CHAPTER 24

2565 Words
Chapter 24: Rights & Warning "ANG anak mo, Miss Jessel. Gusto kong makuha ang anak mo..." seryosong sabi niya. It was as if the world stopped spinning for a moment, even around me and the only thing I could see moving was Mr. Barjo at ang paulit-ulit na pagbigkas niya ng mga katagang iyon ang naririnig ko, ang paggalaw ng mga labi niya na tila bumabagal pa. Sumabay sa mabilis na pagtibok ang puso ko at namanhid din ang aking buong katawan. Para akong hinampas ng latigo mula sa likod dahil ramdam ko ang pamimigat ng katawan ko. What he said was like a bomb that exploded in my head. Binitawan ko ang hawak kong tea at ibinaba ang palad ko sa ilalim ng mesa, nakapatong sa dalawang hita ko at unti-unti itong kumuyom ng sobrang higpit. Pakiramdam ko ay mapipigtas ang ugat sa aking kamao. Nawala ang emosyon sa mukha ko at blangkong tiningnan ko lang siya. Nangangati ang kamay ko na hablutin ang tea ko at ibuhos ito sa pagmumukha niya. Wala akong pakialam kahit sobrang init nito at mapaso pa siya. He deserve it. Ang kapal ng mukha niya para hilingin iyon sa akin. Ang kapal ng mukha niya na akala mo naman ay isang bagay lang ang hinihingi niya sa akin. Sobrang kapal ng pagmumukha niya. "Hindi isang bagay ang anak ko, Mr. Barjo, para lamang ibigay ko siya sa `yo. Kung makahingi ka ng gusto mo ay akala mo naman isang laruan lamang sa `yo," malamig na sabi ko sa kanya at hindi nawala sa labi niya ang nakakairita niyang ngisi. Ano ang pumasok sa kukote niya at gagawin pa niyang isang kabayaran ang anak ko para sa hustisyang gusto niyang makuha? Sobrang kapal ng mukha niya. Alam kong may masama na siyang binabalak at sinusubukan niya rin ako kung ano ang magiging reaksyon ko kapag si Alkhairo na ang pag-uusapan namin. Alam kong sa puntong iyon ay malalaman na niya kung ano ang kahinaan ko. Diyan tumitingin ang mga kalaban. Tinitingnan nila kung ano ang kahinaan ng kaaway nila para alam din nila kung paano nila ito matatalo pero hindi niya ako maloloko. Hindi niya ako madadala sa takot dahil lang sa ginawa ni Grandma noon. That will not be the reason for me to give up my son to him. He has no right. He has no right to claim my son either. "He is also my grandson, hija. I have rights," he said as if he had just told the truth. Oh, yeah... Gusto kong ngumisi sa sinabi niyang iyon. Apo mo? Natatawag mo pa ring apo mo si Khai na kung makatrato ka ay parang isang walang kuwentang bagay lang siya. Dahil lang sa sinabi niya ay wala na siyang karapatan dito. "Kung ganoon, alam mo pala talaga kung sino si Alkhairo pero pinipilit niyo sa sarili niyo na siya ang nawawala mong anak? O kaya naman pinapaniwala mo lang ang mga anak mo sa kasinungalingan na ikaw mismo ang may gawa, Mr. Barjo," seryosong sabi ko. "Baka wala ka ng nawawalang anak ayon din sa paniniwala ng mga anak mo. Ang sama mo sa puntong iyon," dagdag ko pa. "Because I don't want Eryx to know about the fact that he has a child with the granddaughter of the one who harmed him before, which almost killed him. Mas mabuting paniwalaan na lamang niya na kapatid niya ang bata at hindi niya ito anak. Alam ko na may nararamdaman na ring lukso ng dugo si Eryx sa bata pero iisipin pa rin niya na kapatid niya ito," malamig pa ring saad niya. Lukso ng dugo... Kaya naman pala ganoon palagi ang hitsura niya sa tuwing tinitingnan niya si Khai. Dahil lang sa nararamdaman niyang lukso ng dugo? "Gusto mo makuha ang hustisya para sa iyong anak? Gagawin mong kapalit ang anak ko? Ang kapal ng mukha mo, Mr. Barjo. Sa tingin mo makukuha mo ako sa ganyang salita, pananakot mo? Hustisya kapalit ng sarili mong apo? Saan mo nakuha ang lakas ng loob mo tawagin na apo mo si Alkhairo? Sa mukha mong makapal? Wala kang karapatan sa anak ko, kahit ikaw pa ang lolo niya ay hinding-hindi ko ibibigay sa `yo ang karapatan na kilalanin niyang lolo," sabi ko na walang kaemo-emosyon. Humigpit lang ang pagkuyom ng kamao ko dahil sa mahihina niyang paghalakhak. Iyong tipong tawa na walang makakaisip na isang insulto lamang iyon. Na akala mo ay may pinag-usapan kami na nakatutuwang bagay. Kaya siya tumatawa ngayon. Mapagpanggap talaga ang matandang ito. Parang gusto ko rin siyang sakalin sa leeg. "Lumalabas ang totoo nating pag-uugali, Ms. Jessel? It seems that people mistakenly believe that you are kind because deep down you are hiding something stinky," nanunuyang sambit niya sa akin. Baka ang sarili niya ang tinutukoy niya? "Lalo na ho kapag kaharap ko ang mga taong katulad mo na mas malansa pa sa isang isda. Talagang lalabas ang totoong buntot ko," gatong ko sa kanya na mas ikinalakas nang tawa niya. Tuwang-tuwang talaga siya, ha. Tingnan natin kung mas matutuwa ka pa sa susunod kong gagawin kapag hindi ko na magustuhan ang pinagsasabi mo. Napapansin na rin siya ng mga customer sa loob dahil sa malakas na pagtawa niya at hindi ko na binigyan pang pansin ang dalawang pares ng mga mata ng isang tao, na kanina pang nagmamasid sa akin. Alam kong pati siya ay nagtataka na rin sa inaasta ng tatay niyang sobrang kapal ng mukha. Parang baliw na kung makatawa ay dinaig pa ang kalalabas niya lang mula sa mental hospital. "What will my son's reaction be when he finds out about your behavior? Then he will find out that you are his ex-wife? The granddaughter of a criminal? Pero siyempre hindi na niya malalaman pa iyon, pasalamat ka. Gagawin ko ang lahat huwag niya lang malaman iyon, Ms. Jessel. Kaya huwag kang magkakamaling sabihin ang tungkol sa bagay na iyon na isa pa...there's no evidence that you were married before. My son only took you to church, but your marriage wasn't even registered in the place where you got married. So no one will know about that," mahabang saad niya. "Mabuti naman po nalaman niyo ang tungkol doon, kung alam mong wala palang ebidensya pero heto alam na alam mo pala. Pinapahanga mo talaga ako, Mr. Barjo. Napakagaling ng nakuha mong imbistigador para makakalap ng impormasyon na walang ebidensya," laban ko sa kanya and this time ay hindi na ako nagpatalo pa. I grinned as I slowly laughed. Alam kong ako na naman ang pagtitinginan ng mga tao pero wala na akong pakialam pa roon. Nakakatuwa kapag siya na ang inaasar at hindi na agad mapinta ang mukha niya. Nawala ang kanyang nakakaasar na ngisi at mariin na nakatiklop na lamang iyon. Mas lumakas ang tawa ko dahil sa naging reaction niya. "We didn't get our marriage registered because we were too busy with ourselves and we forgot that important thing. I can feel your anger towards me, Mr. Barjo. You're doing this to get my son... Tinatakot mo ako dahil din sa sarili mong anak? Katakot-takot ba ang anak mo, Mr. Barjo? O ikaw mismo ang matatakot sa kanya kapag nalaman niya ang tungkol kay Alkhairo? Sa akin? Sa paniniwalang may anak ka pa? Pinapalabas mo lamang iyon dahil sasabihin mo sa kanila na nasa amin ang bastardo mong anak," nanghahamon na sabi ko sa kanya. Alam kong nawalan na ako ng respeto sa kanya kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumbatan siya. Siya man ang ama ni Rykiel ay wala na akong pakialam pa roon. Siya ang nagsimula sa kabaliwan niyang ito kaya tama lang na pagsabihan siya ng maaanghang na salita. Dahil bagay naman sa kanya. Nagsimulang naglumikot ang mga mata niya at wala sa sariling napainom siya sa kanyang kape. Kabadong-kabado dahil mukhang natuldukan ko ang kasinungalingan niya. Pero maya-maya lang ay nagsalita ulit siya. Ayaw talagang magpatalo. "You know, Ms. Jessel. I can file a case against your family, especially your late grandmother just so I can get the justice that I should have gotten a long time ago but I missed that thing... Dahil baka maaalala ka pa ng anak ko kaya ilalayo ko muna siya sa bansang ito." Hustisya... Nakaraan... Wala na talaga siyang maisip na ibang sasabihin ay iyon lang? Ginagamit niya sa akin ang nangyari sa anak niya para talagang matakot ako sa kanya? Para ano? Para magkukusang loob ako na ibigay ko sa kanya ang anak ko? No way in hell, magkakamatayan lang ang buo naming pamilya ay hinding-hindi niya makukuha sa akin ang anak ko. Hinding-hindi. Dadaan pa siya sa bangkay ko so that he can win his evil plan. Akala niya rin ay makukuha niya ang anak ko, eh hindi no'n magagawa ang iwanan ako. "It was 12 years ago, do you think you can still file a case against our family? Well, at first you didn't really do it just because you thought your son would remember me? May pagkakataon ka na sana na buksan sana ang kasong kinababaliwan mo pero sinayang mo laman iyon," malamig na saad ko sa kanya at sumimsim na ako ng tea ko. "There is nothing difficult about money, hija. Just use your money for what you want to get and you can do what you want," he said with great confidence. It's obvious he's already doing it. Sanay na siya sa nakukuha lang talaga sa pera. "You're right, there's nothing difficult about money, but remember that you can't get all the things you want with money alone... Minsan, hindi mapapakinabangan ang pera natin dahil hindi lahat ng tao, ng bagay, ng gusto mo ay makukuha mo sa pera lang... Huwag mong sabihin sa akin na gumagamit ka rin ng pera para sa kinakatayuan mo ngayon?" nanunuyang tanong ko. "Masyadong napapalayo ang pinag-uusapan natin, hija. You know what, mas maganda ang magiging buhay ng apo ko kapag nasa poder ko siya... Si Eryx, puwede siyang tratuhin na parang tunay na nakababatang kapatid." Bumalik ang inis ko sa kanya dahil sa sinasabi na naman niya. "Kahit wala siya sa poder niyo ay maganda naman ang buhay niya, Mr. Barjo. Kayang-kaya kong buhayin ang anak ko. Kayang-kaya niyang mabuhay na walang gulo sa paligid niya," sabi ko sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Kahit na tinatakot pa niya ako. "Don't make this hard, hija. Just give me my grandson and I won't ruin the name of your late grandmother and no one will know what she did to the innocent child. Ayaw mo naman siguro na magkaroon ng masamang reputasyon ang lola mo, hindi ba? Especially since she's no longer in this world--that it's only right for her to die, because she's just a criminal, a scourge on society." What he said is that I lost myself even more. Napuno ang galit at inis kong nararamdaman sa dibdib kanina pa kaya ang binalak ko na buhusan siya ng iniinom kong tea ay hindi ako nagdalawang isip na gawin iyon sa kanya. Tumayo ako at mabilis kong kinuha ang baso saka ko itinapon ang laman nito sa mukha niya. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang mariin na pagpikit niya at pagpigil niya sa sariling magalit din sa aking ginawa. "Pasalamat ka at medyo lumalamig na `yan, Mr. Barjo. Kaya hindi ka manghihiram ng mukha ng aso," walang emosyon na asik ko sa kanya pero bahagyang nakaangat pataas ang sulok ng labi ko dahil sa multong ngisi. Hindi lang naman ang mukha niya ang natapunan dahil pati ang suot niyang mamahalin na coat ay nabasa na rin. Marahas siyang tumayo at napahilamos sa mukha niya. Pagkatapos no'n ay nanlilisik ang mga mata niyang tiningnan ako. Hindi ako natakot sa pinapakita niyang emosyon ngayon. Mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya kaysa sa takot. Handa akong makatanggap ng sampal mula sa kanya, sa mga oras na iyon dahil iyon mismo sana ang gagawin niya dahil akma na siyang lalapit sa akin pero bigla ay may pumagitna sa amin, or rather say na may humarang at parang itinatago ako mula kay Mr. Barjo. Ang akala ko noong una ay ang mga bodyguard ko iyon pero hindi. "What are you doing, son? Umalis ka riyan," narinig kong sabi nito sa kanyang anak. Napatitig na lamang tuloy ako sa malapad niyang likod at talagang siya pa ang humaharang. May mga naririnig na rin ako na mabibilis na yabag na tila ba may gusto na ring umalis sa lugar na ito dahil sa commotion, na inaamin ko na ako ang nagsimula dahil kalmado lang naman ang pag-uusap namin kanina pero napigtas ang kaunting pasensiya ko sa matandang ito. Napaatras si Rykiel at muntik na akong mawalan ng balanse, dahil napaatras din naman ako. High heels pa naman ang suot ko ngayon kung hindi lang mabilis na nahila niya ako sa siko ko at inayos ang balanse ko. "Are you okay?" tanong nito at bakit mukhang nag-aalala pa siya ngayon sa akin? Sa halip na kampihan niya ang tatay niyang makapal ang pagmumukha, na akala mo ay kaya niyang pasunurin sa kanya ang mga tao dahil lang sa pera niya. "Rykiel Eryx," walang bahid na emosyon na sambit nito sa pangalan ni Rykiel. Nanlaki ang mga mata ko dahilan dumikit ang pisngi ko sa likod niya, hindi niya rin tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ko at parang pinoprotektahan niya ako laban sa tatay niya. Baliw na ba siya? Bakit niya ginagawa ito? "I thought you were going to talk to her properly, Dad? What is it?" malamig na tanong niya sa kanyang ama. "What the hell are you doing, Eryx? Bakit parang kinakampihan mo ang babaeng `yan? Umalis ka riyan." "Dad, hindi ko siya dinala sa inyo para insultuhin niyo lang siya. What's your problem, Dad? Why are you treating her like this? You should be kind to her." Teka lang, ha. Bakit yata nilalabanan niya ngayon ang daddy niya? Anong nangyayari sa isang ito? At bakit ba hinaharangan niya ako? Bakit hindi siya magpunta sa side nito at ako ang nilalapitan niya? Seriously?! "Huwag mo siyang kampihan, Eryx. Tandaan mo na sa kanila ang kapatid mo," sabi nito at gusto ko siyang sampalin! Tinulak ko si Rykiel pero hindi man lang siya nagpatinag at mahigpit pa rin ang paghawak niya sa kamay ko pero sa paraan na hindi ako masasaktan. "Stop it..." mahinang suway nito sa akin nang bahagya niya akong tinapunan ng tingin ay inirapan ko siya. Nagtaas pa siya ng kilay na wari ba ay hindi siya makapaniwala na ginawa ko iyon sa kanya. "Don't touch me, dapat nasa side ka ngayon ng tatay mo na kasing kapal ng libro ang pagmumukha niya," diretsong saad ko at napakunot ang kanyang noo. "What? Umalis ka riyan!" sigaw ko pa at nagpumiglas ako. Binitawan naman niya ako. Pinagpagan ko pa ang siko ko at mas naging blangko lang ang emosyon niya. "Dad, pinag-usapan na natin ito nina Kuya, right? Na kakausapin natin sila ng maayos para maiwasan natin ang ganitong..." sabi niya at sinadya niyang hindi tapusin ang mga katagang iyon. Nang sulyapan ko si Sabel ay nagmamadali na siyang lumapit sa direksyon ko at naging alerto na ang bodyguards ko. Malutong na napamura si Rykiel dahil malakas siyang natabig ng isa sa bodyguard ko. Isa-isa na ring sumulpot ang mga tauhan nila na wala akong idea na kasa-kasama na pala nila at ngayon lang talaga lumabas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD