Nakatulog na itong mahal ko, Hindi na naibaba ang paa para makatulog ng maayos.. Binuhat ko nalang sya para iayos ang pwesto sa kama.. Tumabi na din ako sa kanya pinaunan ko sa braso ko at akala mo may magnet na nakayakap kaagad sakin ang dalawang kamay nito at may pahalik pasa dibdib.. Nag init naman ako sa mga halik nyang iyon pero malamang hindi nya alam ang ginagawa nya. Hinalikan ko nalang sya sa kanyang noo at tinitigan ang magandang mukha nito. Hinawi ko ang buhok na nakatakip sa makinis nyang mukha... Pinisil pisil ang matangos na ilong at pinadaluyan ng mga daliri ko ang kanyang pisngi.. Love thank you na nandito ka sa tabi ko ngayon.. Masaya ako at pignagtagpo tayo ng tadhana.. Sana lang pakatatag at huwag na huwag bumitaw sating dalawa... Hindi mo lang alam kung gaano kita ka

