Pagpasok sa b****a Nakita ko ang napakataas na water falls . Dumadaan ang tubig nito sa naghahating dalawayang bundok. Maraming tao ang dumarayo kanya kanya post. Nakakamangha ang ganda nito. Naghahalo ang ingay lagaslas ng tubig at mga huni ng ibon na nasa paligid. Halos walang marinig na ingay ng tayo. Tahimik silang nagseselfie at nakatingla sa mataas na Water Falls. May mga tao din na bumababa pa puntang sa kinababagsakan ng tubig nito. Inihanda ko ang camera upang kuhanan ang nasa paligid. Hindi ako na uubosan ng shoot sa ganitong kagandang tanawin. Kahit mga maliit na ibon ay abot ng bago kong camera. Nagpatuloy ako sa pagkukuha ng mga magagandang anggulo na aking magugustohan. Tol! ano sulit ba? tanong ni Karl sakin. sabi ko sayo eh magugustohan mo dito. Malawak ang area na ito kaya magasawa kang kuhanan bawat magugustohan mo. Lumapit pa kami sa Falls ibig kung kuhanan ang kabuuhan nito. Ibat ibang anggulo para marami akong pag pipilian. Mayroon din itong maliit na space para sa mga magagandang bulaklak. Makapigil hinga ang ganitong tanawin. Malilibang ako dito bro, magaan sa makiramdam. Para akong isang prinsipe sa isang kaharian. Parang gusto ko namamaniwala na may dalang himala ang sa Islang ito. Maraming kwento na ang karanasan ng lugar na ito bro. Ang iba dito na nagpapakasal sa paniniwalang forever love na sila. Meroon isang lugar banda doon na ginawala para sa ikakasal. Gusto mo tingnan tol? Tara agad akong nagpa unlak at nalakad papunta sa area na iyon. Para itong isang paraiso sa ginta ng kagubatan. Pero halatang luma na ang disenyo nito. Puno ng ibat ibang bulaklak may mga lumang upuan, sa bandang dulo may maliit natural backdrop. Agad ko kinuhan ng ilang picture ang area na iyon. May naririnig akong munting tawanan ng mga bata sa bantang itaas na bahagi ng wedding area. Umakyat ako sa hagdan upang matingnan ang pingagagalingan ng mga boses. Kamangha mangha ang tanawin doon may mini park para sa mga bata., meron ding picnic area ito. Tamang tama para sa buong pamilyang namamasyal. Tinutok ko ang camera sa mga batang naghahabulan. Punong puno ng masasayang tawanan ang paligid. Safe ang lugar na ito maraming bantay ang nakapaligid. Bumaba ng hagdan para magpunta pa sa ibang spot upang makarami ng photos.
Bea
Jane ang ganda pala talaga dito pag umaga pa. Opo maam hindi pa gaanong maraming tao. Segurado mapapagod tayo sa pamamasyal nito. Buti nalang hindi nakasama si tabaching ching hindi tayo mahihirapan. Oo nga ate hehehe tara, Good morning po Mang Norman bati ni Jane sa gaurd Aba! mamasyal kayo ulit Jane. Opo gusto po kasi ni Ate Cindy makita ulit itong Falls. Ah ganun ba. Sege pasok na kayo para marami kayong mapasyalan. Salamat po Mang Norman.
Jane ang lawak pala nito hindi pa tayo nakalapit sa Falls dito palang ang dami ng magagandang tanawin. Opo ate banda pa doon masmagaganda tiyak na my gugustohan mo doon. Alam kung mahilig ka sa mga bulaklak may isang area din dito Sa mga bulaklak. Totoo? agad naming pinuntahan ni Jane ang lugar kung nasaan ang mga bulaklak. Malayo palang tanaw ko na mag maga ito, binilisan ko ang paglakad at excited na akong hawakan sila. Kinikilig ako sa tuwing nakakakita ako ng ibat ibang uru ng mga bulaklak. Ate! hintayin mo ako! tawag ni Jane nilingon ko lamang sya at binilisan ko pa lalo ang paglakad. Sumunod ka nalang Jane hehehe. Ate! sigaw na ni Jane, huli na ang lahat, Pag harap ko! Ouch! Sh***t Sorry, sorry, nakayuko ang naghihingi ng pasensya sa taong nakabangga ko. Halos hindi ko maidilat ang mata sa subrang sakit, tumama ito sa balikat ng taong nabangga ko. Agad ako hinawakan ng Mamang nabangga ko. Miss are you okay? Nakatakip pa din ang mga kamay ko sa mukha dala ng sakit na nararamdam. Ate! Okay kalang ba? Patingin ako nasugatan kaba? Di ko kasi ako narinig eh ayan tuloy nakabangga ka. Napaupo na ako habang takip ang mukha ko. Napapaluha na ako sa sakit. Binigayan ako ng lalaki ng panyo para mapunasan ang mga mata ko. Thank you po. Pinunasan ko ang mga mata na hindi pa din dumidilat. Ate! idilat mo mga mata bakit nakapikit pa din? Masakit na masakit pa din ba?Walang sabi sabi na binuhat ako ng lalaki. Sandali! san mo dadalhin ang ate ko! hila hila ako sa kamay ni Jane. Wag kang mag alala dadalhin ko lang sya saMamboo para matingnan ang mata nya. Wala akong masamang gagawin sa ate mo. Kaya sumunod nalang si Jane sa amin. Pakibukas ng pinto! utos nito nilapag nya ako sa isang kama at pinahiga. Nakatakip pa din ang panyo sa mga mata ko. Hindi ako kumikibo nagpapaubaya nalang ako habang nakapikit pa din. Hala! Ate may dugo may sugat ka! Huh! malaki ba Jane? tanong ko. May naamoy akong alcohol at goma. Maya maya ay tinanggal na ang panyo sa akin mukha. Pinunasan at my nasisilayan akong liwanag mula sa flash light. Aray! aray! Dahan dahan lang parang gusto mo naman dadgdagan ang sugat ko eh. Wag kang malikot tinitingnan ko pa kung malalim ba itong sugat mo. Kinuyom ko na lang ang mga kamay ko. Maya maya nilagyan nya na ito ng gamot at tape.
Buti hindi sa mismong mata ang nasuga. Next time kasi wag magmadala at mag ingat. Sayang naman ang kagandahan mo yang kung mabubulag namang ang isang mata mo. magpahinga ka muna dito kung hindi mo pa kaya idilat ang mata mo. Bumangon ako kinapa kapa si Jane! Jane ! nasaan okay na ako tara uwi na tayo. Huh! ate nakapikit kapa paano tayo makakauwi nyan. Halos bumaon na ang tukod ng salamin sa ilong ko at nagdudugo pa paano tayo makakauwi nyan. Tatawagan ko nalang sila nanay para ipaalam sa kanila. Walang susundo satin nasa manggahan sila. Paano na tayo nito Jane. Pwede naman kayo magpalipas ng gabi dito. Kung hindi kayo masundo. Huh! hindi po uuwi na kami nakakahiya naman. Uuwi natawa ang lalaki Miss paano ka uuwi hindi mo pa kaya idilat ang mata mo. Oo nga Ate lalabas lang ako para makatawag kay nanay. Hoy! Jane wag mo akong iwan dito! Baka anong gagawin sakin ng lalaking ito. Naku! Miss wag kang mag alala itong kaibigan ko hindi mabait ito. Hindi yan nangangain ng tao. kaya relax kalang.
Sege bro labas muna ako para masolo mo sya. Sira ulo ka talaga Karl natatakot na tuloy si Miss maganda kung ano ano mga sinasabi mo sege lumabas kana na nga. Narinig ko ang pagsarado ng pinto kinabahan ako dahil dalawa nalang kami ang naiwan sa loob. Wag kang mag alala mabilis lang gumaling yang sugat mo at hindi yan magkakapilat. Sa susunod kasi mag ingat ka at tumingin lagi sa harapan mo para di ka maaksidente.
Parang kamukha mo yong nakita kung babae sa manggahan. nasira pa nga ang lens ng camera ko. Nataranta ako bigla at bumabgon pilit dinidilat ang mata. Pero patuloy pa din ang pag durugo ng sugat ko. Ay! naku! ang sabi ko wag kang malikot ayan dumudugo na naman ang sugat. Pilit akong hinihinga ng lalaki. Ayaw ko uuwi na ako Jane! Jane! tulong Bitawan mo ako! bastos ka talaga. Hawak hawak nya ang balikat ko at pilit pinamahinga. Hahalikan kita! pag hindi ka tumigil! Napahinto ako sa narinig at hinayaan syabg ihiga ako, pinunasan nya ulit ang dugo sa sugat ko. Lalong magdudugo ang sugat mo kung magpwepwersa ka. Matulog ka muna para makapagrelax ka dito lang ako babantayan kita.
Luke
Hindi ko tubos maisip na ganito kabilis ang pagkikita namin ulit ng babaeng ito. Habang titig na titig sa maganda nyang mukha. Lalong maganda sya tingnan kapag mahimbing ang tulog. Kutis mayaman ang kanyang mga balat. Maganda ang hugis ng katawan, walang kahit anong bakas ng piklat ang balat nya. Tinitigan ko sya mula ulo hanggang paa kitang kita ang mahahabang at makikinis na mga hita nito.Bayagyang nakataas ang damit nito dahil sa pagpipilas kanina. Kumuha ako ng isang kumot at tinabon sa mga hita nito. Naupo ako sa couch na loob ng kwarto. Isa ito sa mga rooms na pinaparentahan ni Karl. Kaya masarap magpahinga dito. Nahiga ako para mailapat ang likod. Ramdam ang pagod at ngawit sa likod at balikat.. May katangkaran itong babae kaya medyo mabigat sya. Malayo layo din ang area na yon dito. Pumikit ako habang naghihintay syang magising.
Bea
Nagising ako sa na tahimik na ang pakaligiran. May isang oras din siguro akong nakatulog. Dahan dahan kung dinilat ang mga mata. Nasilaw ako ng konti pero pinipilit ko idilat. Wala akong nakita sa paligid. Palinga linga na hinanap ang banyo upang umihi. Tahimik akong bumangon at tumingin sa paligid. Nakita ko ang isang lalaki natutulog. Namamura ako. Sh**t sya nga dahan dahan ako tumayo ang nagpunta sa banyo. maingat na sinarado ang pintuan. Tinitigan ko ang sugat sa aking ilong maliit lang ito pero masalit at medyo namamaga. Tinanggal ang natuyong dugo saka lumabas ng banyo. Maingat kong binyksan at sinara upang hindi makalikha ng ibgay. Umupo sa kama at napatingin sa lalaking mahimbing ang tulog. Ang pogi nya pala mukhang mabait naman. Inikot ko pa ang mata sa buong palibot ng kwarto may isang maliliit na painting ito. May mga note din na nakasabit sa dingding. Malinis at maaliwalas ang kabuuhan ng kwarto. Meron itong malalaking bintana at natukso akong sumilip sa labas ng kwarto. Maingat akong nag lakad upang makalapit sa bintana medyo tanghali na kaya maliwag na ito sa labas. Lumipat pa ako sa iba pang binta. Hanggang sa., bigla akong na out of balance. Napadapa ako sa lalaki na sana couch. Ah!! napasubsub ako sa dibdib nito. Agad naman akong niyakap ng lalaki. Halos tumalon ang puso ko sa kaba. Napapikit ako sa hiya. Pero mahigpit ang yakap nito sakin. Sabi ko sayo mag ingat ka di kapa magaling madadagdagan pa yata ang sugat mo. Tinukod ko ang isang kamay para kumuha ng pwersa sa pagtayo pero lalong humigpit ang magkayap nito. Bitawan mo ako harassment itong ginagawa mo. Anong harassment doon ikaw ang nagpunta dito. At ikaw ang nasa ibabaw ko. Bulong nito, ang bastos mo talaga. Nagpupumilas ako para makabangon pero lumalala pa. Pareho kaming nahulog sa sahig. At napailalim ako. Hawak hawak nya ako ulo kaya hindi ito masakit ng tumama sa sahig. Lalong naging mahirap ang setwasyon naming dalawa. Halos di na ako makahinga sa pagkadagan nya. Please makawalan mo na ako nahihirapan na ako huminga. Pag mamakawa ko sa kanya. Hindi ko ramdam ang mga sugat ko. Agad naman sya bumangon at tinulongan akong tumayo. Ayan! dumudugo na naman ang sugat mo. pinunasan nya ulit ito at nilagayan ng manibagong gamot.
Hindi na ako lumalaban pa sa ginagawa nya. Sege makulit ka ah hindi yan hihinto sa pagdugo. Alam mo Miss na may sugat sa ilong. Maganda ka sana kaso nakatakaw desgraya mo. Eh kung hinayaan mo sana akong bumagon di hindi sana yan dumugo ulit ang sugat ko. bastos ka kasi bulong ko pero nakarating pa din sa mandinig nya. Aba! talaga naman. ipaalala ko sayo may utang ka pa sakin ha. sinira mo ang lens ng camera ko. Kelangan mo ako bayaran. Ang mahal noon. Kinuha ko ang wallet at kumuha ng pera magkano ba yon . Inabot ko sa kanya pero hindi nya ito tinggap. Iba ang gusto kong ibayad mo. Huh! napaisip ako at dali daling tinakpan ang harapan ang dibdib ko. Bastos! kung hindi pera ang gusto mong bayad ano? Makipagdate ka sa akin mamayang tiningnan ako ng nakakaloko. Date? sira ulo ka hindi ako nakikipagdate sa hindi ko kilala. Kaya ko naman bayaran ang nasira ko. Bakit pa ko makioagdate? Sege kung ayaw mo hindi pa makakabayad ng utang mo sa akin habang buhay. Hindi ko tatanggapin yang pera mo.
Biglang bumukas ang pinto agad kaming nakita ni Jane sa ganun setwasyon tatalikod na sana sya .. Jane tawag ko. ate Okay kana ba. tumawag na ako kay nanay hindi sila makaalis ng manggahan malakas ang alon delikado sa bangka. Subukan nalang daw nila umuwi bukas. Oo okay na ako Jane dumugo lang ulit itong sugat ko. Makulit ka kasi kaya. sabat nitong lalaki. Ate hindi kapa ba nagugutom? Kanina pa akong gutom Jane. Pinapatawag na kayo ni Sir Karl upang kumain. Sege mauna na kayo ililigpit ko lang itong kalat. Sabay na kami lumabas ni Jane. Ate ang gwapo nya! kilig na bulong ni Jane sa akin. Psssttt ano ka ba Jane. gwapo nga bastos naman. Huh! parang hindi naman ate mabait nga sya eh ikaw ang nakabonggo sa kanya pero sya pa ang tulong sayo. Tapos pinatulog ka pa nya sa room at binantayan ka niya, anong bastos dun ate? Basta Jane bastos sya. Mga magagandang dilag dito na kayo umupo para makakain na.
Halos lahat ay seafood. ang pagkain. Ate paano ka makakain nito may sugat ka bawal. Hindi pa pwede yan?
Wag yan lalong kikirot ang sugat mo dyan nagpaihaw na ako ng isda ung nalang ang ulamin mo. Di ba ate ang sweet nya. Kumain ka para makainom ka ng gamot mo. Aba! bro ang sweet mo. Dapat lang tol may utang pa sakin yan hindi dati, tinakbuhan ako nyan tapos ngayon inalagaan ko pa sya kaya may bayad din yon. Ate magkakilala kayo? paano ka nagka utang sa kanya. Hindi kami magkakilala ne hindi ko pa nga alam ang pangalan nyan eh. Ate ang nagugulohan ako. Ano ba talaga ang nagyayari.
G*g* talaga. tumigil kana ang daldal mo. sege payag na akong makipagdate mamaya. Nagulat ang lahat sa sinabi ko.. Para matapos na yang utang na pinagsasabi mo. Naiirita na ako sa kanya walang nakakalam ang pagkita namin sa manggahan. pero sa kadaldalan nya mukhang malalaman pa nila at tinatago ko.
Luke totoo ba yan? ngayon ko lang nalaman na iba ka talaga maningil ng utang, Baka malugi ka nyan magagalit si tito nyan. Hindi naman kasi pera ang utang nya kaya hindi rin pera ang sisingilin ko. Ibang klase ka talaga bro. Nilapag ang inihaw na isda at hinimay himay pa ito. Kinuha ang plato at nilagyan ng kanin at nilapag sa harapan ko. Ayan kumain kana ang ayaw ko wala kang lakas mamaya sa date natin. Habang seryosong nakatitig sakin. Hindi na ako kumibo pa dahila ayaw kong malaman nila ang pangyayari sa manggahan. Tahimik ako kumakain kasabay sila. Pero kaonti lang ang nakain dahil naiilang ako sa dalang lalaking nasa harapan ko. Tumayo sya kinuhanan ako ng isang basong tubig at may damot na itong hawak. Nilagay sa palad ko ang gamot at nilapag ang basong may lamang tubig. Sinubo ko ang gamot at lumagok ng tubig. Tahimik pa din akong nakaupo. Kilala na ni Jane si Karl dahil madalas silang napupunta sa lugar na ito.
Jane okay lang ba sa iyo kung maiiwan kalang dito kay Karl hiramin kong lang itong ate mo na maganda na my sugat sa ilong.? Mahabang paalam nito kay Jane. Opo Sir.. wag kang mag alala ibabalik ko sya ng buhay.
Sege po.. Wala nang nagawang pa si Jane. Naglakad lakad kami papunta ng mga bulaklak tahimik lang ako at patingin tingin sa paligid. Pero hindi ko mapigilan ang mapangiti sa ganda ng mga bulaklak., hinawakan ko isa isa at inamoy amoy ang iba. Mahilig ako sa kulay pulang bulaklak. Wala akong pakialam sa kasama ko inikot ko ang buong area ng bulaklak. Pumitas ako ng isa ang inipit ito sa aking kaliwang taenga. Ngumingiti habang hawak ang iba pa. Ang pwede nitong mga bulaklak katapat lamang ng Falls. Humarap ako at ininaas ang dalawang kamay pinikit ang mga mata na tiwalang nagdadasal ng isang himala. Hinanamnam ang bawat sandali. May naririnig akong tuni ng mga ibon sa paligid. dahang dahan kong dinilat ang aking mga mata. Nakita ko ang mga ibon nakahapon sa isang maliit na puno malapit sa mga bulaklak. Nakakatuwang pagmasdan ang mga ibon nagpapasikat sa ibang ibon tanda ito ng pangliligaw nila. Makukulay ang mga ito.. Di ba masaya silang tingnan. panay ang click nito sa camera. parang nakikipaghabolan sa galaw ng mga ibon ang bilis ng pagclick nya. Hindi ko sya pinasin sahalip lumapin pa ako sa Falls. Ginawaan nila ng tulay na maliit ang malapit sa Falls upang makita ng mga tao ang kabuuhan ng Falls. Hanggang tingin nalang ako sa baba ng Falls dahil hindi pa ako pwede makapagtampisaw sa tubig nito. Medyo malamig na ang simoy ng hangin dahil sa malapit na ang pasko.
Miss gusto mo magpunta dun pa banda meroong maliit na park dun. Naglakad ako sa direksyon tinuro nya hindi pa din ako kumikibo habang naglalakad. Madadaanan namin ang pinagdadadaosan ng kasal hindi ko gaanong pinapansin ito. Agad akong umakyak sa hagdan papuntang mini park walang ng tao sa oras na iyon. Tahimik na ang park tanging tunog ng mga dahon na lamang ang naririnig ko. Naupo ako sa isang beanch na naroon. Lumapit sya at umupo din sa tabi ko. Miss? Pwede na ba ako magpakilala sayo? Tayong dalawa lang ang nandito. Ako nga pala si Luke Cambell sabay lahad nito ng kamay sa akin. Tiningnan ko sya ng mabuti at saka nakipag kamay na din. Bea Montejo malamig ko sagot sa kanya. Maganda ang lugar na ito nakakarealax ano? First time kong makarating dito pinsan ko si Karl ang may ari ng Mamboo. Ikaw nagarito kaba? Hindi,, ah oo ang bahay namin nasa tabing dagat. Nautal akong sumagot ng maalala na nagtatago pala ako. Yong ba ang bahay nyo sa manggahan? Hindi ah kung doon ang bahay ko ay di sana wala ako dito., masungit kong sagot sa kanya. Napatawa nalang sya, oo nga naman. Alam mo ang tipid mong magsalita ngayon. samantalang ang dami daming sinasabi ng una tayong magkita. Agad nag init ang dugo ng maalala yon. Ah talaga bastos ka eh. at anong sinabasi mo kaninang utang ko huh! di ba kasamalan mo din naman yon. Pinahiya mo pa ako tapos nagka utang pa ako dahil sa pag aalaga mo sakin kanina. Ano nalang ang sasabihin sa akin ni Jane na marami akong utang. G*g* ka talaga eh. Sabay hamapas ko sa balikat nya. Seguro naman pagkatapos nito ng date na ito bayad na ako sa utang ko. Mataray kong boses.. Nakikinig lamang sya sa mga pinasabi ko. At pangit ngiti pa habang nakatitig sakin.