Lunch break na at mag-kasama ulit kami ni Jean. Kagabi, hindi umuwi ang kapatid ko. Pero masaya na rin ako kasi nakita ko syang pumasok kanina.
O-order na sana kami ni Jean ng may lalaking biglang humigit saakin mula sa linya. Hindi ako naka-angal dahil na rin sa takot, I don't even know this guy.
"Sumama ka saakin" he coldly said, nag-mamakaawa akong lumingon kay Jean. Pero pati sya, wala ring nagawa.
"K-kuya saglit—"
"Sasama ka ba o kakalbuhin kita!" Banta nito kaya medyo napatalon ako sa gulat.
"K-kalbuhin nyo na pang po ako..." I bit my lips after I said that. While the man almost smiled but he keep it, and forcibly drag me.
Naka-yuko lang ako at walang magawa kung hindi ang mag-padala dito. Hanggang sa nalaman ko na lang na nasa recto pala kami.
"Upo." Matigas nyang sabi, I know he's talking to me. Pero hindi agad ako maka-kilos dahil na rin sa takot. "Umupo ka!"
With that, I sit without a word. Nakakainis naman! Wala kaya akong upuan, duh? "I-ito na nga e... Dapat kasi kinalbo nalang ako!" I silently hissed.
Baka mamaya saktan ako nito e. "Boss, opo boss—teka ano? Hindi po! Boss naman!—"
"Si Edward ba kausap mo?" I interrupt. But he just glared at me.
"Oo nga po... Yes boss. Opo... Opo—"
"Siguro si Patrick?" I butt in once again. Akmang parang papatulan nya ako kaya pinag-krus ko ang kamay ko panangga. Luckily hindi nya tinuloy.
May sasabihin pa sana ito, pero biglang may pumaradang mercedes sa harap namin. Napa-lingon kami parehas ni koyang ewan.
"Tumayo ka" utos pa saakin nito pero hindi ko ito pinansin. "Tumayo ka sabi—"
"Subukan mong saktan si Denise, ako mag-papatumba sa buong angkan mo!"
Natigilan ako pero agad ding naka-bawi para kompermahin ang hinala ko—and I'm not wrong at all. Bry is really here.
Napa-lingon ako sa sasakyan, don sya bumaba. "Boss—"
"May ginawa ba sya sayo Denise?" Bry asked me, totally ignoring the man on my side.
Nag-palabi ako at nag-papaawang tumingin dito. "Sya Bry... Kinaladlad nya ako papunta dito. He could just ask me nicer, tapos pinaupo nya ako don!" Tinuro ko yung sahig sa tabi bago humarap muli kay Bry. "Masama ugali nya"
Napa-tawa itong ng mahina at sinensyahan lang yung lalaki na umalis. "I'm sorry, I asked him to take you here at any cost kapag tumanggi ka"
"Hindi naman ako tumanggi e, aist! Bat nga pala sya sinisisi ko? Dapat ikaw! Why did you asked someone to drag me all over here?"
"Aalis tayo, if it's alright with you though" sinamaan ko lang Ito ng tingin. Mukha pa ba akong may choice nito?
"Would you take a 'No' as an answer?" Agad itong umiling. See? Nag-tanong pa!
"Shall we?" Ang yabang! Teka bat ba ako nag-iisip ng hindi maganda sa kanya...
Nang maka-sakay ako, don ko lang napansin may iba pa palang tao sa backseat. There are three of them at the backseat. Agad ko silang nginitian at ganon din ang ginawa ng isa.
"Zach"
"Albert"
"Zed pare"
Isa isa nitong pag-papakilala. They seems familiar, hindi ko lang maalala kong saan. But I knoe I often heard their names—"Horuschant boy band. Stunt representative, multiple awardees performing on svck it mature club. Sana nakatulong"
Sila ata yung mga ka-band ni Aira before she started her showbiz—"tama ka, she was once our vocalist. But now that she had left, back to zero ulit kami."
Teka kanina pa yung lalaki ah! Ano nga ulit pangalan nya—"Zed. Kakasabi ko lang kanina. Makakalimotin ka"
Napakagat labi na lang ako ang iginilid ang ulo ko sa bintana. His good at reading minds—or should I say, reading my facial expression?—"thank you"
Hindi ko na lang ito pinansin. Baka mamaya may lahi itong mangkukulam, makapag-sabi lang ako ng masama, tapos buhay ko neto—"I'm not what you think I am."
"Good God, please Mr! Oo na, nababasa mo na iniisip ko, but please? Natatakot ako sayo e."
Mahinang pag-tawa lang ang isinagot nito saakin, ganon din ang iba pa nyang mga kasama. While Bry on my side didn't mind at all. Nakatutok lamang ang atensyon nito sa pag-mamaneho.
"San nga pala tayo pupunta Bry?"
"Sa mall" tipid nyang sagot. Handa na akong bungangaan sya, pero naka-sagot agad ito. "Wag kang mag-alala, madali lang tayo."
Makarating kami sa pupuntahan, wala akong imik na sinundan lang sila. Maraming boutique and pinasokan namin, pero wala naman silang binibili. Hindi ko nga alam kong nag-sasite seeing lang ba sila or trip gumala.
"Naiinip ka na ba Denise? Sorry a, sinama pa kita dito"
Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya at tahimik na sumunod muli sa isa pang boutique na pinasokan namin.
Maya maya pa ay kanya kanya silang pili ng mga damit pang-babae. Si Bry naman ay naka-tingin sa mga Set of jewelry. Kada may kukuhanin sila ay ako ang tinatanong kung maganda daw ba. Oo na lang ang sinasagot ko dahil yun naman ang dapat, nakakahiya rin kasi sa sales lady na nakasunod sa kanila.
Naka-upo ako sa waiting area, pinapanood silang mag-ikot ikot sa shop kasama ang ilang sales lady.
"Maganda ba?" A simple blue floral dress. Maganda naman...
"Hmm... Maganda sya, mga pang ilan taon ba pag-bibinyan mo nyan?" I asked this man, kung hindi ako nag-kakamali, Zach ang pangalan nito.
"Albert, Denise. That's my name, hope you wouldn't forget next time."
"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko..." Nakapalabi kong sagot, pero nilayasan lang ang ng walang hiya.
"How about this? Is it pretty, Denise?" It's Zed this time, showing me a royal blue tube dress, with a glamorous glitters on waist.
"Masasanay na lang siguro akong maging si Denise..." Bulong ko bago balingan ang lalaki. "Maganda, showie lang sa upper part—"
At ang kabastosan nga naman, hindi pa ako tapos ay nilayasan din ako kagaya nong Albert kanina. They're rude.
"Miss. Pina-tatawag po kayo nila sir sa fitting room, dalian mo daw po at nag-hihintay sila."
I smiled at the sales lady and follow her lead way on the place she's talking about. There I saw the four fvckass men woth their serious and cold aura. So imitating.
"H-hi?" Yun lang pero agad na may humila saakin papasok ng change room, as far as I can remember he's Albert.
"T-teka!—"
"Sukatin mo lahat ng napili namin, and do it faster, may lakad pa tayo"
"What? Sinama nyo ako kasi may gimik kayo! We have class—"
"Just get in, hintayin ka namin sa labas." Nakakainis! Ang sama ng ugali nya!
Nag-umpisa akong mag-sukat ng mag sukat ng mga damit at ipakita sa kanila. Pero iisa lang ang naging sagot ng apat.
"NO!" I don't know if they're just playing with me but it's tiring.
Last dress na lang, pag ito ayaw pa nila lalayasan mo ang mga to. Ang aarte! Pero nakapag-tataka lang na puro blue and mga pinili nilang damit para sa pag-bibigyan nito.
Maybe there's a motif, or it's girl's favorite color. Hindi ko alam, at wala akong karapatang alamin. Whatever they want, mga bweset!
Hawak ang tube dress na pinakita saakin kanina ni Zed, nag-dadalawang isip pa ako kung susuotin ko ba sya... But do I look like I have any other choice?
Pero kasi... Bukod sa tube dress na sya, maiiksi pa. Para namang pang 7 years old lang to e! Ano ba itong pinasok ko? Never in my life I plan to wear this kind of clothing! Kaya nga ako tinatawag na mang e.
Nanatili akong naka-kulong sa fitting room ng may biglang kumatok dito. "Ma'am, paki-bilisan daw po sabi ng mga kasama nyo."
"S-sige salamat." I replied. Well this is it. Last na man na ito.
Dahan dahan ang pag-labas ko habang suot ang maiksing damit na to! Maganda naman sya, but I don't think this will fit my taste.
Kabado ang bawat hakbang kong papalapit sa apat na lalaking bagot na sa pag-aangtay saakin. They're all focus on chillin' and resting.
When I finally cleared my throat to get their attention, don lang sila humarap saakin ng may pangingislap ang mga mata—or I was just imagining it?
"D-denise?" It was Bry. Nakanganga itong nakapako ang tingin sa katawan ko. Weird.
"Bakit? Pangit ba?"
"H-hindi..." He utterly said, while analysing every part of me with open mouth. Ganon din ang reaction ng mga kaibigan nito.
Ganito ba talaga ang mga lalaki pag-kakakakita ng babaeng nag-susuot ng revealing clothes? So unappreciated.
"Mag-papalita na ako—"
"T-teka lang! Maganda, mamaya ka na mag-bihis!" Isang batok naman ang natamo no Zach sa sinabi nyang ito, galing kay Zed.
"Pasensya. But he's right, paalis na rin naman na tayo. We'll just pay everything you wear"
Mag-rereklamo pa sana ako pero isa isa na silang nag-sitayuan. I'm about to approach Bry, but he looks like he's still out of his mind.
Naka-sunod lang ako sa kanila at walang imik sa bawat pag-kilos. Madalas ay napapansin ko ang pag-sulyap nila sa suot ko kaya pasimple ko ring niyayakap ang sarili ko.
This is what I don't like about wearing glamorous dress. Even if someone doesn't really intended on staring at my body for long, naiilang ako.