Chapter 8: His name
HINATID pa ako ni Arzeil sa suite ko kahit alam naman niya na kasama ko ang bodyguards ko. Before he said goodnight to me, he even kissed my cheek.
Naiwan namin sina Rykiel and Chrysler dahil mukhang hindi pa sila inaantok.
Sa dami ng iniisip ko nang gabing iyon ay nakatulog naman ako ng maayos. Maaga pa rin akong gumising kinabukasan at sa hindi malaman na dahilan ay una kong tinungo ang terrace at napatingin ako sa nakasaradong sliding door sa kabila.
What a coincidence. Dito pa talaga kami nagkita at magkatabi lang ang suite namin pero...uuwi rin naman ako sa Manila. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot sa malaman na... hindi ko na naman siya makikita pa?
O kaya naman sa susunod naming pagkikita ay makikita ko na rin ang isang bagay na nagpapatunay na kasal na siya. Hihintayin ko na lang talaga iyon.
Pinilig ko ang ulo ko dahil sa kahibangan na naisip ko. I took a deep breath.
Sa tahimik na pamamalagi ko sa terrace, hinayaan ko ang sarili ko na yumakap sa aking katawan ang malamig na paghampas ng hangin sa balat ko at bahagya ng nakasilip si haring araw. Ang ganda niyang tanawin.
Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay narinig ko naman ang boses ni Rykiel. Napatingin ako sa side nito.
Nakatayo siya hindi kalayuan sa puwesto ko. Puting shirt ang kanyang suot at magulo ang buhok pero sanay na akong makita siyang sa ganoon na ayos. Hindi ko nga lang nasundan pa ng ilang taon dahil sa paghihiwalay namin.
Wala na namang emosyon ang mukha niya at blangko ang malamig na malamig niyang mga mata. Ganito pa rin naman siya noon.
"Ibalik mo na sa akin ang cup ko." Nabigla ako sa sinabi niya. Parang iyon lang? Gusto na niyang kunin agad sa akin?
"Uhm, wait lang," sabi ko at mabilis na kumilos ako.
Dumiretso ako sa hotel room ko at nasa bedside table lamang ang cup na naglalaman pa kagabi ng kape pero naubos ko na. Nahugasan ko na rin ito kaya hindi na nakahihiya na ibalik sa kanya dahil malinis na siya.
Bumalik ako sa terrace at hinawi ko pa ang mahaba kong buhok dahil nililipad ito ng hangin.
"Here. Again, thank you for the coffee," nakangiting sabi ko kahit sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil parang pati kaluluwa ko ay kanya nang nakikita. Ganito talaga siya makatitig noon pa man.
Kinuha naman niya iyon mula sa akin ng hindi siya nahihirapan na abutin ang kamay ko. Pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at panibagong cup of coffee na naman ang ibinigay niya sa akin. Nanginig ang mga kamay ko dahil sa gulat at sa nararamdaman kong kamay niyang humawak sa akin.
Nahihiyang ngumiti na lamang ako sa kanya at katulad ng nakagawian ay inilapit ko iyon sa ilong ko at inamoy ang mabangong aroma ng kape.
"Thank you."
"May kapalit 'yan," sabi niya at natigil ang balak ko sanang pagsimsim nito. B-Bakit naman may kapalit? Akala ko ba libre ito?
"Ha?" gulat na sambit ko.
"May kapalit 'yan," pag-uulit niya sa kanyang sinabi.
"A-Ano naman iyon?"
"I want his name... Gusto kong malaman ang pangalan ng lalaking iyon."
Tingnan mo nga naman ang tadhana... sadyang mapaglaro. Hanggang ngayon ay mahilig pa rin Siyang maglaro at kami na naman ang napagdiskitahan niya.
Dati, may kapalit din ang paghahatid niya sa akin sa talon kahit na siya dapat ang humiling noon at ang pangalan niya ang gusto kong malaman sa mga panahon na iyon.
***
"Good morning, sweetheart," malambing na bati sa akin ni Grandma nang magising ako kinabukasan.
Nadaanan ko kasi ang kuwarto niya at 'saktong palabas na rin siya. Ang makapal na pantulog niya lang ang suot niya. Halatang kagigising pa lamang niya pero maayos ng nakasuklay ang buhok niya.
"Good morning po, Grandma," nakangiting bati ko rin sa kanya pabalik at humalik sa pisngi niya.
"How's your sleep last night?" she asked me at nakayakap na sa braso ko ang kamay niya habang pababa na kami ng hagdanan. Hindi ako sigurado kung ilang floor itong hacienda ng lola ko. Sa laki at taas ba naman nito.
"Better, Grandma. Thank you pala sa pagbibigay mo sa akin ng sarili kong silid sa hacienda niyo and I love the way you organized my things inside the room and my walk-in closet. Kuhang-kuha mo po ang size ko at iyong style ko," malambing na sabi ko rin at hindi mabura-bura ang ngiti ko sa labi. I'm so happy kaya dahil nag-effort ang strict kong lola. Kahit na hindi siya pabor noon sa Mommy ko.
Hindi ko alam kung may mali ba sinabi ko dahil nagsalubong ang kilay niya. Ano kaya ang nasabi ko?
"Dear, of course. Magkakaroon ka talaga ng sarili mong kuwarto sa hacienda because you are my only granddaughter and bedsides, this is your hacienda too. Someday, mamanahin mo itong hacienda natin. Your dad is about to retire. So, we'd expect you to handle this... everything he have and mine, also." Nalula ako sa sinabi ni Grandma na ako ang magmamana ng hacienda nila.
Oh, I forgot talaga na only child din ako kaya expected ko na rin na ako ang magmamana ng lahat. Kahit na feeling ko ay hindi pa ako ready but I will try naman. Basta no pressure.
Pagdating namin sa malaking living room ni Grandma ay nadatnan namin si Dad na nakaupo sa single sofa na nakadikuwatro at may binabasa na magazine. Nasa center table nito ang phone niya at laptop. Maaga rin pala siyang nagising.
Nang mapansin niya ang presensiya namin ay nag-angat siya ng tingin at napangiti nang makita kami. Tumayo pa si Daddy para salubungin niya kaming dalawa.
"Good morning, Mama... Good morning, anak," bati niya sa amin na may kasama pang paghalik sa pisngi.
Magkatabi kaming umupo sa mahabang sofa ng abuela ko habang nakikipagkuwentuhan kami kasama si Dad. Ilang minuto ang tinagal naming tatlo at magalang na lumapit pa sa amin ang isang kasambahay. Sinabing handa na raw ang breakfast namin.
Masaya naman kaming kumain ng agahan namin at pagkatapos no'n ay bumalik ako sa kuwarto ko para makaligo na rin. Nag-promise si Grandma sa akin na ipapasama niya ako sa mga tauhan niya para makapasyal na sa talon.
White spaghetti strap sando ang suot ko at light brown na short shorts. Pinili kong suotin ito dahil may balak akong maligo sa talon. Iyong suot ko na binili ni Grandma ay nagkasya sa akin at may cute rin na sandal kaya iyon din ang sinuot kong panyapak.
Tuwang-tuwa namang makita ako ng lola ko at napapalakpak pa siya.
"You're beautiful, sweetheart. Manang-mana ka sa Grandma mo," sabi niya sa akin at napahalakhak naman si Dad. "But I want you to change. Kahit gusto kong makita kang ganyan, ka-sexy but still no for me... Go back to your room, dear and change your cloth. Wear something comfortable ng hindi ka mabilis na pansinin ng mga tao. For your own safety," strict na sabi niya.
Napakamot ako sa buhok kong hindi ko pinusod dahil basa pa ito. Na-excite ako kaya hindi na rin ako nag-abala pa na magpatuyo ng buhok.
In the end, I wore my baby blue shirt and a dark loose pants. Paglabas ko mula sa kuwarto ko ay pinusod pa ni Grandma ang buhok ko para hindi raw sagabal at baka liparin daw ng hangin.
"Hindi pala puwede si Albeo dahil sasamahan ka niya sa ricemill, son," ani Grandma sa Daddy ko. Napatango naman ito. "Hindi puwedeng babae ang kasama mo, sweetheart. Pero magandang idea sana iyon but no... Ang batang si Barjo, pakitawag nga siya. Hindi ako mababahala sa batang iyon," makahulugang sabi niya.
Akala ko isang bata talaga ang ipapasama sa akin ng lola ko dahil sa sinabi niyang batang Barjo at iyon pala ay ang teenager na nakita ko kahapon.
Brown shirt ang suot niya at loose pants na kulay black naman. Suot niya rin ang black boots niya.
Sa pagiging malapit ko sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang physical appearance niya.
Itim na itim ang magulo niyang buhok at ang iilan na hibla nito ay nasa noo niya. Makapal ang kilay niya at ang hahaba rin ng pilikmata niya, may pagkalantik din ang mga ito. Malamig ang kulay tsokolate niyang mga mata na napaka-impressive. Nakakikilabot ang paraan ng pagtitig niya.
Tama nga ako. Guwapong-guwapo siya sa malapitan. Marami na akong nakitang guwapong lalaki sa university namin at iilan na mga artista at model din ang nakasalamuha ko pero may hihigit pa pala sa facial appearance ng mga ito. Ngayon ko lang napatunayan sa sarili ko na may mas guwapo pa pala sa mga lalaking nakilala ko na at parang kaharap ko lang ang isang anghel.
Batang-bata nga siya dahil sigurado akong may magbabago pa sa kanya, sa built niya at maging ang height niya.
"Hijo, this is my only granddaughter, Jessel. Call her Señorita Jessel. Please take care of her. Samahan mo siya sa talon at hindi kayo magtatagal doon. Before lunch ay dapat nasa hacienda na kayo pareho, maliwanag?" sabi ni Grandma sa kanya. Ang strict niya talaga.
Napasulyap pa sa akin ang lalaki at sa hindi malaman na dahilan ay bigla akong kinabahan. Wala kasing ekspresyon ang guwapo niyang mukha at nanatiling malamig pa rin ang mga mata niya.
"Masusunod po, Donya Jessebelle," magalang na sabi nito. Tumayo yata ang balahibo ko sa batok dahil maging ang kanyang boses ay kasing lamig din ng yelo.
"Enjoy sweetheart." Nagpaalam din ako kay Dad at humalik pa sa tuktok ng ulo ko.
Alam kong maiilang lang ako sa kanya o baka siya rin kaya I tried to talk him sana.
"I'm Jessel. Just call me by my name instead of Señorita--"
"Señorita." Nagulat ako dahil sa pagputol niya sa akin at tinawag nga niya akong Señorita. Hindi ako sanay na tawagin sa ganoon pero bakit wala na akong balak na suwayin pa siya at hayaan na lamang na tawagin niya akong Señorita?
"W-Why?" nauutal na tanong ko at napahawak pa ako sa dibdib ko para pakalmahin ang nagwawala kong puso.
"Tara na," tipid na sabi niya lang at naunang naglakad.
Ang akala ko ay gagamitin namin ang kabayo pero hindi pala. Maglalakad lang kami. Hindi naman ako magrereklamo pa. Exercise na rin ito for me.
Ilang minuto ang nakalipas at kasalukuyan pa kaming naglakad. Siya ang nangunguna since alam niya kung saan ang talon kaya nanatili naman ako sa likuran niya.
Napakatahimik naman pala niya at mukhang snob siya.
"May kapalit pala ang pagsama mo sa akin ngayon," sabi ko out of nowhere. Dahilan na napahinto siya at napatitig sa akin. Ang hirap niyang basahin kaya hindi ko alam kung interesado ba siyang malaman ang hinihiling kong kapalit.
"Ano?" Pero nagtanong pa rin siya. Kaya baka interesado rin siya.
"Ano pala ang pangalan mo? It's not fair naman kasi kung pangalan ko lang ang--hey wait up!" sigaw ko dahil tinalikuran niya ako at malalaki ang mga hakbang na nagpatuloy siya sa paglalakad. Iiwan pa niya yata ako!
Tama nga ang isang tauhan ng Grandma ko dahil masukal sa lugar na dinadaanan namin ngayon. Maraming bato at madulas iyon dahil sa lumot. Iilan doon ay matutulis din siya.
Halos maiyak ako sa takot na maapakan ko ang madulas na bato at naka-survive naman ako. Pangalawang dadaanan namin ang putikan.
Hindi ako pinapansin ng teenager pero ngayon ay nasa likuran ko na siya at parang naghahanda lang siya na saluhin ako kung mawawalan ako ng balanse. O baka assuming lang ako.
Bago namin narating ang talon ay nabasa ng pawis ko ang suot kong shirt. Kahit umagang-umaga pa pinagpawisan na ako. Para lang akong nag-work out sa gym.
"Rykiel... Rykiel Eryx Barjo ang pangalan ko..." Saglit nawala ako sa sarili.