Bea Lumipas ang tatlong linggo, dumating na nga sila mommy. Ramdam ko na ang pangungulila sa taong mahal ko. Hindi ako basta basta nakakatawag kahit makacheck ng messege sa phone. Laging nakamasid ang Dad ko. Pakiwari ko lalo yata syang humigpit sakin. Hindi rin kami madalas magkasama ni Paulo kaya walang pagkakataon na makausap ko si Luke. Alam na ni mommy ang tungkol samin. Pero kailangan ko pa din mag ingat para hindi ako mahuli. At lagi din naman kami kasama ni mommy sa lahat ng lakad nila at ganun din si Paulo ,sya ang nagdadrive kaya lalong mahirap para sakin. Dad pwede ba maiwan nalang muna ako dito sa car medyo inaantok lang ako. samahan nalang ako ni Paulo dito, para panatag kayo sa meeting nyo sa loob. Okay! Paulo wag mo iwanan dyan ang alaga mo. Bantayan mo at maging alerto

