga matatayog na kahoy na sa likuran nito ay nandito pa naman. Maganda pa rin naman siyang tingnan pero ang tahimik na niya at parang ang lungkot din ng atmosphere niya.
“Ilang taon na pala itong walang tao?” Levi asked me, confusedly. I didn't reply. Naglakad lang ako at inaya na silang tatlo.
Bukas ang front door ng hacienda. Kung hindi nagkaroon ng gulo sa school nina Khai at pati ang community service nila rito ay baka hindi ko pa talaga maisipan na pumunta rito. Isa rin ang probinsyang ito na hindi ko na gugustuhin pang bumalik pero marami pa rin ang nangyayari sa buhay natin at hindi pa inaasahan ang dumarating.
Binuksan ko ang pintuan at nakabukas ang mga ilaw sa loob. May tao nga sa loob. Sa gabi naman ay binubuksan ng caretaker ang ilaw rito para maging maliwanag naman daw ang parteng ito.
“Mukhang dito nga pumunta ang mga pasaway na batang iyon,” Levianna commented.
“Ryx is not a stubborn kid,” pagtatanggol ni Ryle sa anak ko. Nilingon ko siya at ngumiti sa kanya. Kilala niya talaga ang anak ko.
“Pasok kayo.”
Sumunod sila sa akin patungo sa receiving room at hindi ko na pinansin pa ang pagpuri ni Levi sa loob ng hacienda namin. Kahit hindi naman ito na katulad ng dati ay alam kong maayos na nililinisan naman ito ng caretaker namin.
Nadatnan namin ang apat na batang nag-uusap at prenteng nakaupo lamang sila sa sofa. Hindi pa nila napapansin ang presensiya namin.
“Mamaya na tayo uuwi,” sabi ni Zules.
“Yeah. Ang ganda naman pala talaga rito, Ryx. Wala ba kayong balak pa na tumira dito?” tanong ni Cevianna. “Ang fresh ng hangin sa labas. Parang ang sarap na mabuhay rito.”
“Ano’ng klaseng tanong ba ‘yan, Cevi? Nasa Manila ang buhay ni Ryx,” sabat naman ni Zue.
“We need to go. Baka nag-aalala na ngayon sa akin si Mommy at alam kong kayo rin,” sabi ni Khai and he stood up from his chair pero nagulat siya nang makita kami. “Mom?” Dahil sa pagtawag niya sa akin ay napalingon ang mga kasama niya. Napatayo rin ang mga ito dahil din sa gulat.
“Hey, nandito pala kayo.”
“At hindi namin nagustuhan ang ginawa niyo,” malamig na sabi ni Ryle sa kanila. Napakamot sa ulo niya si Zules dahil sa pambabara sa kanya ng kuya niya.
“Alam niyo ba sa ginawa niyo ay puwede itong makarating sa principal niyo? Baka sa halip na makabalik kayo sa school niyo ay madadagdagan pa ang parusa niyong mga bata kayo,” sabi ni Levianna at napahawak pa siya sa magkabilang baywang niya. Matalim na tiningnan niya ang kanyang kapatid na mukhang natakot sa kanya. Dahil mabilis itong napayuko.
Umupo ako sa isang sofa at isinandal ko ang likod ko sa headrest nito. Tumabi na naman sa akin si Rykiel at ginaya rin ang ginawa ko. Hindi ko na lamang siya pinansin pa at tiningnan ko ang anak ko. He seems worried too. Bihira niya lang akong makita na magalit, o ang pagalitan siya pero hindi ko palalampasin itong ginawa niya kahit na hindi siya ang mastermind ng kalokohang ito ay hindi ko rin naman nagustuhan ang ginawa nila.
“Ano ba ang sinabi ko sa ‘yo, Khai?” marahan ang boses na tanong ko sa kanya.
“Na bawal pong umalis at pumunta sa kung saang lugar nang hindi nagpapaalam sa inyo,” sagot niya at tumango naman ako. “I’m sorry, Mom,” he apologized.
“Papayag naman kami kung nagpaalam kayo ng maayos. Hindi iyong gusto niyong mag-worry pa kami sa inyo sa kahahanap sa inyo,” sabi ko at tiningnan ko naman ang mga kasama niya. Nakayuko na lang din silang lahat.
“Hindi lang kami ang nag-aalala sa inyo. Iyong kasama nating staff ng school niyo,” sabat ni Levianna.
“Sorry po, Ate Levi,” Cevianna said.
“Ano pa ba ang magagawa namin?” Si Ryle naman ang nagsalita at umupo sa kabilang sofa. Tinabihan ni Levianna ang kapatid niya na masama pa rin ang tingin niya rito.
“Huwag niyo nang ulitin pa ito,” Ryle added his words.
“Opo,” magkasabay na pagsang-ayon nila. Si Rykiel lang ang hindi nagsasalita. Tahimik na nanonood na lamang siya sa amin.
“Khai?” tawag ko sa anak ko.
“Po?”
“Saan ka nakakuha ng susi? Paano kayo nakapasok sa loob?” curious na tanong ko at may kinuha siya sa bulsa ng pants niya saka niya ito ipinakita sa akin. Ito iyong kuwintas ko pero paano niya nakuha ito?
“Bago po tayo nagpunta rito, Mommy ay kinuha ko po iyon sa aparador mo. I'm sorry po kung pinakialaman ko ang mga gamit niyo. Ang sabi po sa akin ni Dad, ang susi ng hacienda ay ginawa niyo raw na pendant at nagbabakasakali rin po ako na tama ang nakuha kong kuwintas mo. Pansin ko rin po kasi na hindi niyo hinuhubad ito,” mahabang paliwanag niya. Akmang ibibigay na sana niya iyon sa akin nang ilingan ko siya.
“Ikaw na muna ang magtago niyan,” nakangiting sabi ko.
“I’m sorry po, Ate J. Pinilit lang namin si Ryx na pumunta rito, eh,” sabi ni Zue. Halatang nahihiya siya.
“Opo, kami po talaga ang may gusto na pumunta rito,” pagsang-ayon naman ni Zules.
“No, ginusto ko rin po ang pumunta rito, Mom,” umiiling na sabi ni Khai. I nodded. “Gusto ko rin po kasing pumunta rito, eh. This is my first time,” he said.
Hindi rin kami nagtagal doon sa hacienda. Bumalik na kami sa orphanage age. Nasa gate pa lamang kami nang may sasakyan na ang huminto sa tapat ng gate ng hacienda namin. Naalerto ang dalawang lalaki, sina Ryle at Rykiel. Humarang pa sila sa amin para yata pagtakpan kami pero agad ko namang nakilala ang mga kotseng iyon.
“Sina Fred ‘yan,” sabi ko at nilagpasan ko si Rykiel pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang siko ko.
“Pababain mo muna sila para sigurado tayo na sila ba ang mga bodyguard niyo,” usal niya at iyon nga ang hinintay namin. Bumaba si Fred mula sa sasakyan nila at yumuko sa amin. Naiintindihan ko ang pagiging alerto nila.
“Ihahatid na namin po kayo, Ms. Jessel,” magalang na sabi ni Fred.
Hindi na nga kami naglakad pa pabalik dahil hinatid na nila kami. Limang kotse sila at nagkasya naman kaming lahat. Mabuti na iyon. Malayo-layo pa kasi ang lalakarin namin kung sakali man.
DUMATING ang araw nang pagbabalik namin sa Manila. Natapos na rin ang community service nina Khai at hindi naman pinaalam pa ng staff nila ang pagtakas ng apat na batang kasama namin. Bago kami umuwi sa amin ay nagkaroon pa kami ng maliit na selebrasyon sa orphanage age at naghanda rin kami kinabukasan.
Kitang-kita ko sa mukha ni Rykiel na parang ayaw niya lang umalis dito. Hindi yata siya satisfied? Hindi ko naman siya magawang tanungin dahil ayoko siyang lapitan.
Tahimik ang buong biyahe namin. Halata sa mga bata na masaya at excited silang umuwi. Ilang araw rin kasi silang hindi nakapag-internet dahil wala namang signal dito sa amin. Mayroon naman na makukuha pero mahina lang talaga siya
Sa dati naming inuupuan ni Khai ako pumuwesto at ang akala ko ay tatabi sa akin ang anak ko pero lumapit siya sa mga kaibigan niya. Nagpaalam pa siya sa akin. Ang nangyari ay si Rykiel na lang ang tumabi sa akin.
“May space pa naman sa likod, ah,” sabi ko sa kanya at sinulyapan ko pa ang puwesto ni Ryle. Hindi yata nakatulog ang isang ito. Napuyat siya dahil naglasing siya kagabi. May hangover din yata siya. Kaya nakatulog siya agad.
“Wala akong pakialam, sa gusto ko ang puwesto na ito,” masungit na sabi niya. My head knotted.
“Bakit parang ang init ng ulo mo sa akin ngayon?” inis kong tanong sa kanya. He glanced at me, pinagtaasan pa niya ako ng kilay.
“Nothing,” tipid na sagot niya lang at sinuot niya ang sunglasses niya saka siya humilig sa headrest ng upuan niya. Matutulog din yata siya.
Umayos na lang ako nang upo at tiningnan ang mga dala naming kakanin na ginawa pa ng mga madre para sa amin. Napangiti ako. Ang babait nilang tao at pinaghandaan pa kami ng baon.
“Wala na ba kayong naiwan? Aalis na tayo,” anunsyo ng isang lalaki, na staff ng school. Agad na sumagot sa kanya ang iilan na mga estudyante.
“Ako, may naiwan,” mahinang bulong ni Rykiel na hindi nakatakas sa pandinig ko.
“Ano naman ang naiwan mo? Kunin mo na lang sa baba,” wala sa sariling sabi ko.
“Hindi isang bagay,” makahulugang sabi na naman niya.
“Ano naman iyon?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
“My memories,” he replied.
“Nababaliw ka na,” sabi ko sa kanya at umiling.
“Ang daming pamilyar sa akin sa lugar na ito pero tang-ina lang kahit isa ay wala akong maalala,” frustrated na saad niya at bumaba ang mga mata ko sa nakakuyom niyang kamao. Sobrang higpit na lumalabas na ang mga ugat niya roon. “Hindi ako maliligaw sa probinsyang ito, pero bakit kahit isang eksena lang naman ay bakit hindi pa ibinigay sa akin? Bakit wala pa rin akong naaalala? Bakit ang usok pa rin ang nakikita ko kapag nakapikit ako?” nahihirapan na tanong niya na hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya.
“That was the sign na kailangan mo nang kalimutan ang nakaraan mo. Sinabi mo naman kasi na wala kang naaalala. Kaya bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo?” tanong ko sa kanya at kasabay na pinaandar na ang bus.
“Dahil hindi ako mabubuhay ng masaya kung alam kong may pagkukulang sa pagkatao ko. Paano ako magiging masaya kung may bumabagabag sa akin? Paano ako mabubuhay ng matiwasay kung ang alam ko ay may dapat akong alalahanin sa nakaraan?” Nawalan ako ng sasabihin dahil sa hinaing niya. Wala naman talaga akong maisasagot pa sa kanya. Palagi na lang.
Kaya naman pala mukhang badtrip siya at wala sa mood kanina pa. Dahil babalik kami sa Manila na hindi pa natatapos ang gusto niyang mangyari dito.
“May mga bagay kasi sa mundo na hindi na dapat pang binabalikan. Don't trigger your past, just leave it here,” I said at tumingin ako sa labas ng bintana.
Sa haba nang biniyahe namin ay nakatulog ako at sa nakahilig na ang ulo ko sa balikat niya. Nagtataka pa ako kung bakit madilim ang paligid. Iyon pala ay nakasuot ako ng shades niya. Tinanggal ko iyon at mataman na naman niya akong tiningnan.
“Bakit suot ko na ‘yan?” naguguluhan kong tanong sa kanya at ibinigay ko sa kanya ang shades niya. Ilang segundo pa ang pinalipas niya saka siya sumagot.
“Tumatama sa ‘yo ang sikat ng araw kanina kaya pinasuot ko na ‘yan sa ‘yo,” kaswal na sabi niya lang. Kanina pa pala nakahinto ang bus at parang kami na lamang ang natira. “Nasa school tayo,” sabi niya at tumayo na.
Inayos ko pa ang nagulo kong buhok. I was about to carry my luggage nang mabilis na kinuha iyon ni Rykiel at walang salitang namutawi sa bibig niya na bumaba na rin. Nagmamadali naman akong sumunod sa kanya.
Hinintay pa niya ako sa tapat ng pintuan ng bus. Pinasadahan ko nang tingin ang buong paligid. Nasa school nga kami. Pero nasaan na ang mga kasama namin?
“Mom? Over here!” Napalingon ako sa kinaroroonan ng boses na iyon. I smiled when I saw my son.
Nasa kabilang kanto sila at may van na naka-park sa gilid nila. Lumapit ako roon at hayan na naman si Rykiel. Sumunod na naman siya sa akin.
“Coffee, Mom.” Kinuha ko ang coffee sa kamay ni Khai.
“Thank you, baby,” nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya.
“Kuya, mauna na ako,” paalam ni Rykiel dahilan na napalingon ako sa kanya. Parang nagmamadali pa siyang umalis, base lang sa tono ng boses niya.
“Ha? Sabay na tayo. Ihahatid pa natin sina Ryx at ang Mommy niya,” ani Ryle.
“Sasakay na lamang ako ng taxi at kayo na lang ang naghatid sa kanila,” walang emosyon na sabi niya. Ibinaba niya lang sa tabi ko ang bagahe ko saka siya naglakad palayo.
May pinindot naman si Ryle sa phone niya at mukhang may tinatawagan siya.
“Sundan niyo na lang ang kapatid ko,” sabi ni Ryle. Siguro iyong mga bodyguard nila ang tinatawagan niya ngayon.
Wala sa sariling napatingin ako kay Rykiel na pumapara na ngayon ng taxi at sumakay na nang hindi kami nililingon.
“Mauuna na rin kami, Ryle. Ms. Jessel,” paalam naman ni Levianna sa amin.
“Mag-iingat kayo,” sabi ko sa kanilang dalawa at kumaway lang sa akin si Cevianna.
Kami na lamang ang natira dito at pati si Khai ay nagtataka sa inasal ng daddy niya.
“What happened, Coach Ryle?” my son asked him.
“Badtrip yata siya pero ayos lang iyon. Tara na, ihahatid na namin kayo sa condo niyo.” Hinatid na nga nila kami at binigyan pa ng rest day ang mga bata bago sila pinabalik sa school nila.
***
Tatlong araw ang nakalipas at hindi ko na rin nakita pa si Rykiel. Baka natauhan na iyon. Baka sinunod na niya ang sinabi ko sa kanya na kailangan na niyang mag-move on sa past niya.
And that day ay nagkita kami ng best friend kong si Zinky Kaye. Hindi niya kasama ang bunso niyang anak dahil day off daw ng asawa niya kaya inalagaan na lang no’n sa mansion nila.
Ang dami kong naikuwento kay Zinky at muntik pa siyang hindi makahinga nang marinig na parang may nararamdaman sa akin si Rykiel. Dahil iyon sa pinagsasabi niya sa akin noon.
“Baka totoo talaga ang kasabihan na kahit ka man naalala ng isip ko, ay ang puso ko ang makakaalala sa ‘yo,” nakangiting sabi pa niya at pinanlakihan pa ako ng mga mata.
“Walang ganoon, Z. At hindi ko na dapat pang problemahin si Rykiel dahil si Arzeil ang nanliligaw sa akin,” sabi ko at sumimsim ako ng oranges juice ko.
“Hindi ba ang sabi ng ex-hubby mo na ang problema mo ay kung paano mo siya susuklian ng hindi mo siya nire-reject,” nakangising sabi pa niya.
“Z, walang ganoon nga. Tigilan mo ako,” sabi ko sa kanya at inirapan ko pa siya.
“To be honest ay hindi ko talaga naiintindihan ‘yang daddy ni Alkhairo,” sabi niya na bahagya ko pang tinapik ang bibig niya.
“Watch your mouth,” sabi ko.
“I didn't mention any name naman. So, safe ka pa,” she said at kinindatan pa ako. “But seriously? Parang kawawa sa parteng iyon si Rykiel, J. Pinili niya ang probinsyang iyon dahil akala niya sa pamamagitan no’n ay may maaalala na siya pero walang nangyari. Nabigo siya. Sa tingin ko, baka ikaw ang susi para makaalala na siya,” aniya. She rested her elbow against the table and she stared at me, intently.
“Don’t look at me like that, Z. Paano ako nagiging susi kung ako naman pala ang nagti-trigger sa past niya? Sa trauma niya? Baka mas mapapahamak siya sa akin,” natatawang sabi ko.
“Diyan ka nagkakamali, best friend. Kung ikaw nga ang nagti-trigger sa trauma niya, meaning to say ay may naaalala siya. Alam mo ba ang mabisang paraan kung paano makaalala ang isang tao na nawalan din ng alaala?” tanong niya at kumunot naman ang noo ko.
“Huwag mo akong gamitan ng pagkabaliw mo,” nagbibirong sabi ko. Psychology doctor ang asawa niya at alam ko na may iilan siyang natutunan dito.
“Makinig ka sa akin, J. Hindi gagaling ang isang taong may amnesia kung hahayaan mo na lamang siyang makalimot. Kahit sasabihin mo pa na para naman iyon sa kapakanan niya ay hindi rin puwede. Minsan ang mga psychologist doctor ay ginagamitan nila ng hypnosis ang mga pasyente nila. Maaaring bibigyan nila ng pekeng alaala o kaya naman paniniwalaan nila sa kasinungalingan na ang mga eksenang nakikita nila ay gawa-gawa lang ng sarili nilang pag-iisip at imahinasyon lamang pero minsan ay totoong nangyari na iyon sa kanila. Hindi mabuti para sa kanila ang gamitan ng mga iyon dahil minsan din ay hindi na bumabalik sa kanila ang mga alaala pero depende rin,” mahabang paliwanag niya. Naiintindihan ko ang sinabi niya.
“Gagawin talaga iyon ng pamilya niya dahil sa trauma niya, Z.”
“Siya na mismo ang gumagawa ng paraan para makaalala, J. Sa kondisyon niya, may mga naaalala siya pero sinasabi ng kanyang doctor na imahinasyon lamang ang mga iyon. Sabihan mo si Rykiel na kung gusto niyang makaalala agad, he need to trigger his trauma, para maalala niya ang nakaraan,” seryosong sabi niya.
“That’t very impossible, Z,” umiiling na sabi ko.
“No, J. Fight your weakness, fight your trauma. Kung magagawa mo iyon ay hindi ka mahihirapan sa alalahanin ang mga nakaraan mo. That's it.”
“Nahihimatay nga siya pagkatapos no’n, Z. Napakaimposible talaga ang bagay na ‘yan.”
“That’s my point. To remember his past, he needs to fight his weakness,” giit pa niya.
“Ms. Jessel.” Napalingon ako kay Fred nang bigla na lamang siyang lumapit sa amin.
“What is it Fred?” I asked him. Bakit mukhang kinakabahan siya? May nangyari ba? Parang hindi siya napapakali. “May problema po ba, Fred?” I asked him again.
“Si Sir Alkhairo po, Miss Jessel ay nawawala,” sabi niya at parang umikot ang paningin ko.