ABBY'S Ngayon ay debut ni Lorraine. Nagbakasakali akong umattend ng kaarawan nina Nathan at Lorraine at nagbabakasaling makita si Charles, ngunit hindi siya dumating. "Abby, nasaan si Charles? Kulang ang eighteenth roses ni Lorraine," tanong ni Nathan sa akin. Ngumisi ako. "Nawalan ng bayag," walang buhay kong tugon. Nagtaka si Nathan sa aking sagot sa kanya. Tiningnan niya ako sa aking mga mata. "Nag-away ba kayo?" muling tanong niya. Pinahid ko ang aking luha na nagsisimula na namang pumatak. "Hindi," tanging nasabi ko at tuluyan na akong umiyak. Magsasalita pa sana si Nathan ngunit tinawag na siya sa stage Uminom ako ng juice. "Pipilitin mong kalimutan ang Charles na 'yon. Huwag ka nang umiyak," bulong ng aking isip. Maya-maya ay lumapit sa akin si Joyce. "Sis, may problema ba?

