Chapter 16: Traumatized
"T-TAMA na... Tama na... T-Tama n-na po... Ibabalik ko na... I-Ibabalik ko na sa inyo ang asawa ko... T-Tama na po... H-Hindi ako lalaban..."
"R-Rykiel..." sambit ko sa pangalan niya. Nanginig ang boses ko. Natatakot sa nangyayari sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung paano ko siya hahawakan.
Ibang-iba siya ngayon. Parang bumalik siya sa pagkabata at takot na takot. Sumikip na naman ang dibdib ko nang makita ang reaksyon niya.
"R-Ry..." I tried to touch his arms pero mabilis siyang umiwas. Sumiksik sa pader at tinakpan ng isa niyang braso sa kanyang mata.
"T-Tama na! T-Tama n-na po! H-Hindi ko... H-Hindi ko sinasadya..." paulit-ulit na sambit niya. Umawang ang labi ko sa gulat.
Nanginginig siya sa takot kaya ayaw niyang magpahawak sa kahit sino man. Ang trash bin na nasa tabi niya ay halos yakapin na rin niya para lamang walang makalapit sa kanya.
Oh, God... What h-happened? What happened to you, Rykiel?
"Rykiel..." I called his name at lumuhod ako sa harapan niya. Hinila ko ang laylayan ng coat niya at agad siyang nagpumiglas.
"Patawad... P-Patawad ho... P-Patawad ho kung m-minahal ko si...El... I-Ibabalik ko po s-siya sa inyo... I-Ibabalik ko po siya kahit... h-hindi ko kaya... M-Mahal ko po siya... M-Mahal ko po siya..." Kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig kong mga katagang lumabas mula sa bibig niya.
El... Iyon ang tawag niya sa akin... Iyon ang ibinigay niya sa akin na nickname bago pa man kaming ikasal. I missed that...
May k-kinalaman ba rito ang parents ko? May ginawa ba sila kay Rykiel kaya siya nagkakaganito? Kasi iyong naaalala niya...ay ang nakaraan nito.
Ano? Ano ang ginawa nila? Ano ang nangyari sa kanya pagkatapos naming maghiwalay?
"Rykiel... Rykiel..."
"A-Ayoko na po... A-Ayoko na..."
Kahit todo iwas siya sa akin ay buong puwersa kong hinila ang kamay niya at mabilis kong kinulong ang magkabilang pisngi niya.
"Rykiel... Rykeil, ako ito... Please, c-calm down. Huwag kang ganyan..." pagpapakalma ko sa kanya pero ang malakas na pag-iyak at sigaw niya lang ang maririnig sa loob ng comfort room. Hindi na ako magtataka kung may mga tao na ang makaririnig sa kanya.
"Stay at the door!" sigaw ko sa team nina Fred na tahimik lang nanonood sa amin. Ayokong may iba pang makakakita sa amin. Sa dami ng mga bisita sa event...
Nagmulat ng mga mata si Rykiel. Punong-puno ng mga luha ang pisngi niya. Parang ilang segundo siyang natigilan at nakipagtitigan sa akin.
"A-Ano'ng nangyari, Rykiel? Are you alright, hmm?" may lambing na tanong ko sa kanya. "Sino'ng may gawa nito sa `yo? S-Sino?" naiiyak na tanong ko sa kanya.
Iyong mga mata niya. Makikitaan ng takot at kaba pero biglang naging blangko iyon. Hindi ko mabasa dahil ang hirap tukuyin kung ano ang emosyon na iyon obñ sadyang wala talaga. Sa sunod na pagkurap niya ay napalitan ulit iyon.
Ang nanginginig niyang mga kamay ay dahan-dahan na dumapo sa aking mukha.
"El..." Kakaiba ang pakiramdam nang bigkasin niya iyon. Dahil parang nakikilala na niya ako. "El... Patawad... P-Patawad kung b-bibitawan na kita... Maiintindihan m-mo naman ako, `di ba? Maiintindihan mo naman ako k-kung i-iiwan kita? M-Maiintindihan mo ako... Maintindihan mo ako..." Hindi ito ang sinabi niya sa akin noong gusto niyang makipaghiwalay sa akin. Iba ito. Ngayon ko lang narinig. Ngayon niya lang sinabi.
"Rykiel..."
Parang isang minuto lang ay nagbago na naman siya. Sumisigaw na naman siya at ang mga katagang binigkas niya noon ay inulit niya. Kung bakit nadurog ang puso ko noon.
"Ayaw na kitang makita! Hindi na kita mahal! Umalis ka na... Umalis ka na... Simula nang dumating ka sa buhay ko...ay nagkandaletse-letse ang buhay ko, El... Sanay ako sa hirap...pero hindi ako sanay na makasama ka pa sa mga panahon na mas nahihirapan ako. Pabigat ka lang... Nagsisisi ako na minahal kita... Ayoko na sa `yo... Umalis ka na lang..." Binitawan niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon.
Natulala ako at hindi na nakagalaw pa kung wala lang tumulong sa akin na makatayo. Hindi ko man lang magawang gumalaw.
"M-Mom..." Bumalik lang ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses ng anak ko.
"Khai..." Mabilis akong niyakap ng anak ko at ang tingin ko ay na kay Rykiel pa rin. Sigaw siya nang sigaw habang kinakausap na siya ng kanyang kapatid.
May iilan na mga lalaki ang pumasok sa loob at hinawakan nila ang magkabilang braso nito. Hindi siya huminahon.
"W-What... What happened to him?" mahinang tanong ni Khai habang gulat na gulat din siyang nakatingin dito. Nagwawala siya at ayaw niya talagang magpahawak. Siya ang kusang lumalayo.
"Bitawan niyo ako! Hindi naman ako magpapakita pa sa kanya! Hindi na ako magpapakita pa sa asawa ko! Tigilan niyo na ako... Kinuha niyo na siya mula sa akin... Ano pa ang kailangan niyo?!" Mas lalo lang akong naiyak sa sigaw niya.
"Eryx, ako ito! Ang Kuya Ryle mo... Eryx... Huminahon ka... Hawakan niyo siya ng mabuti," sabi ni Ryle at sinunod naman iyon ng mga lalaki. Na siguro ay mga bodyguard nila ang mga ito.
"Ayoko na... T-Tama na..." Nakakaawa ang kalagayan niya ngayon at halos hindi ko na siya matingnan pa. Mas nasasaktan ako na makita siyang ganito.
Mas gugustuhin ko pa yata ang makita siya na walang pakialam sa akin. Na hindi niya ako kilala. Na palagi niyang iniiwasan ang pagtingin ko sa kanya. Mas gusto ko na bumalik siya sa dati noong hindi pa kami magkakilala. Ayokong makita siyang ganito...
Ayoko... Nasasaktan ako para sa kanya.
"El... El... El..." sambit niya sa pangalan ko at gumalaw ang ulo niya na tila may hinahanap siya. Isa-isa niyang tinapunan ng tingin ang mga tao sa loob.
Inilayo ako ni Khai dahil huminto ang tingin sa akin ni Rykiel. Nag-iwas ako ng tingin dahil natatakot na akong lapitan siya. Baka ma-trigger na naman siya. Mas magwawala siya kapag makikita pa niya ako. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkakaganito.
"L-Lumabas na tayo, Khai... U-Umalis na tayo rito..." mahinang saad ko. Naramdaman ko ang pagtango ng aking anak. Nagsimula siyang maglakad.
Pero bago pa man kami makalabas ay may malakas na humila sa braso ko at napadaing ako sa klase nang paghawak nito sa akin. Parang mapipiga ang katawan ko sa mahigpit na pagyakap sa akin. Hindi ako makawala dahil nakahawak siya sa likod ng ulo ko at ang isa ay nasa baywang ko.
Dumikit ang kaliwang pisngi ko sa matigas niyang dibdib at dinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Sumabay sa pintig ng puso ko.
"Rykiel..." Kahit hindi ko man nakikita kung sino ang yakap-yakap ko ngayon ay makikilala ko pa rin. Makikilala ko pa rin siya kahit nakapikit ang aking mga mata.
Sa klase lang nang pagyakap niya sa akin. Sa presensya niya... Makikilala ko siya. Wala siyang ibang sinabi kundi ang pangalan ko. Paulit-ulit na binibigkas iyon. Hinayaan ko siya na yakapin ako dahil nararamdaman ko ang pagkalma niya.
"Ihatid niyo na si Chrysler. Sabihin niyo na may dinaanan si Eryx," narinig kong utos ni Ryle sa kung sino mang tauhan nila.
Hindi ako binitawan ni Rykiel at para akong manika na takot na takot siyang makawala ako, dahil parang may gusto ring kumuha sa akin. Hanggang sa naramdaman ko ang panlalambot ng katawan niya.
"You won't go, right? You won't leave me? You will stay?" tanong niya sa akin sa namamaos na boses. Mapupungay ang mga mata at alam kong pipikit na siya ilang segundo pa. Nakasalampak na kami ngayon sa malamig na tiles ng banyo.
Nasa gitna siya ng mga hita ko at parang bata na nakaunan pa sa kaliwang braso ko. I caressed his cheek at marahan na tumango. Inabot pa niya ang kamay ko para kintalan ng halik ang likod nito.
"Mahal kita, El... Mahal na mahal kita..." huling bigkas niya bago siya nawalan ng malay at doon lang siya inilayo sa akin ni Ryle.
"I'm sorry... I'm sorry kung nakita at nasaksihan niyo pa iyon," nakokonsensiyang saad sa amin ni Ryle. Na kung tutuusin ay ako dapat ang hihingi ng pasensiya dahil ako ang nag-trigger sa trauma...
He's been traumatized?
"Ano'ng nangyari sa kanya, Ryle? Bakit siya biglang nagkaganoon?" tanong ko. I'm dying to know the truth, please...
"It's our family's privacy, Jessel," umiiling na sabi niya pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Nagsusumamo ko siyang tiningnan.
"G-Gusto kong malaman... Please, sabihin mo. Sabihin mo sa akin, Ryle..." Nagtataka niya akong tiningnan dahil sa aking sinabi. Parang hindi pa siya makapaniwala.
Dahil bakit nga ako nagkainteresado na malaman ang nangyari sa kapatid niya?
"He's been traumatized. He was physically and mentally abused bago namin siya nahanap... 10 years ago... Ganyan na siya nang makita namin," he said.
"W-What? 10 years ago?"
Ano'ng nangyari sa kanya sa loob ng dalawang taon na iyon? Nasaan si Rykiel sa mga panahon na iyon? Bakit may mabigat na pinagdaanan pa siya bago siya nahanap ng family niya? Ano ba talaga ang nangyari?
"It's our family matters, Miss. Iyon lang ang masasabi ko sa `yo. Hindi namin puwedeng sabihin sa `yo ang buong detalyeng nangyari kay Eryx. Respect my brother's privacy too," seryosong sabi niya at nabitawan ko siya. "But thank you for saving my brother. Kung wala ka... Mahihirapan kaming pakalmahin siya at ibalik sa dati kung hindi namin siya patutulugin. Pero ngayon lang ulit ito nangyari... After so many years..."
"P-Pero ano ba talaga ang nangyari?" kinakabahan kong tanong.
"Dapat ako ang magtanong niyan sa `yo, Jessel. Ano'ng nangyari sa kapatid ko at na-trigger siya? As you can see, malaki ang pagkakaroon niya ng trauma dahil sa nangyari sa kanya noon. Kaya siya maraming bodyguards. Our father hired them to protect him and to avoid him from a trouble. Hindi siya puwedeng maka-encounter ng kaguluhan dahil doon nati-trigger ang trauma niya," mahabang paliwanag niya.
Oh, my God... Gusto kong malaman ang totoong nangyari sa kanya.
Nailabas nila si Rykiel sa event at walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanya kanina. Maliban sa amin.
Sa may parking. Wala sana akong balak na lapitan sila pero talagang nag-aalala ako para sa kanya.
"He's gonna be alright?" I asked Zules. Malungkot na nakatingin siya sa kuya niya.
Nakalapit lang naman ako sa kanila dahil nakita ko ang muling pagpasok ni Ryle sa loob ng school nina Khai at hinayaan naman kami ng bodyguards nila.
"He will, Ate J." Si Zue ang sumagot sa akin.
"Kung...12 years ng nangyayari ito sa kanya... Paanong... paanong hindi siya naigamot? Hindi ba siya gumaling?" Ang tagal na noon. Mayaman ang family nila kaya alam kong kayang-kaya nilang gamutin ang kapatid nila.
Pero bakit hanggang ngayon ay dala-dala pa rin ni Rykiel ang sakit na ito? Pinagamot ba talaga nila?
"He refused, Ate. Ayaw niyang magpagamot at maging ang mga gamot na ibinibigay sa kanya ni Ate Gertie ay hindi niya iniinom. Tinatapon niya iyon lahat. Parang sinasabi niya na ayaw niyang gumaling."
"Why? Bakit ayaw niyang magpagamot? Hindi ba niya gusto na gumaling? Bakit ganoon?" tanong ko pa. Binalingan ako ni Zules at malungkot na ngumiti.
"Hindi namin alam kung totoo ba ang mga sinasabi niya na may asawa na siya o gawa-gawa lang din ng isip niya... Madalas niyang sabihin kina Kuya Ryle at Dad na kailangan niyang bawiin ang asawa niya. Pero may mga pagkakataon pa rin na naririnig siyang sumisigaw na pinapaalis niya ang nagngangalang El... Paulit-ulit lang iyon..." Napatutop ako sa aking bibig.
Ako ang may kasalanan ng lahat... Ako... Ako ang dapat na sisisihin sa nangyari sa kanya. Sa hirap na dinanas niya.
Pareho kaming napatingin sa sasakyan na huminto sa tapat namin at mabilis na bumaba ang isang lalaki sa passenger seat.
Binuksan nito ang pintuan sa backseat at bumaba roon ang...kamukha nina Rykiel. Nakakatakot ang presensiya niya. Sobrang bigat nito.
"Where's my son Eryx?"
"Dad," Zules uttered that word. He walked towards us with authority. Huminto lang siya nang nasa tabi na niya sina Zue at Zules.
"Where's your brother, Zules?" malamig na tanong nito sa kanyang anak.
"Nasa loob po siya ng sasakyan, Dad. Wala po siyang malay," magalang na sagot nito.
Dahil nasa tapat lang kami ng backseat ng kotse nina Zules ay hindi sinasadyang napatingin siya sa amin. Nagsalubong ang kilay niya pero kalaunan ay tumaas lang din iyon.
"Who are you?" Kinilabutan ako sa boses niya. Sobrang lamig. Parang ang taas-taas niyang tao at kailangan na yumuko para sa kanya. Lumipat ang tingin niya sa katabi ko, particular na kay Khai.
"Who the hell..." Humarang ako sa harapan ng anak ko dahil sa pagpalit ng daddy ni Rykiel. Baka pagkakamalan na naman nila na si Khai ang nawawala nilang anak.
"Dad, it was Ryx. Kaibigan po namin," Zules muttered.
"Ryx?" naguguluhan na tanong niya sa pangalan ni Khai.
"I'm sorry... We need to go," walang emosyon na sabi ko. Saglit na sinulyapan ko pa ang backseat kung saan namamahinga si Rykiel.
"Wait..." Humarang sa aming likuran sina Fred para hindi na makalapit si Mr. Barjo.
"What just happened, Mom?" Hindi ko nagawang sagutin ang anak ko. Ang daming gumugulo sa utak ko.
Hindi sa condo namin kami umuwi. Pinadiretso ko ang sasakyan sa mansion. Gusto kong makausap ang parents ko, especially Dad. Baka may kinalaman sila sa bagay na ito. Pagkahinto lang ng kotse ay mabilis akong bumaba.
"Mom, wait up!" sigaw ni Khai na hindi ko pinansin. Sumunod lang din siya sa akin at pilit na humahabol.
Malalaki ang mga hakbang ko na pumasok sa loob ng mansion namin. Sinalubong ako ng mga kasambahay namin at binati.
"Where's my parents?" tanong ko.
"Nasa kuwarto na po nila, Ma'am Jessel," sagot niya at tinungo ko agad ang kuwarto nina Dad.
"Mom, please calm down! Mom!"
Malakas na binuksan ko ang pintuan ng kuwarto nila na walang katok-katok. Alam kong nakawawalang galang ang ginawa ko.
Naabutan ko sa kama si Dad na nakaupo at nakahilig sa headboard nito habang abala sa laptop niya. Si Mommy naman ay kasalukuyang nagsusuklay sa buhok niya, sa vanity mirror.
"Jessel?" tawag sa akin ng aking ina nang mahagip niya ako ng tingin mula sa salamin.
"Dad, tell me... May alam po ba kayo sa nangyari sa asawa ko pagkatapos naming maghiwalay 10 years ago?" agad na tanong ko na ikinagulat pa pareho ng parents ko. Napasinghap pa si Mommy.
"Dear, what do you mean by that?" my mother asked me.
Mas lumapit ako kay Dad at huminto lang sa tapat niya. Seryoso ko siyang tiningnan.
"Daddy, m-may kinalaman po ba kayo sa nangyari sa kanya? Dad...answer me, please..." nagsusumamong saad ko.
"Anak..."
"Please, Dad... Sabihin po niyo sa akin..." umiiyak na sabi ko.
"Jessel..."
"I'm sorry, anak... It was your Grandma.."
Grandma... Oh, God...