CHAPTER 3 - JOYCE'S POV

1096 Words
“Abby, matatanggap ka sa audition. Basta tiwala ka lang,’’ sabi ko kay Abby na siya talaga ang gustong maging isang cheering squad member at cheer leader. Dahil ‘yon ang pangarap ng mommy niya para sa kanya. Ang sumunod siya sa yapak nang kanyang mommy sa pagiging cheer leader. Ilang oras ang lumipas ay natapos din ang audition. At hinihintay na lang namin na i-announce ang pangalan ng mga nakapasa. Habang hinihintay namin na i-announce kung sino ang qualify na maging cheering squad member ay dumating ang grupo nina Carlo, at lahat sika ay nakapang-basketball na. Tumitigil talaga ang oras ko kapag nakikita ko si Carlo, at kahit nasa malayo siya sa akin ay kilalang-kilala ko siya. Habang nakatulala ako ay bigla akong ginulat ni Clarice. “Hoy! Matuklaw ka ng ahas!” pabirong sabi ni Clarice na narinig naman ni Laya. “Alam mo, Joyce, kung ice cream lang si Carlo. Malamang, tunaw na siya sa mga titig mo,’’ malanding sabi ni Laya habang nakangiti. Tumingin ako kay Laya. “sino bang may sabi na si Carlo ang tinitingnan ko?!” maarteng tanong ko kay Laya habang nakataas ang aking mga kilay. Hangga’t maari ay ayokong may makakaalam na crush ko si Carlo, dahil tiyak ko lolokohin ako ng aking mga kaibigan. Lalong-lalo na ni Laya. Ngumiti si Laya. “Joyce, huwag ka nang tumanggi! Halatang-halata naman sa ‘yo na si Carlo ang tinitingnan mo!” muling sabi ni Laya. Magsasalita pa sana ako nang biglang magsalita ang isang cheer leader. ‘‘Maraming salamat sa lahat nang sumali sa audition. Ang tatawagin ko ang pangalan ang siyang mga nakapasa. At sa mga hindi matatawag, maraming salamat sa inyong lahat at more practice pa, para maging qualify kayo sa next audition for cheering squad member.” Naghawak-hawak kami ng kamay na magkakaibigan at halos lahat kami ay dumadalangin nang taimtim. Ngumiti ang isang cheer leader at nagsimula nang magtawag sa mga nakapasa. “Ang limang tatawagin namin ang siyang mga nakapasa sa audtion.” Tumingin sa amin ang cheer leader na nagsasalita. ‘‘Laya Mae Salvanera, Clarice Anderson, Joyce Ann Mallari,” tawag sa aming tatlo at muli siyang tumawag ng dalawa pa. “Vivian, at Diane Sandoval,” tawag sa kambal. Nakita kong nalungkot si Abby nang hindi natawag ang pangalan niya at ganoon din si Lorraine. Nakaramdam naman ako ng awa para sa aking kaibigan, dahil siya naman talaga ang dahilan kung bakit kami nag-audition pagkatapos ay siya pa ang hindi nakapasa. Ngumiti nang pilit si Abby at nagsalita. ‘‘Congrats sa inyo. Hindi man ako nakapasa at least kayong tatlo nakapasok sa chering squad.” Tumingin ako kay Abby. “Abby, may next audition pa naman,” sabi ko. Tumango si Abby. “Oo nga! At pagbubutihan ko sa susunod na audition para makapasa ko,’’ muling sabi ni Abby. Magsasalita pa sana ako nang muling magsalita ang isang cheer leader. “Kayong lima na tinawag namin ang nakapasa para maging cheering squad member. At ngayon naman ay tatawagin naming ang dalawa na nakapasa para maging cheer leader ng first year.” At tumingin ito sa amin. “Lorraine Monterverde at Abby Lyn Castillo, pumunta kayo dito sa unahan,” tawag sa dalawa. Sabay na pumunta sa unahan sina Abby at Lorraine. Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang labis na kasiyahan. Dahil silang dalawa ang napiling cheer leader. Masaya ako para sa aking kaibigan na si Abby at hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng loob ko para sa kanya. Sa lahat ng kaibigan ko kay Abby ako magaan ang loob at parang kapatid na ang turing ko sa kanya. “Makinig kayong lahat! Sina Abby at Lorraine ang cheer leader ng first year. At sa mga hindi natawag, better luck next time!” muling sabi ng cheer leader at natapos na ang audition. Nang matapos ang audition ay nagsimula nang maglaro ng basketball sina Carlo. Hindi nila kasama si Charles ang amboy nilang kaibigan. “Joyce, hindi ka pa ba uuwi?” tanong sa akin ni Abby nang umupo ako sa gilid ng gym. Ngumiti si Laya at nagsalita. ‘‘Abby, tinatanong mo pa talaga si Joyce! Natural! Hindi ‘yan uuwi. Kasi. . . papanoorin niya ang kanyang ultimate crush,” malanding sabi ni Laya. Tiningnan ko nang masama si Laya dahil sa sinabi niya. At talagang tiningnan pa niya si Carlo na dumaan sa harapan namin. “Laya, ikaw naman binubuking mo pa talaga si Joyce. Alam mo naman na si—’’ Hindi na naituloy ni Clarice ang sasabihin niya nang matamaan siya nang bola dahil sa malakas na pagkakabato ni Alex. Lumapit si Alex kay Clarice. ‘‘Miss, I’m sorry! Hindi ko sinasadya!” paghingi nang paumanhin ni Alex kay Clarice. Tumango si Clarice. “Okay lang!” matipid na tugon ni Clarice at umupo na ito sa tabi ko. Natawa ako kay Clarice, dahil hindi man lang niya pinagsungitan si Alex. Malamang kung iban tao ang nakabato ng bola sa kanya, marahil ay sinungitan na niya ito. Hindi ako p’wedeng magkamali na si Alex ang crush ni Clarice. Alam ko na kahit boyish kumilos ang aking kaibigan ay pusong babae pa rin ito. Habang nanonood kami nang basketball ay nakita nakita ko si Nathan na lumapit kay Lorraine. Minsan nga ay gusto kong tanungin si Lorraine kung nanliligaw sa kanya si Nathan, dahil malimit ko siyanga makita na inihahatid ni Nathan sa classroom, Pero siyempre hindi ko siya tinatanong baka isipin niya napaka tsismosa ko. Mabait si Lorraine, kaya nga nakakapagtaka bakit naging kaibigan siya nina Lavinia na kilalang mga maldita dito sa school. “Mga sis, sa tingin ‘yo boyfriend ni Lorraine si Nathan?’’ tanong ni Laya habang nakatingin siya kina Nathan at Lorraine. Hindi lang pala ako ang nag-iisip kung boyfriend ng classmate naming ang isa sa tinitilian dito sa school. “Magkatulad lang tayo ng tanong,” mabilis kong tugon kay Laya. “Kayo talagang dalawa napaka-tsismosa!” sabi naman ni Clarice habang ang mga mata ay nakatingin kay Alex. Ang panonood ng basketball ang kaligayahan namin na magkakaibigan. At siguro iisa lang ang dahilan namin na magkakaibigan. Hindi man sila umaamin ay halata ko rin sila na may crush sa mga kilabot ng kolehiyala o campus crush. Tanging si Abby lang ang hindi naming nakakasama manood dahil malimit siyang sunduin ng bodyguard ng daddy niya, kaya madalang naming siya makasama dito sa gym. Katulad ngayo’y sinundo na naman siya ni Kuya Jay dahil isasama pala siya ni Tito Enrico sa mansion ni Governor Enverga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD