CHAPTER 5 -JOYCE'S POV

1270 Words
After One Year Mabilis lumipas ang taon at second year high school na kami. Magkakaklase pa rin kami na magkakaibigan. Siyempre mga cheering squad member pa rin kami. Kasalukuyang nagpa-practice kami ngayon dito sa gym nang magsalita si Lorraine. "Sis, si Charles, nakatitig sa iyo," narinig kong sabi ni Lorraine kay Abby. Tumingin naman si Abby sa direksiyon nina Nathan, ang mga kilabot ng kolehiyala na kung tawagin dito sa school. Tumingin din ako at nakita kong nakatitig nga Charles Andrew Hamilton sa aking kaibiga. Si Charles ang kilalang playboy sa lahat, dahil kaliwa't kanan ang girlfriend nito. Ngumiti si Abby kay Lorraine. "Ikaw nga diyan, ang matutunaw na sa mga titig ni Nathan," biro niya na ikinamula ni Lorraine. Tumingin si Lorraine kay Nathan at nakita kong nagbatian silang dalawa ng ngiti. "Childhood friend ko si Nathan, sanay na ko sa titig niya," paliwanag ni Lorraine kay Abby. "Talaga! Childhood friend mo si Nathan?" paninigurado ni Abby na agad naman na tinanguan ni Lorraine. "Lorraine, may pa-audition nga pala tayo mamaya. After ng practice. Kasama na naman ‘yung best friend mong kawayan ang katawan," muling sabi ni Abby na ikinatawa ko nang malakas, dahilan upang tumingin sa akin sina Lorraine at Abby. Napatawa na lamang si Lorraine nang dahil sa sinabi ni Abby at nang dahil sa pagtawa ko. “Ewan ko ba sa babaeng ‘yon. Kung bakit nagpupumilit na maging member ng cheering squad. Kahit hindi naman malambot ang katawan," paliwanag ni Lorraine kay Abby. Hindi nagtagal ay natapos na kaming mag-practice. Magpapahinga lamang kami nang ilang minuto at pagkatapos ay sisimulan namin ang pa-audition. Magkakaumpok kami na magkakaibigan at ni Lorraine nang biglang magpaalam si Lorraine. "Mga sis, puntahan ko lang si Nathan.” "Oh sige, sis, puntahan mo na. Mamaya pa naman ang audition," tugon ni Abby sa kanya. Habang nag-uusap kami nina Clarice ay nakita kong palapit sa amin sina Charles. Tumingin ako kay Abby. "Mga sis, palapit dito sina Charles," sabi ko habang kinikilig. Kinikilig ako dahil kasama ni Charles si Carlo ang lalaking matagal ko ng crush. "Joyce, ano ka ba? Konting pino naman, para kang pinuputulan ng mani mo," saway sa akin ni Abby na nginitian ko lang Narinig kong tumawa sina Laya at Clarice nang dahil sa sinabi ni Abby kaya tiningnan ko silang dalawa. "Kayong dalawa makatawa wagas! Kung hindi ko pa alam, kanina pa nalalaglag ang mga panty ninyong dalawa, gawa kina Alex, at Rigor," maarteng sabi ko habang nakaismid. "Oo na, aminado naman ako na crush ko si Alex," malanding sabi ni Clarice kahit pa boyish itong kumilos ay nagiging babae kapag nakikita si Alex. "Ako rin, ang gwapo kaya ni Rigor," ani ni Laya. "Tumigil na nga kayo diyan. Para kayong mauubusan ng lalaki. Intindihin ninyo, ay ang inyong pag- aaral. Dahil mga bata pa tayo," saway ni Abby sa amin. Si Abby ang pinakatahimik sa amin at pinakamahinhin. Tinitigan ko si Abby at muli akong nagsalita. "Bakit, Abby? Wala ka bang crush? Si Charles nga kanina ka pa tinutunaw sa mga titig niya. Hindi ka man lang ba affected? Sa gwapo niyang 'yon?" pilyang sabi ko sa malandi kong boses. "Guni-gu—" Hindi na naituloy ni Abby ang sasabihin niya nang may biglang magsalita. “Hi, girls,” bati nito sa amin na hindi namalayan ni Abby na nasa likod na pala niya si Charles. Hindi nakakibo si Abby sa kinatatayuan niya dahil pakiramdam ko’y nanigas ata ang mga tuhod niya nang dahil sa prisensya na dulot ni Charles sa kanya. "Hi, Charles, anong ginagawa n'yo dito?" tanong ko kay Charles, pero ang mga mata ko’y kay Carlo nakatingin. Pumunta si Charles sa harapan ni Abby at ngumiti muna ito bago magsalita. "Gusto ko sanang magpakilala sa 'yo." Sabay lahad nito ng kamay sa aking kaibigan. "Ako nga pala si Charles," pagpapakilala nito kay Abby. Tumili kami bina Clarice at Laya. “Oh my gosh!" sabay-sabay na tili namin nina Laya habang kinikilig. Alam kong naiilang si Abby sa mga tingin ni Charles sa kanya. Pero hindi ito bastos na tao para hindi magpakilala. Kaya nagpakilala na rin ito kay Charles. "Abby," tipid na sagot ng aking kaibigan at nakipagkamay na rin ito kay Charles. Ngumiti si Charles at tumingin sa mga kaibigan niya. "Mga kaibigan ko nga pala sina, Alex, Carlo, at Rigor," pagpapakilala nito sa mga kaibigan niya. "Hi," bati ni Abby sa kanila, at sabay-sabay silang bumati kay Abby. "Abby, pakilala mo naman kami sa mga kaibigan mo," sabi ni Alex habang nakatitig kay Clarice. Ngumiti si Abby at tumango. "Mga kaibigan ko, sina Laya, Clarice, at Joyce," pagpapakilala ni Abby sa amin kina Charles. "Hi, Clarice." Ngumiti ito. "Alex, at your service," pagpapakilala ni Alex at sabay lahad niya ng kamay kay Clarice. Ngumiti naman si Clarice at nakipagkamay kay Alex na halatang kinikilig. "Hi, Laya, ako nga pala si Rigor, ang inyong lingkod." At nakipagkamay din ito kay Laya. Tumingin sa akin si Carlo. "Hi, Joyce, I'm Carlo, ang pinaka-cute sa lahat." Sabay kindat niya sa akin kasabay nang paglahad ng kamay. Ngumiti ako habang pigil-pigil ko ang mapatili. Dahil matagal ko nang crush si Carlo at pinapangarap na makausap. Inilahad ko ang aking mga kamay kay Carlo. “Hi, I’m Joyce,” pagpapakilala ko. Tumango si Carlo at ngumiti. “I remember. . . ikaw ‘yong nakabunggo ko noon,” seryosong sabi ni Carlo habang nakatitig sa akin. Magsasalita pa sana si Carlo nang biglang tumikhim si Charles dahilan upang tumingin kami sa kanya. "Abby, pwede ba kitang ihatid sa bahay ninyo mamaya?" tanong ni Charles kay Abby. Hindi pa man nagdedesisyon na pumayag si Abby nang bigla akong nagsalita. “Oo naman, Charles, hatid lang naman pala." Tumingin ako kay Abby. “Okay lang 'di ba Abby,” sabi ko habang minumulatan ko ng mga mata si Abby. Magsasalita na sana si Abby nang biglang lumapit na sina Lorraine at Nathan sa amin. “Ang sweet talaga ng magkaibigan na ito,” sa isip-isip ko habang nakatingin ako sa magkaibigan. "Abby, simulan na natin ang audition. May pupuntahan lang kami nina Nathan mamaya," sabi ni Lorraine. “Oh' sige. Magsimula na tayo," pagsang-ayon ni Abby kay Lorraine. Ang magkakaibigan naman nina Charles ay pumunta muna sa isang tabi para umupo at panoorin kami Habang pinapanood namin nina Lorraine ang mga nakasalang sa audition ay nagkukwentuhan kami. "Sis, nakita ko nagpakilala sa 'yo si Charles," sabi ni Lorraine kay Abby habang kinikilig. "Oo, nahihiya nga ako," pagtatapat ni Abby kay Lorraine. Simula nang maging cheering squad member kami at cheer leader sina Lorraine at Abby ay naging close na naming si Lorraine. Humahanap lang ako ng timing upang sabihin sa kanya ang nalaman namin kung bakit nakipagkaibigan sa kanya si Lavinia. "Bakit ka naman mahihiya? Maganda ka naman," ani ni Lorraine. Nagkibit-balikat si Abby at muling nagsalita."Hindi ko alam kung bakit? Basta nahihiya ako." Ngumiti si Abby kay Lorraine. "Sigurado ka bang hindi mo boyfriend, si Nathan?" tanong ni Abby kay Lorraine. “Lorraine, matagal ko na ring gustong itanong sa ‘yo ‘yan,” singit ko sa usapan nilang dalawa. Umiling si Lorraine. "Hindi ko siya boyfriend. May sumpaan kaming dalawa, na hindi kami p’wedeng magkagusto sa isa't isa," walang buhay niyang tugon sa amin. "Bakit naman?” sabay na tanong ni Abby kay Lorraine. Nagkibit-balikat ito. "Simple lang. Para hindi masira ang friendship naming dalawa," paliwanag niya sa amin at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ako p’wedeng magkamali na may gusto nga si Lorraine kay Nathan. Although inakala ko rin dati na nililigawan siya ni Carlo ngunit hindi pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD