“Sundin mo na lang ang sinasabi ko sa ‘yo Joyce! Iwasan mo ang anak ni Enrico! Dahil ayoko nang mag-krus ang aming landas na dalawa! Naiintindihan mo ba ako?!” muling sigaw ng aking ina. Napatingin ako sa labas dahil baka marinig ng mga kaibigan ko ang pagtatalo namin ngayon ni mommy. At habang tumatagal ang aming pagtatalo ni mommy ay mas lalo akong naguguluhan sa mga sinasabi niya ngayon sa akin. “Mommy, hindi ko susundin ang gusto mo! Hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung bakit dapat ko siyang iwasan!” sagot ko sa aking ina Umiling si mommy kasabay nang pagpatak ng kanyang mga luha. Tumingin siya sa akin atmuling nagsalita. “Gusto mo ba talagang malaman? Kung bakit ayokong maging kaibigan mo ang anak ni Enrico?!” Tumango ako. “Oo, Mommy, sabihin mo sa akin! Dahil naguguluhan na a

