CHAPTER 50

2635 Words

Chapter 50: Flashback (Age) BAKASYON, iyon lang naman ang dahilan ni Jessel kung bakit gusto niyang sumama sa daddy niya, nang magpaalam ito sa mommy niya na bibisita sa kanyang Grandma. Nakilala niya ang isang hardinero sa hacienda Diamente. Si Rykiel Eryx Barjo. Tahimik ito at hindi palasalita. Natutuwa siya habang kasama niya ito kahit hindi naman siya kinakausap. Palagi niyang kasa-kasama sa pagpunta sa may talon. Kaya parang ayaw na rin niyang umuwi sa Manila at nauna na ngang umalis ang kanyang ama. Tuwang-tuwa naman ang Grandma niya dahil magtatagal pa siya na kasama nito. “Nakita niyo po ba si Rykiel?” ang tanong niya sa mga kasambahay. Yumuko muna ang mga ito bago sumagot, “Sino po si Rykiel, Señorita?” naguguluhan na tanong nito. “Si Rykiel po, ang isa sa mga tauhan ni Gra

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD