CHARI
Sumapit ang araw nang Inter School maaga kaming naghanda nang mga pinsan ko, inaayusan nila ako dahil ako ang muse nang aming
School. Magkakaroon muna nang parade sa lahat nang private school na kasali, kanya kanyang pakulo at ingay ang bawat schoo. Mag kakaroon din nang pageant para sa mga Muse na kasali ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Hinatid kami ni tatay gamit ang aming kotse, oo kahit vegetable vendor at jeepney driver lang ang mga magulang ko ay may kotse kami. Bihira lang ito gamitin dahil bigira lang din naman kami mamasyal, kasama ko sa loob nang kotse si Wena at Rachel nakasuot na sila nang jersey nila samantalang ko jersy din naman na pang Muse ang suot ko. Sa tingin ko naman ay hindi papahuli ang beauty ko kung tindig at ganda din lang ang pag uusapan.
Dumiretso na kami sa Holy Trinity, ang assembly time namin ay seven am. Bago ang itinakdang oras ay nakarating kami sa Holy Trinity napakaganda talaga nang paaralan nila ang luwag kumpara sa pinapasukan kong school, kita mo sa mga estudyanteng makakasalubong mo ang mataas na antas nang estado nila sa buhay. Pinapapila na sa labas ang school na kasama sa parada at mag uumpisa na daw ang parade sabi nang organizer. Pag labas ko ay kita ko ang mga matang nakatingin sa akin, mga matang puno nang paghanga sa edad ko kasing kinse ay muka na akong dalaga dahil malaking bulas ako, matangkad din ako at maputi, matangos ang ilong at makintab ang mahaba at itim kong buhok. Sabi nga nang ibang kakilala ko kapag daw nakaayos ako ay hindi maiwasang mapa second look ang mga kalalakihan sa campus namin.
Dahil ang Holy Trinity ang school host kaya sila ang nauna sa pila, sumunod naman ang school namin na Paraclet Academy at ibang school na kasali sa Inter School. Twelve school ang maglalaban laban ngayong taon kaya mas mahigpit ang labanan.
"Cha, nakita mo ba ang muse nang Holy Trinity?" bulong ni Wena sa akin.
"Hindi eh, sino ba ang Muse nila? Tingin mo ba may laban ako?" bulong ko din sa kanilang dalawa ni Rachel.
"Ay, naman may laban tayo, pinsan ka yata namin sa ating magpipinsan ikaw ang pinaka maganda. Nakita mo ba ang mga boys kanina halos maputol na ang leeg kakasunod ang mata sayo." kompiyansang sagot naman ni Rachel.
"Pang yung Pearl Arnaiz yata ang muse nila, at alam mo ba kung sino ang escort niya? Hulaan niyo?" pambibitin pa ni Wena.
"Para klang tanga Wena tatlo lang tayo nag uusap di mo pa sabihin lahat nambibitin ka pa." naiinis na sagot ni Rachel.
"Si Elijah Martinez lang naman ang escort ang kinababaliwan nang kaibigan natin. Naku malamang may maiinggit mamaya nito." natatawang sagot ni Wena.
"Talaga ba? Sya ba ang escort ng mukang linta na yon? Naku di ko lang sya kakainggitan mas maganda yata ako sa kanya, feeling lang ang babaeng yon, kita mo nga kung maka dikit kay Elijah parang linta ayaw nang bumitaw." inis na sagot ko.Matanda lang siya sa akin nang konti, tingin ko nasa 18 or 20 na yung Pearl na yon." Gagalingan ko na lang mamaya pag rumampa na kami para matalbugan mo siya," bulong ko sa sarili ko.
Natapos ang parada at ngayon ay sa multi purpose hall na kami, tinawag na isa isa ang mga muse para mag pakilala sa harap nang stage. Medyo kabado akong bente kasi naman nasa harap nang stage si Elijah at mga pinsan ko pati mga schoolmate ko kaya dapat gagalingan ko. Narinig kong naghihiyawan ang lahat nang tayo na nanonood dahil ang Pearl na yon ang nasa stage. Malakas talaga ang audience impact niya kaya di ako pwede kabahan at mag kamali. Natapos na si Pearl at ako na ang susunod, kinalma ko na ang sarli ko hindi ako ngayon pwedeng magkamali kung hindi pagtatawanan ako nung buset na Elijah at pearl na yon.
"And now let us call candidate number 9. Let's get it up from Paraclet Academy." narinig kong tawag sa akin nang Host. Inaayos ko ang aking sarili at ipinaskil ko na sa mukha ko ang ngiti ko, narinig kong nag sigawan ang mga schoolmate ko nang lumabas ako sa stage buong kompiyansa akong rumampa at ikinendeng kendeng ko ang aking bewang saka ko pinahampas hampas ang buhok ko sa hangin kaya para itong nag ba-bounch.
"Go Charimel!" dinig kong sigaw nang mga pinsan ko, iba din talaga ang dalawang ito daig pa ang naka mega phone sa lakas nang boses, pagkatapos kong libutin ang stage ay pumunta ako sa harap at hinawakan ko ang mic para ipakilala ang sarili ko."
"Kahit anong bagal ng paglakad mo, kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka talaga niya maabutan kahit mag STOP OVER kapa. My name is Charimel Mediado, A 17-year-old stunner is standing in front of you from Paraclete Academy na nag iiwan nang mga katagang "SA DINAMI DAMI NG "BOOK SA MUNDO. ISA L;ANG TALAGA ANG HINDI KO MAINTINDIHAN, ANG TI-BOOK NG PUSO KO PARA SAYO...... AND I THANK YOU.........." sabay turo ko kay Elijah narinig ko ang hiyawan at sigawan ang lahat nang mga estudyante na nanood at pati ang mga barkada ni Elijah ay nakikihiyaw at hinahampas nila si Elijah na akala mo kinikilig.
"Pinsan ko yan! Muse namin yan! Samin na lang Tumi-Book ang puso mo!" rinig kong sigaw nang mga lalaking estudyande at ni Rachel na napakalakas talaga nang boses. Rumampa na ako patalikod at sinigurado kong kumekendeng ang bewang ko, saka ako dumiretso pababa nang stage. Naabutan ko na ang mga kateam ko na nasa back stage at ang lalaki nang ngiti nila.
"Cha ang galing mo, nilampaso mo lahat nang kalaban mo. Iba din ang mga words of wisdom mo baklang bakla." natatawang sabi nang kateam ko.
"Chari proud kami sayo ni Rachel, ginalingan mo naman masyado anong sinabi nang muse nang Holy Trinity nilamon mo nang buo." masayang sabi ni Wena sabay yakap nila sa akin. Masaya ako sa mga naririnig kong papuri galing sa kanila mabuti na lang talaga lumaki akong may taglay na kapal nang mukha, natatawa kong sabi sa isip ko.
"Cha iba ka talagang itinuro mo pa si Elijah, ayun hanggang ngayon tinutukso nang barkada niya. Sabi nung Marco sa kanya na lang daw tumibok yang puso mo wag na kay Elijah." nakangising sabi ni Rachel.
Nang matapos na lahat nang candidate ay isa-isa na kaming tinwag pabalik nang stage para iannounce ang nanalo. Kinakabahan man ako ay ngiting ngiti pa din akong tumayo sa harap kasama nang ibang muse yung iba naging kaibigan ko na din at pinupuri nila ako. Manalo o matalo ayos lang naman sa akin ang mahalaga lumaban ako at ginawa ko ang best ko. Narinig kong tatawagin daw ang Top 5 na panalo, doon kukuha nang 4th ,3rd, 2nd, 1st at Miss INTER-SCHOOL. Tinawag na nila ang 3 school na pasok sa top 5 kasama na doon ang Holy Trinity, nawawalan na ako nang pag asa dalawa na lang ang tatawagin nila. Tinawag na din ang Saint Jude sa no.4 slot kaya 1 na lang ang natitira. Kabado bente na ako pero gaya nga nang sabi ko manalo matalo ay tatanggapin ko basta alam ko naman ginawa ko ang best ko.
"Last but not the least na makakapasok sa top 5, ay si.............. Sinong gusto niyo?" tanong pa nang host, binibitin niya ang pag announce kaya mas lalong nakaka nerbyos. "Paraclete........ Paraclete............. Paraclete!" dinig kong sigaw nang mga estudyante kaya nabubuhayan ako nang loob. "Our last candidate na pasok sa top 5 ay candidate no,................... 9, from Paraclete Academy." sigaw nang Emcee na ikinagulat ko kaya hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
"Chari, tawag kana, pasok ka sa top 5." nakangiting sabi nang katabi ko. Nanginginig akong naglakad papunta sa harap at tumabi ako kay Pearl.
"Akalain mo yon pumasok ka pa!" nakakainsulto niyang sabi. Pero dahil masaya ako hindi ko na lang siya pinansin. Kahit papano alam ko nang may place ako at hindi ako talo kaya hahayaan ko muna ang lintang Pearl na to. Humanda sya sa akin mamaya pag nagkita kami sa labas kung makapanlait wagas ha.
Isa isa nang tinawag ang nanalo from 4th - 2nd runner up kami na lang ni Pearl ang natitira 1st runner up at title na lang ang pinag lalabanan namin. Ang bruhang Pearl bumulong na naman. "Alam muna kung sino sa atin ang title? Malamang naman ako." sabi niya. "Oh! Eh di ikaw na sayo na ang koronang tinik." bulong ko din pero nakangiti ako para hindi halata na nag aaway na kami sa stage.
"Ang una po namin tatawagin ay ang 1st Runner up, at ang hindi matatawag ay siyang mag uuwi nang title na MIss Inter-School." paliwanag nang Emcee. "Our 1st Runner up goes to....................... Holy Trinity University and our Miss Inter-School goes to Paraclete Academy." Announce nang Emcee kaya nag sigawan na ang mga schoolmate ko pati ang mga teachers namin na nandito at nanonood ay nakikisigaw na. "Let us call the School Principal of Paraclete Academy para samahan po ang ating winner?" tawag nang emcee sa principal namin. Hindi lang Principal ang umakyat dahil buong volleyball team namin ay sumama sa taas nang stage at nag sisigawan sila dahil sa saya na ako ang nanalo. Nakita ko si Pear na masama ang tingin sa akin kaya nilapitan ko sya para asarin. " SO, ALAM MUNA NGAYON KUNG SINO SA ATIN ANG TITLE HOLDER." pang gagaya ko sa sinabi niya kanina sa akin, sabay ngiti ko at naglakad na ako palayo sa kanya at sinalubong ako ni Rachel at Wena sabay yakap sa akin........