CHARI Ngayon ang araw ng kasal namin ni Eli, kahapon pa nang tanghali ay hindi ko na siya nakita dahil pinaalis na siya dito ni nanay sa bahay. Tutol man ako sa gusto ni Nanay ay nawala na kaming nagawa ni ELi, sumunod na lang kami dahil sa tradisyon na sinasabi nila. Nakarinig ako ng mahihinang kantok mula sa aking pinto. "Pasok!" medyo malakas ang boses na sigaw ko. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Nanay, lumapit siya sa akin at may nakita akong mumunting mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya, niyakap ko siya saka ko inihiga ang ulo ko sa balikat niya. "Nay, huwag ka na pong umiyak, hindi ka po ba masaya at ikakasal na ang nag iisang anak mo." Malambing kong sabi sa kay Nanay. Kahit si Eli ang totoong anak niya para sa akin siya pa din

