CHAPTER 11

1601 Words
Chapter 11: The meeting SHOCK are written on my face because of his question. Seriously? Mukha ba akong sugar Mommy sa paningin niya? At sa panoong paraan niya akong nakikitang ganoon? Maliban na lang sa nakita niyang may kasama nga ako. Na kasama ko si Khai at inakala nito na may relasyon kami? "Kuya Eryx, napaaga po yata ang pagpunta niyo rito. Mamaya pang 9AM ang start ng swimming competition namin," sabi ng isang estudyante. Kuya? Tinawag niya ang lalaking ito na kuya? Their looks... Oh, so... Kaya pala familiar ang mga mukha nila dahil si Rykiel. Kapatid sila ni Rykiel. How about the coach? Kapatid din ba kaya nila ito? Hindi sumagot sa kanila ang kapatid nila at nang tiningnan ko ito ay parang bigla itong namutla at kakaibang emosyon ang naglalaro sa kanyang mga mata. Pagkabigla at halo-halo pa iyon, naroon din ang pagkalito. "Kuya." Nanatili pa rin siyang nakatayo at hindi pinansin ang pagtawag sa kanya. Tulala lang siyang nakatingin sa isang tao... Si Khai, na nakikitaan ko rin ng pagkagulat at ni hindi man siya kumurap habang nakikipagtitigan sa Daddy niya... Sa D-Daddy niya... Nagkita na nga sila... N-Nagkita na nga silang mag-ama at sobrang bilis naman. Kung sabagay, ganoon din naman sa akin. Hindi ko rin inaasahan ang muli naming pagkikita. "Tulala ka rin sa bata, Eryx," natatawang sabi ni Coach Ryle. Nilapitan niya ang kanyang kapatid na kulang na lang ay himatayin ito. Inakbayan niya at parang doon lang ito na nagising sa malalim na pag-iisip. "Siya iyong tinutukoy namin sa `yo, Kuya Rykiel. Si Zairyx Alkhairo. Mas malaki po ang pagkakahawig niya sa `yo," sabi naman ng pangalawang estudyante. Pareho naman kaming na-curious sa pinagsasabi nila. Ano naman ang tinutukoy nila? "Ryx, si Rykiel Eryx Barjo. Kapatid namin siya ni Zules, and pinsan ni Zue." Kapatid, pinsan... Bahagya akong dumistansya sa kanila dahil sa aking nalaman. Pinapalibutan kami ng Barjo family, ng pamilya ng daddy ni Khai. Natatawa na lang ako sa sarili ko. Dahil ang bilis nilang pinaglapit ng tadhana. May alam na ba...o may hint na kaya si Khai na baka posibleng pamilya na pala niya ang ka-team niya, ang kaklase niya? "Who is he?" mahinang tanong ni Rykiel. Ako lang ba o may nakapansin sa boses niya na pumiyok ng kaunti? Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o guni-guni ko lamang iyon. Pero sa tanong din iyon ay parang may bumara sa lalamunan ko at kumirot ang dibdib ko. Normal na ang magtanong siya kung sino si Khai, dahil ngayon niya lang ito nakita kahit na nasa cafe siya kahapon at nandoon din siya pero hindi naman niya nakita ang mukha nito. "Zairyx... Zairyx Alkhairo Diamente, that's my name," malamig pero kalmadong sambit niya sa kanyang pangalan. Nagulat pa ako dahil sa biglaan niyang pagpapakilala. Alam kong kilala na niya ang daddy niya kahit ngayon lang din sila nagkita. First meeting... "Zairyx Alkhairo..." Rykiel uttered our son's name. Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa hindi malaman na dahilan, siguro sa tuwa na finally, kahit pangalan lang ng anak namin ay naiwika niya. Kakaiba pala kapag sinambit na niya ang pangalan ng anak niya pero hindi naman niya alam kung sino ba ito sa buhay niya. "And Eryx, she's his big sister, Jessel..." Gusto kong mag-iwas ng tingin dahil para talaga akong hinuhusgahan ng bawat titig niya. "She's your... brother?" gulat na sambit pa niya at umalon ang adams apple niya. Parang kanina lang ay pinagkamalan pa niya ako na sugar mommy lang ako ng aking anak. Mukha ba akong pumapatol sa minor de edad? Sasagot na sana ako nang may lumapit na isa pang lalaki at kinausap sila. Nag-aalangan na umalis si Rykiel dahil ayaw niya talagang putulin ang pakikipagtitigan sa amin. "Mom, these two are my friends. Zue and Zules," Khai said and I nodded. Nginitian ko naman ang dalawa. Introvert siya pero masaya ako dahil may mga kaibigan din naman pala siya. Ang akala ko ay loner din siya sa school nila pero may kasama naman pala siya at hindi lang ibang tao. Mga tito sila ni Khai, tapos mga kaibigan pa niya ang mga ito? Ang liit nga naman ng mundo para sa kanila. "Ate J... Ang ganda niyo po pala sa personal," sabi sa akin ng nagngangalang Zules, ang kapatid ni Rykiel. Hindi maipagkakaila na magaganda ang kanilang lahi. "Thank you, little boy," I told him at bigla siyang namula. "I wonder po kung bakit Mom ang tawag sa inyo ni Ryx. Hindi po siya palakuwento but I think mas close po siya sa inyo. Ang akala ko po ay sa Mommy niyo. Ikaw lang po pala, Ms J ang tinatawag niyang Mommy," said the other boy. Dahil mommy naman talaga ako ni Khai. Pero maniniwala ba sila kung sasabihin ko sa kanila? "Baka po ampon niyo lang si Zairyx, Ate J? Baka po siya ang nawawalang kapatid namin nina Kuya Rykiel," biglang sabi nito. Sa halip na matawa ako dahilan mukhang nagbibiro lamany siya ay parang ako ang kinabahan doon. "Nawawala? May nawawala kayong kapatid?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Opo, same age with Ryx po, Ate J." "Guwapo po kasi ang daddy namin kaya marami kaming magkakapatid," natatawang sabi pa nito. "Zules," mariin at malamig na sambit...ni Rykiel sa pangalan ng kanyang kapatid. Nanindig ang balahibo ko sa batok. Kung ganoon...lahat ba sila ay anak sa labas? Pero hindi ko nagustuhan ang sinabi nila na baka ampon nga ang anak ko at siya talaga ang nawawalang kapatid nila. Dahil napakaimposible no'n. Napakaimposible ang bagay na iyon. Anak ko si Zairyx Alkhairo, nasubaybayan ko na ang paglaki niya at marami pang mga taon na makakasama ko siya. Imposible ang pinagsasabi nila. Alam ko sa sarili ko na anak ko si Khai, kaya naman sila magkamukha ni Rykiel dahil siya ang Daddy ni Khai. "Kuya..." "Go back to your proper seat, guys. The competition is about to start. Ryx, I settled the chair you asked about," the coach said them. "Thank you, coach. But Zules, I'm just a son of my Mom, and I'm no one's son, except my mother," seryosong sabi ni Khai. "I'm Diamente," he added at lumapit siya sa akin para igiya na naman ako sa mga upuan nila. "Ayos lang naman kung sa bleacher lang ako, baby..." Umiling siya sa sinabi ko. "Mas panatag po ako kung dito ka nakapuwesto. Marami po kasi ang manonood," sabi niya. I caressed his face. "I'm so proud of you, Khai," nasabi ko bigla na ikinangiti niya. "Thank you, Mom...and about dad..." he said at sumulyap pa siya sa kabilang side. Hindi ko na iyon tiningnan pa. "Why he's staring at us, Mom? Dad is weird," sabi niya at mabilis na ibinalik sa akin ang kanyang tingin. "Siya po pala ang tinutukoy ni Coach Ryle na judge namin from Cebu and he's getting married," sabi niya na walang bitterness sa boses. He accepted the fact that his father...magkakaroon ng sarili nitong pamilya. Tanggap niya... See? Ang lawak-lawak na niyang mag-isip at mas pinili niya talaga ang tanggapin ito... "About my friends, I don't have any idea na... kapatid at pinsan po pala sila ni Daddy," nag-aalangan na sabi pa niya. "Alam ko naman po na Barjo ang surname nila pero hindi ko na binigyan pa ng atensyon. Because I thought marami namang katulad no'n." "Huwag sanang maging dahilan ito na iwasan mo ang mga kaibigan mo... Dahil lang sa pamilya pala sila ng daddy mo, baby," mahinang sabi ko sa kanya. May mga tao na rin kasi ang umupo sa tabi namin. Mga player din naman at ayokong marinig nila ang pinag-uusapan namin. "Don't worry about that, Mom. I treasured my friends, and I treated them like my own family." "Which is true. They are your family," I uttered. "Exactly." Natawa na lamang kami pareho. "Ryx, it's time," tawag sa kanya ni Zue. "Ate, sorry po pala sa nasabi ko kanina, ha? Nagbibiro lang po ako na ampon niyo lang si Ryx. Huwag po sana kayong magtampo, ah?" sabi ni Zules. Hindi ko maiwasan ang matawa sa kanya. "That's okay, Zules," I said. "Puwede rin po kasi kayo na maging Mommy nitong si Ryx. Nakita ko po ang portrait niyong magpamilya sa internet at kamukhang-kamukha niyo po ang daddy niyo, nakuha niyo naman po ang paraan ng pagngiti ng Mommy niyo. Si Ryx naman po, wala po sa mga parents niyo ang kamukha niya..." mahabang sabi niya. Natutuwa ako sa pagiging madaldal niya. Eh, ang kuya niya dati? Hindi ganyan, hindi katulad niya na sobrang daldal kahit ngayon lang kami nagkakilala. Parang ang komportable niyang makipag-usap sa akin. "Kamukha niyo rin po kasi, iyong color eyes and the way he smile..." "Zules!" Napatalon ang balikat niya dahil sa malakas na pagtawag sa kanya ng Kuya niya, na coach din nila, nilingon niya ito. "Sorry po ulit, Ate J!" sabi niya at patakbong lumapit sa kapatid. "Ganoon po talaga si Zules, Mom. Sobrang daldal po niya," pagkukuwento sa akin ni Khai. Mayamaya lang ay iniwan niya na rin ako sa puwesto namin at naghahanda na sila para sa first round ng competition nila. I caught Rykiel glancing at my son, while his hand, may hawak siyang pencil na nilalaro lang ng mga daliri niya. Isa siya sa judge, tatlo sila at napapagitnaan siya ng mga kasama niya na may katandaan na ang dalawa. Ngayon, ano naman kaya ang pumasok sa isip niya ng malaman na naman niya na magkapatid kami ni Rykiel? O ano rin kaya ang tumatakbo sa utak niya nang una niyang makita si Rykiel? Na kung bakit bigla siyang napatulala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD